? Lyric 2 : calling card ?

1387 Words
Kasabay ng pagtumba ni Edele ay siya ring bagsak ko dahil nakakapit siya sakin kanina. Napansin ko namang lumapit agad sa amin si Alas at si Rhode ay agad namang napababa sa van nila pero sa shock ay hindi na siya lumapit dahil si Alas at si Danger ang agad na bumuhat kay Edele. Isinakay na ni Alas at Danger si Edele sa van nila at may sinabi si Alas kay Danger pero hindi ko na iyon naintindihan pa, nilapitan naman agad ako ni Patty at Ino at inalalayan akong sumakay sa van dahil parang hindi ko na maramdaman ang paa ko sa panghihina. Mabilis na pinaharurot ng driver ng Pisces ang sasakyan at katabi si Alas, nasa back seat naman ako habang nakahiga ang ulo ni Edele sa hita ko at sina Ino at Patty ay parehong nasa likod kong upuan. Hindi ko alam kung paano pa ako magre-react. Matagal na akong naubos. Matagal na matagal na. Mabilis kaming nakarating sa ospital at agad na tinanong ng doktor kung anong nangyari. “Mayroon po siyang Osteosarcoma.” sagot ko kaya napalingon si Alas, si Patty at Ino naman ay napaupo na lang sa sobrang panghihina. Napaupo na lang din ako. Kahit gaano na katagal na may sakit si Edele, kahit kailan ay hindi ako masasanay na bigla bigla na lang siya isinusugod sa ospital. Ang tagal naming naghintay doon at nang magpaalam nang uuwi sina Patty at Ino ay halos hipuan na nila si Alas sa pagkasabik dito ay saka ko lang napansin na nasa tabi ko nga pala si Alas, nang lingunin ko siya ay nakasandal lang ang ulo niya sa pader at kitang-kita ang adams apple nya, ngayon ko lang siya nakita ng malapitan, kahit pa palagi namin silang napapanood sa Cryptone. Tamang-tama nga ako kahit malayo napaka-gwapo na niya, lalo pa ngayong napaka-lapit na niya sa akin. Ang kinis ng mukha nya at para siyang prinsipeng natutulog, nakasuot siya ng v-neck shirt na kulay moss green, ganun din ang kulay ng suot niyang high cut at puti ang suot niyang pantalon. Mabilis kong inalog alog ang ulo ko, wala dapat ako sa ganitong pag-iisip, dapat hindi ako kinikilig ngayon dahil nasa ospital ako, dahil may sakit ang kapatid ko. Kailangan ko nang pauwiin si Alas dahil baka pag nagtagal pa siya dito ay hindi lang ang dalawang kaibigan ni Edele ang makapansin sa kanya rito. Unti-unti ko siyang ginising, kahit ang pag mulat niya ng mga mata ay napaka-gwapo pa rin. Antok ang medyo mapula iyong tumingin sa akin, gusto ko lalong manghina dahil doon. “Lumabas na ba yung doktor? Anong sabi?” tanong niya ng luminga sa paligid. Ngayon ko lang narinig ang boses niya ng hindi sa mic. Napakalambing niyon, naisip ko tuloy parang mas maganda kung siya talaga ang naging bokalista ng banda. “Hi-hin-hindi p-pa.” halos itakwil ko ang bibig ko sa panginginig nito ngayon. “Pas-pasensya k-ka na n-naabala pa kita, hindi ka tuloy nakasama sa gig niyo. Pasensya na talaga.” sabi ko at automatic na napangiti siya, iniwas ko agad yung tingin ko dahil baka bigla ko na lang siyang halikan ay pareho pa naming pagsisihan. “Okay lang, hindi naman talaga kami magpeperform, pupunta lang kami dun.” nakangiti pa rin siya hanggang ngayon. Tumango-tango lang ako dahil wala akong masabi at baka mautal-utal na naman ako. “Ahhh. Um. Salamat, okay na, ako na dito. Okay na, salamat.” para akong sirang plaka sa paulit-ulit kong pagbanggit ng mga salita yun. Tumawa siya at nalaglag ang panga ko. Ang gwapo lalo niyang tumawa! “O-okay, ito nga pala yung number ko, kung may kailangan ka pa sabihin mo lang.” hinaplos niya ang likod ko pagkakuha ng calling card niya. Para akong nakuryente ng 4000 volts, ang lambot ng kamay niya, jusko! Feeling ko nagkakasala ako ngayon dahil kinikilig ako sa kabila ng masamang nangyayari. Kinagat niya ng kaunting-kaunti ang ibabang parte ng labi, palagi niya iyon ginagawa kahit nasa stage siya. Napansin kong kaagad iyong namula at hindi ko maalis ang pagtitig ko roon. “Sige, mauna na ako.” ngumiti siya at nang gumanti ako