Mirana’s POV Mag-aalas sais pa lamang ng umaga nang mapagpasyahan kong lumabas ng bahay, malamig na hamog ng hangin ang agad na yumakap sa akin. Nakalimutan ko na namang kumuha ng pang panangga sa lamig. Tinignan ko ang kabuuan ng bahay, napakaganda at sa sobrang ganda ay napapaisip na lamang ako kung karapat dapat ba na andirito ang isang tulad ko. Ngunit sa kabilang dako ay hindi naman talaga ako ang importante kaya nandirito ako, ito ay dahil dala-dala ko sa aking sinapupunanan ang kanyang anak at hindi ko na alam kung ano ang mangyayari sa akin pagkatapos ko itong isilang. Ngunit kahit ano man iyon ay haharapin ko ng buong buo, nagkasala ako at handa kong pagbayaran ang lahat gamit ang sarili ko at hindi mismo ang anak ko. Nandirito ako para sa anak ko at iyon ang dapat kong tandaan.