Cello’s POV Rio de Janeiro 4:00 am “Napakalaki kong tanga! Bakit ko itinutulak ang taong mahal ko sa taong itinutulak naman siya palayo? Tanga na nga siguro akong matatawag at kung meron pa mang salita na mas ibabagay sa akin ay tatanggapin ko. Paano ba ako umabot sa punto ng buhay ko ang pagpapanggap bilang isang bakla! Tangina naman oo tapos dinamay damay ko pa pangalan ng pamilya ko. Patawarin sana ako ng mga angkan ko,“ saad ko sabay lagok ng dala dala kong inumin. “Cello!” Fernando called, I almost didn’t notice him standing near beside me. I shoot him a look and ignored him. “It’s too early for a beer,” he said as he took a sip of his brewed coffee. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-inom, hindi ko kailangan ng companion ng isang gago. “Okay spill it,” he said as he to