Alyssa's POV INABUTAN ako ng ilang minuto bago nakapagpasya kung ano ang isusuot ko. Sa dami ng pagpipilian ko, nalito ako kung alin sa mga ito ang isusuot ko. Lahat naman ay hindi ko talaga kayang suotin. Pero katagalan, isa ang nakaagaw ng pansin ko. Ang dilaw na one piece swimsuit. Hindi gaanong lantad ang tiyan ko. Hindi pa naman siguro nila mahahalata ang umbok nito. Isa pa, may ipapatong pa naman akong manipis na tela para hindi gaanong nakakahiya. Hindi naman kasi ako nagsusuot ng ganito at first time ko ito. Naalala ko si Helious, nandito nga pala sa party ang asawa ko. Ano magiging reaction niya kapag nakita niya akong suot ito? Baka magalit na naman siya sakin at baka pag-isipan na naman niya ako ng masama dahil nagsuot ako ng ganito. Baka isipin niyang lahat ng guest ay ina