? Lyric 7 : video ?

1761 Words
Nagsisigaw pa ang mga tao ng isa pa, pero as usual ay hindi na naman sila pinagbigyan ni Rhode at tuloy lang sa pagtalikod. Mabilis silang pumunta sa backstage at agad akong lumabas para hanapin ang sasakyan nila. Alam ko ang plate number nun kaya wala na silang kawala! WALA! Hinanap ko ng hinanap ang sasakyan nila sa parking lot at sa wakas nakita ko rin sila. Pero anak ng, HINDI AKO MAG-ISA! Jusko! Ang dami agad naka-abang. Feeling ko talagang nag-aabang ang mga 'to kanina pa. Hindi ata sila nanood ng tugtog. Jiba din naman e! Nakipagsisikan ako and eventually..... . . . Hindi ako nakasingit! NOOOOOO! LAST PERFORMANCE YUN OH! San ko na sila hahagilapin ngayon?! Lintik kasi kanina Odele may pagkakataon ka na, inuna mo pa yang pagtulala mo, ayan! Habulin mo sila hanggang Apari! ___ Wala akong nagawa kundi ang umuwi ng luhaan. Nakatingin ako sa CD na ibibigay ko kay Rhode. Ano kaya kung ipost ko na lang sa sss ang laman nito? O kaya sa Twitter, IG, Snapchat, Youtube kahit saan! Wag lang ako maghabol hanggang Kalayaan Island sa Russo na yun! Paano na lang ang trabaho ko? Yung sa opisina at sa pagkanta ko sa Falceto. Hindi pwedeng iwan ko na lang yun, ano ako buang? Di naman pwedeng hahabol habol lang ako tapos walang datung. Pero para sa kapatid mo yun, Odele. Kung magkataon ay dying wish niya yun. Kailangan mong gawin. Malay mo maging jowa mo si Alas kakabuntot mo sa kanila, diba? Pag-uwing pag-uwi ko laglag na agad ang baba ko sa kama sa sobrang antok. Halos halikan ko na ba naman yung stage sa sobrang panunulak ng mga tao kanina, tinalo ko pang binugbog sa panonood ng Pisces. ___ Pagpasok ko sa opisina kinabukasan ay agad akong chinika ni Beth. "ODELE! NASA YOUTUBE KA!" Ayan na naman siya sa pagsigaw niya. Antok na antok pa naman ako kahit na hindi ko na namalayang nahimatay na pala ako sa higaan ko kagabi. Sa pagsigaw ni Beth na iyon ay pinapapak na naman kami ng tingin ng mga ka-opisina namin. Hinigit ko soya papunta sa table namin. "Wag ka naman sumigaw, Beth. Mababash ako ng mga tao dahil sayo e." Sabi ko at inilagay ang bag sa upuan ko doon. "Naku! Kahit na hindi ako sumigaw. Binabash ka na nila!" HA?! Ipinakita niya sakin ang video kung saan andun ako at si Rhode. Eto yung kagabi na nilapitan niya ako. May caption itong *Unang babaeng kusang nilapitan ng bokalista ng Cold Pisces. Fan lang ba siya o nililigawan na ng bokalista? ALAMIN, EKSLUSIBO!* Namilog agad ang mata ko! Ano 'to?! Sobrang OA naman ng news na yan! Pinanood ko ang buong video. Nahanap pa nila ang f*******: ko at ang IG ko. Hinalungkat nilang lahat! Tapos may mga edited pang picture ko at picture ni Rhode na magkasama! Samantalang kagabi ko nga lang nakita ng ganun kalapit ang lalaking yun. Ang mga tao talaga, napaka-effort, lalo sa kalokohan. *Napag-alaman na hindi mahilig mamansin si Rhode sa mga fans niya, kaya naman nang pansinin niya ang babaeng ito ay malaking kwestyon na sa mga fans ng Cold Pisces at ni Rhode Russo* isa iyan sa naka-caption sa slide show na picture ko at picture ni Rhode. "Girl. Wag mo nang tingnan mga comments, puro kasi nagfe-feeling dyosa ang mga tao diyan.” Kahit sinabi iyon ni Beth ay tiningnan ko pa rin ang mga comments. *MY GOD! SO WALANG FACE! *Di sila bagay. Mas bagay kami ❤ *Hindi naman ganyan ang type ni Rhode e. *Hindi siya nililigawan