Alyssa's POV "Good evening ma'am and sir!" bati sa amin ng waiter. Kapapasok pa lang namin sa restaurant. Kaagad kami nitong binati. "Good evening." bati ko rin tsaka nginitian ng malapad. Napalayo ako ng kaunti kay Helious ng bigla na lang niyang pisilin ang aking bewang. "H-Hell?" gulat na sambit ko. "Why are you smiling at him?" nakakunot ang noo na tanong nito sa akin. Masama na bang ngumiti? "Syempre nakangiti siya sa atin kaya dapat ngitian naman natin siya. Ikaw kasi napakasungit mo. Try mo rin kaya maging nice sa kapwa." nakangusong sabi ko sa kaniya. "Anong sabi mo? Masungit ako?" hinila niya ako palapit sa kaniya. "Masungit ka naman talaga. Ngayon ka nga lang bumait sakin. Baka bukas o sa pangalawa masungit ka na naman." Magsasalita pa sana si Hell ngunit nagsalita