Alyssa's POV "Bakit hindi mo sagutin?" nakakunot na sabi niya sa akin. Ilang minuto akong napatitig kay Helious bago ko tuluyang sinagot ang tawag. "H-Hello?" sagot ko. Sinulyapan ko si Helious na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Wala naman akong dapat na ikatakot kung tatawag man sakin si Sir Rad. Buyer ko siya at baka gusto niya lang ulit bumili sakin ng singkamas na favorite ng Mommy niya. "Alyssa?" boses ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. "Ahm...s-sino po ito?" "Mommy ito ni Rad." pakilala nito sa kabilang linya. "Ibinigay niya sakin ang number mo. Ang sabi niya ako na ang tatawag sa 'yo dahil medyo busy pa siya sa kompanya." "K-kayo po pala, Ma'am. A-ano po ang kailangan niyo? B-bakit po kayo napatawag?" binalingan kong muli si Helious na ngayon ay tila n