Alyssa's POV NAGISING akong nasa malambot na kama. Iba ang pakiramdam sa hinihigaan kong kama sa kubo. Inikot ko ang paningin at dito ko napagtantong nandito ako sa kwarto ni Helious. Anong nangyari bakit nandito ako sa kwarto niya? Kagabi lang ay tinahak ko ang likod ng bahay niya para matulog sa kubo. Natampal ko ang aking noo nang maalalang may bigla na lang bumuhat sakin. Iyon ang huli kong naalala dahil sa pagod at sakit ng katawan ay hindi ko na pinansin pa iyon. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata kagabi. Si Helious pala ang nagbuhat sakin at dinala niya ako rito sa kaniyang kwarto. Tatayo na sana ako ng mapansin ko ang bouquet. Napaawang ang labi ko ng masilayan ko ang napakagandang bouquet ng red tulip. Gumuhit ang ngiti sa aking labi tsaka unti-unting bumaba sa