"Magandang gabi, Falceto—" Naghiyawan ang mga tao sa pagbati ni Rocket. Madalang kasi marinig ang boses niya. Natawa pa siya at halos maglupasay sa kilig ang mga tao sa pag-ngiti niya. Iba iba ang ka-gwapuhan ng mga lalaking 'to. Si Rocket ay ampaka-puti, magkakahalong blonde and brown ang buhok niya. Halata sa mukha niya na tahimik siya, pero malay natin kung siya pala ang pinaka-madaldal sa kanila. Si Danger naman ay may matapang na features ng mukha, mas mukha siyang businessman na rumaraket lang sa pagba-banda, pero pamatay sa keyboard at magaling din sa bass guitar. Si Alas naman ang pinakamamahal ko. Emeged! Ang pinakamabait, pinaka-gwapo sa paningin ko, pinaka-palangiti at pinaka-nakakakilig sa grupo, pinaka-approachable na hindi kagaya ni Rocket at Danger na approachable lang, dah