ng boyfriend ko! Hindi pwede! At maraming-marami pang iba! Grabe naman sila! Hindi naman nila alam ang totoong nangyari! Nakakunot ang noo ko sa bawat comment ng mga tao. Wala man lang ba akong kakampi? "Pero, Odele may naisip ako, parang maganda na gamitin mo yang umuusbong mo na career para mapansin ka ni Rhode. Para maibigay mo na ng personal yung ibibigay mo." UMUUSBONG NA CAREER?! Hindi ba umuusbong na bashers!? Tyaka hindi ko gagawin yun! I'm not that desperate. Hindi pa. "Hindi ko gagawin yun. Hangga't kaya kong manahimik sa issue na 'to mananahimik ako." Sabi ko sa kanya. "Isipin mo, baka maibigay mo na ang CD mo sa kanya kapag napa-TV ka o may mag-interview sayo, o baka makapag-harap na kayo dahil diyan. Mag-comment ka lang ng isa. Yung maiksi, pero mapapansin ni Rhode." may sungay niyang suggestion, "Ayoko. Hayaan mo na yan. Matatapos din yan at makakalimutan agad, lalo na kapag hindi pinansin. Malamang naman di rin yan papansinin ni Rhode. Gusto ko ibigay sa kanya yung CD ng tahimik at maayos. Walang issue. Walang makakaalam." Sabi ko. Nagkibit balikat lang si Beth. Hinding-hindi ko papatulan yung issue na yan. Baka mabad-shot pa ako kay Alas. No way! ___ Buong maghapon pa rin akong kinulit ni Beth tungkol doon, dumarami na kasi ang nagviview ng video at nang tingnan ko ang f*******: ko ay sumasabog ito ng notification, message at friend request na alam ko naman na hindi dahil sikat na ako, kundi gusto lang nilang guluhin ang buhay ko kagaya ng sinisimulan nila ngayon. Habang naglulunch kami ni Beth ay may hindi na nakatiis at nagtanong na sa akin ang katrabaho ko. "Odele, wag ka magagalit ah." Nagtaka ako sa sinabi niya. Parang wala pa mandin ay nagagalit na ako, "Ha? Bakit?" Tanong ko. "Itatanong ko lang sana kung...." lumapit siya sakin at umupo sa tabi ko. Eto ang unang pagkakataon na nag-usap kami ng babaeng 'to. Palagi niya akong hindi pinapansin kahit na nginingitian ko siya. Ngayon naaamoy ko na kung ano ang kailangan niya. "Ikaw diba yung babae na nasa video. Fan ka pala ng Pisces." Get to the point, b***h! "Tapos?" Tanong ko. "Fan ka lang ba talaga ng Cold Pisces o may something kayo ni Rhode?" intrigera niyang tanong. I knew it! Wala kang makukuha saking chismis, ati! "Hindi ako yun." Sabi ko at agad kinuha ang plato ko. Marami pang natirang pagkain dun at gutom na gutom ako kanina, pero ngayon nawalan na ako ng gana. Bumalik na ako sa table ko kahit gutom na gutom pa talaga ako. Babawi na lang ako sa meryenda. Sana naman wag na nila ako tanungin mamaya kung ayaw nilang sila ang kainin ko! ___ Dumating ang oras ng meryenda at mabuti na lang hindi na nila ako tinanong, pero jiba na ang mga tingin nila sakin. Parang may ginagawa akong kagimbal-gimbal. Kasi naman alam ko pag nagsalita ako, showbiz ako, lalo na kapag inamin ko ang hindi naman totoo. Diba? Ganun naman talaga, pagsisimulan lang yun ng bagong mga tanong na kesehoda tinatago ko lang o ayaw ko pa umamin. Lalo lang lalaki ang issue! Hindi talaga ako nagsalita ng kahit na ano tungkol doon at ginawa ko lang normal ang buong araw ko kahit na abnormal ang mga kasama ko sa trabaho. ___ Umuwi muna ako pagkatapos ng trabaho saka ako pumunta sa ospital para dalawin si Edele, bumalik na kasi si Tita sa pag-mamando ng business niya. Okay okay na naman daw kasi si Edele mag-isa doon kaya naiiwanan na niya