ng ngiti ay umalis na siya, yung paglakad niya papalayo ay naamoy ko pa ang pabango niya, napakabango! Tinapik tapik ko ang pisngi ko. I shouldn't be thinking this. Tiningnan ko ang calling card niya, may nakalagay sa itaas nito na Cold Pisces na naka smooth calligraphy font at sa ilalim nito ay may maliit na Cryptone tapos sa gitna ay ang gwapo niyang pangalan na Alas Montrell. ___ Simula ng mayaya ako ni Edele sa Cryptone ay doon ko nakita si Alas, at una pa lang ay humanga na ako sa kanya, matamis na nakakapanuksong ngiti ang palagi niyang ipinapakita sa stage, yung manghihina talaga ang tuhod mo kapag tiningnan at nginitian ka na niya, kaya ayun simula noon ay humanga na ako sa kanya. Nang lumabas na ang doktor ay agad akong lumapit dito. Ipinaliwanag sa akin ng doktor ang lahat at habang nagsasalita siya at napaupo ako sa mga sinabi niya. Namingi ako at parang sumabog bigla ang buong mundo ko. “I'm so sorry.” sabi ng doktor at tumungo ito bago ako tuluyang iniwan doon. Pumunta ako sa kwarto kung nasaan si Edele, tulog siya. Halatang hinang-hina siya dahil sa sakit niya. Naaawa ako sa kapatid ko, kung may ibang paraan lang akong pwedeng gawin para mawala ang sakit niya ay gagawin ko agad iyon. Huminga ako ng malalim, sixteen years old ako nang mamatay ang papa namin ni Edele, at halos limang taong gulang lang ako nang iwan kami ni Mama para sa bagong asawa niyang Australian, hindi kasi sapat para sa kanya ang Papa ko. Bata pa lang ako ay nasanay na ako na umaalis at bumabalik siya sa bahay kung kailan niya gusto, hindi rin siya nagparamdam hanggang sa mamatay si Papa, nalaman lang niya ang balitang iyon kay Tita Margaret na kapatid ni Papa at siyang tuluyang nag-aruga sa amin ni Edele. Dun na rin siya nagsimulang magpadala ng pera para sa aming magkapatid. Nagkasakit si Edele simula mag-10 years old siya, dun namin nalaman na meron siyang Osteosarcoma, mas lumaki ang padala ni Mama sa amin noon nung malaman niya pero hindi pa rin niya nagawang umuwi dahil na din sa asawa niya doon, pumapayag ito na padalhan kami dahil may sarili naman siyang trabaho doon bilang caregiver pero hindi siya nito pinapayagang umuwi, hindi ko lang din alam kung iyon talaga ang dahilan o sadyang ayaw niyang umuwi, pero kahit na ganun ay nagpapasalamat ako sa kanya dahil napapa-aral niya ako at si Edele, para sa amin ay sapat na yun. Wala na naman kaming ibang magagawa. Dati hindi pa malala ang sakit ni Edele, pero kahit na anong chemo ang gawin, kahit na anong isaksak na gamot sa kanya ay kumakalat lang lalo ang cancer nya sa buto. Pumapasok pa rin si Edele sa school sa kabila ng karamdaman nya at pinapayagan pa rin namin siya ni Tita na gawin ang kung anong gusto nya kagaya nalang ang pagsunod-sunod namin sa Cold Pisces dahil ayaw naman namin syang mag-isip lang ng mag-isip ng tungkol sa sakit nya. Minsan din naman ay malakas ang pangangatawan ni Edele, pwera na nga lang sa mga times na kagaya ng kanina, kapag inaatake sya ng ganun ay hindi na talaga sya nakakatayo at kung minsan nga ay sobrang sakit nito na nagiging resulta ng pagkahimatay nya. “Odele!” nagulat ako sa sigaw ng Tita ko nang makapasok siya sa hospital room ni Edele. Pinilit kong ngumiti kahit na napakasakit ng ibabalita ko kay Tita. “Anong nangyari? Agad akong nanakbo papunta rito nang makita ko ang maraming text at tawag mo. Ano ba talagang nangyari? Anong sabi ng doktor?!” sunod-sunod niyang tanong. Hindi ko na alam kung paano ko pipigilan ang namumuong luha sa gilid ng mga mata ko. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin ang balitang sinabi sa akin kanina ng doktor. “Odele!” sigaw niya ulit sa akin. “Tita..” hindi ko masabi ang gusto kong sabihin sa kanya dahil nagsimula nang bumara ang kung ano man sa lalamunan ko dahil sa pinipigil kong iyak. “Sabihin mo na sa akin. Ano ba talagang sinabi sayo ng doktor?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD