HINDI MAKAPANIWALA si Bella sa ganda ng Isla na binabaan nila nina Elijah, pakiramdam niya ay sa paraiso sila nagpunta dahil sa kakaibang itsura nito. Hindi pa sila nakakababa sa yate pero hindi na maiwasan ni Bella na makaramdam ng excitement na magpatisaw sa tubig ng isla ng Seychelles. Para kay Bella ay hindi nakakasawa ang kagandahan ng mga isla ng Seychelles, isa iyon sa mga isla na naiisip niyang doon makapagpahinga. Naputol ang pag-iikot ng tingin ni Bella sa magandang Isla sa kaniyang harapan ng tumabi si Elijah sa kaniya na hindi niya maiwasan na ikangiti dito. "Ang ganda-ganda dito Elijah, salamat sa pagdala sa akin dito." saad ni Bella. "You pleasure me by giving yourself to me, you don't want money as p*****t. So let me do things exchange of what i get from you physically.