Manahimik ka, Rocket, pleaseeee! Eto na ako, nasa tamang timing na ako, baka layasan pa ako ng Rhode na ito! Tiningnan ulit ako ni Rhode na nanliliit ang mga mata. Hindi ako umimik sa sinabi ni Rocket kahit na narinig ko na ang bulong-bulungan ng mga fans nila sa likod ko. "What do you want?" iritado niyang tanong. Wag mo akong paandaran, Russo. Kung hindi lang dahil sa kapatid ko wala naman akong pakialam sayo e! "May ibibigay ako sayo at sana pak—" "You want attention again?" I exhaled, KAPAL! Hoy! Hindi ko gustong ma-issue, lalo na sayo! Patay na patay kaya ako kay Alas! Duh! Tyaka isa pa, sino ba samin ang unang lumapit kaya kami navideohan? Siya kaya! Siya! "Kahit kailan hindi ko nagustuhan ang issue na yun, kaya nga hindi ako nagsasalita e." Sabi ko. Tumawa siya, "Talaga? O