IRINA P.O.V Bumalik ako sa pag-aaral, at sa aking sorpresa, napili ako bilang isa sa mga miyembro ng music band ng school. Hindi ko inasahan na magiging bahagi ako ng ganitong grupo, pero sobrang excited ako. Simula pa noong bata ako, pangarap ko nang maging musikero, kaya’t wala akong dahilan para tumanggi. Umupo ako sa isang sulok ng rehearsal room, at unti-unting pumasok ang mga miyembro. Ang band ay binubuo ng tatlong lalaki at tatlong babae, at ako ang main guitarist at singer. Habang nag-aayos ng mga gamit, tinawag ako ni Leo, ang drummer ng grupo. “Hey, Irina! Excited ka na ba sa rehearsal natin mamaya?” tanong niya habang nag-aayos ng kanyang drumsticks. “Oo naman! Parang hindi pa rin ako makapaniwala na part ako ng band. Ang saya!” sagot ko, sabay ngiti. “Dapat lang! I’ve hea