at oras oras naman may nag-checheck na Nurse. Tyaka kailangan na talaga naming gumaod, malaki na ang bills! Pagbukas na pagbukas ko ng pinto ay nandun naabutan ko si Patty at Ino. "ATEEEEE!" Sigaw ni Edele na naka-upo pa rin sa kama niya. "Kung anong hinina ng buto mo, siyang nilakas naman ng boses mo, noh?" Iyon ang bati ko sa kanya pagpasok ko at kagaya ng inaasahan ay binalewala niya lang yun. "Hi Ate Ody." Bati naman nila Ino at Patty at nginitian ko sila parehas. Nagpapasalamat ako at nandito sila para dalawin si Edele, malamang kasi ay nagsasawa na rin yan sa pagmumukha namin ni Tita at gusto niya ay may iba naman siyang makita. Si Rhode lang ata ang hindi pagsasawaan niyan. "Ate! Napanood ko yung video niyo! Bakit naman hindi mo na lang sinunggaban ang pagkakataon! Nandun ka na e!" nanghihinayang niyang pahayag. Haaaa?! Natawa ako, "Okay ka lang? Diba iyo yun? Bakit ko naman papatulan." Sabi ko. "Mamamatay na rin naman ako kaysa mapunta siya sa iba, magandang sayo na." Tiningnan ko agad siya ng masama. "EDELE! Ano ba yang sinasabi mo?!" Tumaas ang boses ko sa pagkairita sa sinabi niya. Hindi magandang biro yun! Natahimik siya at tumungo. "Wag ka magbibiro ng ganun, okay?" Hindi siya nagbigay ng reaksyon. AYOKO NG MGA GANUNG BIRO! Kung papipiliin ako ng Diyos, mas gusto ko ang mabuhay si Edele kaysa sa milyong-milyon na Rhode Russo na magkaka-gusto sakin. Medyo matagal kaming natahimik habang inaayos ko ang hapunan niya at patuloy naman na ang pakikipag-kwentuhan nung dalawa sa kanya. "Uh. Ate Ody. Uwi na po kami ni Patty." Paalam ni Ino. Tumango lang ako at pagkatapos nilang magpaalam kay Edele ay lumabas na sila ng kwarto. Binigay ko kay Edele ang pagkain niya at tiningnan na naman niya ako nung ngiti niyang parang inapi yung nag-pupuppy eyes. "Mukha kang aso. Hindi ka na mukhang puppy." Sabi ko at sabay na kaming tumawa. Habang nakain siya, pinakwento niya sakin kung ano ang nangyari at nilapitan ako ng asawa kuno niya. Edi sinabi ko ang totoo at sinabi ko ring bigo ang pagbibigay ko ng CD kay Rhode at hindi na doon mag-peperform sa Cryptone ang banda. Edi syempre nalungkot ang bruha at the same time masaya. "Nako ate, masyado kang maganda para patulan yung mga basher na yun, noh. Kaya tama lang na di mo sila pansinin." Sabi niya kaya napangiti ako. Sa una lang niya ako pinilit na magsalita at umaming fan lang ako ng banda, pero sa huli nagkasundo rin kami na wag na ako magkumento sa video na yun. Palalamigin ko muna yung issue bago ako manood ulit ng gig nila, baka kasi kapag nanood ako at may makakita sa akin lalo pang hindi matapos ang issue na yun. Tyaka nararamdaman ko ring nagsisisi si Rhode na ginawa niya yun, dahil naging usap usapan agad. Malamang magkasalubong na ang medyo makapal na kilay ng lalaking yun. Ha ha ha! Sino ba kasing may sabing lumapit ka sa Dyosa? Pumunta ako sa Falceto pagkatapos ng pagdalaw ko kay Edele. Para magtrabaho. Wow. Infairness ang daming tao ngayon ah. Nung meron? May palibreng drinks ba? May pa-artista? Ano kayang ganap? Palinga linga ako nang biglang may tumawag sakin, "Odele!" Salubong sakin ng manager ko. Agad niya akong hinigit papasok sa kwarto kung saan ako natambay kapag di pa oras ng gig ko. "Odele, ang daming tao ngayon. Hinihintay nila paglabas mo." Nalintikan na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD