"Lexie, una na ako sa inyo," nakangiti kong pagpapaalam sa dalawa. Tumigil ang dalawa sa paghaharutan at sabay na tumango.
"Sige, maglandian na ulit kayo." I chuckled in a low voice when Lexie just gave me a glare. I gave both of them a thumbs up and quietly left the dining room.
It's already 11 in the evening. Even though, I have sleep for hours I'm still sleepy. Napahawak ako sa aking ulo nang sumakit ito bigla.
I've been sleeping really late these past days. Sanay naman ako kasi dati akong call center agent pero sumasakit pa rin talaga ulo ko. Parang pinupukpok nang paulit-ulit.
I sighed and continued my way towards my room. Talking late at night is really fun and at the same time, exhausting. Ang dami naming pinag-usapan nila Ivan at Lexie.
At isa na do'n ang pagiging number one surgeon ni Ivan. I never thought he would be that great. He's perfect really, swerte naman ng kaibigan ko.
Nakasungkit ba naman ng isang lalaking mabait, gwapo, talented at matalino. Mapapa sana all ka nalang talaga.
Binuksan ko ang pintuan ng aking kwarto at mabilis na humiga sa malambot kong kama. I made myself comfortable and looked at the ceiling.
I wonder if Alexander is already sleeping right now, or not.
He seems like the type of guy who's always busy and stays up all night. But he doesn't have dark circles and eye bags. He also doesn't have any pimples.
Ha, I wonder what his skin care is.
Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga at tamad na kinuha ang aking cellphone na nasa side table. I opened it up and was surprised when I saw a message on it.
It was from Alexander. It was sent an hour ago. Nanginginig ang aking kamay habang binubuksan ko ang kaniyang mensahe.
"Good night." At may emoticon pa iyon sa hulihan.
Nanlaki ang aking mata nang makita ang emoticon na sinent niya. What the heck? Did he just wink?
I threw my phone on my bed and buried my face in the pillow. And there, I scream so loud. Pulang-pula ang buo kong mukha. s**t, what's this? Bakit ako kinikilig sa simpleng good night niya na may kasamang wink emoticon? Oh my gosh, I'm really crazy.
I removed my face from being buried and glared at my phone. Itong lalaking 'to, napaka pa fall. Akala niya ata mahuhulog ako sa mukha niya, never.
Inis na binalot ko ang aking sarili at umayos nang higa. I yawned. Pinikit ko ang aking mga naminigat na mga mata. I yawned once again and the last thing I remember is everything went black.
"Good morning!" nakangiti kong bati kay Lexie pagkapasok ko palang sa dining table. Walang gana itong tumingin sa akin. Kumunot ang aking noo sabay upo sa lamesa.
May mga pagkain na nakahanda, marami ito. Ang iba ay ang hindi namin nakain kagabi. Kunot noong tinignan ko si Lexie. Bakit walang ka energy-energy ang babaeng 'to? And where's Ivan?
"Oh? Nasaan jowa mo?" kunot noong tanong ko sa kanya. Nagpakawala ito nang buntong hininga at bored akong tinignan.
"He already left early this morning," she said in a weak voice. Napatango-tango ako sa kaniya at nagsimula nang kumuha ng mga pagkain.
I put one fried egg, tocino and ham on my plate. Nagtimpla na rin ako ng ice coffee. Nang matapos ay marahan ko itong tinikman, kuminang ang aking mga mata sa sarap at nagsimula nang kumain.
Napatigil ako sa pagnguya ng pagkain at napatingin kay Lexie. She's yawning. Tamad itong umupo nang maayos at kinuha ang aking ice coffee.
"Hindi ka nakatulog nang maayos kagabi?" marahan kong tanong sa kaniya. Tamad itong tumango.
"Why?" nakataas kilay kong tanong. She sighed and avoided my gaze.
"W-wala lang," nauutal na sabi niya. Napatingin ako sa kanyang leeg at nanliit ang aking mga mata habang tinitignan siya na umiiwas sa akin nang tingin.
"Weh? Bakit may chikinini ka sa leeg? Ang dami pa ah," nakangisi kong sabi sa kaniya. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napabaling sa akin. Mabilis niyang tinakpan ang kaniyang leeg gamit ang kaniyang kamay.
"May nangyari sa inyo kagabi no?" Namula ang buo niyang mukha. I chuckled.
"Y-yes," nahihiya niyang amin sa akin. Napangiti nalang ako at uminom ng aking ice coffee.
"Masarap ba?" parang tangang tanong ko. Mas lalong namula ang buo nitong mukha.
"O-oo, pero masakit." Nanlaki ang aking mga mata sabay tawa nang malakas. My goodness, I never thought she would tell me that.
"Ang laki siguro ng kay Ivan. Pinagod ka pa ah," natatawang sabi ko sa kaniya. Napasimangot na lang siya at kinuha ang aking ice coffee. Sinamaan ko siya nang tingin dahil sa kaniyang ginawa.
"Hey! Mag timpla ka ng sa iyo," inis na sabi ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at tamad na sumandal sa likod ng upuan.
"Yeah It’s big," wala sa sarili niyang sabi at napatitig sa kawalan. I sighed and continued eating.
This girl, napasobraan ata 'to kagabi. Mabuti na lang hindi siya maingay.
-
"Bilisan mo nga Narine!" inis na sabi sa akin ni Lexie. Inirapan ko lang ito at mabilis na pumasok sa kotse niya. I sat down and looked at my watch. It's already two twenty three in the afternoon.
Pupunta kami sa isa sa pinakamalaking mall sa buong asia para maghanap ng mareregalo sa kaibigan ni Ivan. Nakakahiya naman kasi pag pumunta ka doon tapos wala ka man lang regalo para sa kaniya.
I heard his friend is a professor from one of the most famous universities in the whole world. Bata pa raw ito at napaka pogi sabi sa akin ni Lexie. Apparently, nakita na pala ito ni Lexie noong minsan siyang dinala ni Ivan sa kanyang bahay.
I wonder kung mga pogi din ba ang mga dadalo sa birthday niya. I can't wait to be in there. I'm sure handsome and beautiful people are there. Like they say, birds with the same feather, flock together. Kay ganda ba namang mag pogi hunting mamaya. Sayang at hindi na single si Lexie.
"May susuotin ka na mamaya?" Napabaling ako kay Lexie nang bigla itong magsalita. Marahan akong tumango.
"Yes, bakit? Ikaw wala pa?" tanong ko sa kaniya pabalik. Mabilis itong umiling.
"Meron na, dalawa kasi 'yong binili ni Ivan. I was thinking of giving it to you, para pair tayong dalawa." Napangiwi ako sa kaniyang sinabi.
"Oh my gad, ganyan ka na ba talaga ka baliw sa akin friend?" gulat kong tanong sa kaniya at nilagay ang kamay sa harap ng dibdib, at nagkunwaring hindi makapaniwala. Sinamaan lang niya ako nang tingin. I chuckled a little. Dang, teasing your friend is really fun.
"I'm going to pinch you, really!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata sabay kusot sa aking tagiliran. Natatawang umilag ako sa kanya.
"S-so? What's the color?" tanong ko sabay pahid sa luha na nasa gilid ng aking mata. She stop from trying to reach me and focus on the road.
"Blue," napangiwi ako at mabilis na umiling-iling sa kaniya.
"Nah, I don't like blue," nakangiwi kong sabi. She chuckled softly.
"I know," she said smiling. Kumunot ang aking noo.
"Then? Why?" kunot noong tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin saglit at ibinalik ulit ang atensyon sa daan.
"I just want to see your reaction, it's priceless." I pouted at her words.
-
"Oh my gosh! I forgot something," natatarantang sabi sa akin ni Lexie. Kumunot ang aking noo.
"Narine, you go first. I'll just go back to the store," mabilis niyang sabi at nagmamadaling bumalik sa loob ng mall.
I sighed and continue my way towards the parking lot. It's already 4 in the afternoon. Kakatapos lang namin bumili ng mga gagamitin at nagpasya na kaming umuwi.
Ano kaya ang nakalimutan ng babaeng iyon?
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang isang babae na tila natataranta at gustong magtago. Kumunot ang aking noo nang may makitang dalawang lalaki na tila may hinahanap.
Kumabog ang aking dibdib at nakaramdam ako ng kakaibang emosyon. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang kabog ng aking dibdib habang tinitignan ang babae.
Should I help her? It doesn't seem like those guys have some weapon on them.
"Ah! Bahala na," Mabilis akong tumakbo papunta sa babae. Nagtama ang aming paningin. Nanlaki ang kaniyang mga mata at tila may pag-asang kuminang sa kanyang mata.
"Hey! Let's get you out of here," humahangos na sabi ko sabay hila sa kaniyang braso. Mabilis ko siyang hinila papunta sa likod ng mga sasakyan.
Mabilis kaming naglakad papunta kong saan nakaparking ang kotse ni Lexie. Mabilis ko itong binuksan at pinapasok ang natatakot na babae.
Ni locked ko ang pinto at tinignan ang harap. Napatakip ako sa aking bibig at gano'n din ang babae nang makita namin ang dalawang lalaking humahabol ata sa kanya.
"Duck!" I shouted in a whisper. Mabilis kaming yumuko. Ang lakas nang kabog ng aking puso habang hinihintay ang dalawa na makaalis.
Napatingin ako sa babae. Nanginginig ang buong katawan nito habang mahigpit na nakapikit ang mga mata. My heart suddenly ache and I feel pity for her. I slowly touch her back and gently run my fingers along her spine. Her trembling body started to calm down.
After how many minutes ay sumilip ako para makita kung wala na ba talaga ang dalawa. I let out a sigh of relief when I confirmed that they are already gone.
"They're gone now," mahina kong sabi sa babae. Umayos ito nang upo at tinignan ako. Nanubig ang kaniyang mga mata.
"T-thank you," naiiyak na sabi niya. Parang may kumurot sa aking puso. Umiling lang ako sa kaniya at marahan siyang nginitian. I slowly pat her shoulders and let her calm down.
"Who are they?" Marahan kong tanong sa kaniya nang kulmama na siya. Suminghot muna siya bago sumagot.
"M-mga tauhan sila n-ng e-ex b-boyfriend ko," nauutal na sabi niya. Kumunot ang aking noo at magtatanong na sana nang bumukas ulit ang kaniyang nanginginig na mga labi.
"M-my b-boyfriend is trying to sell me, t-that's why I escaped, good thing y-you saw me." Nanlaki ang aking mga mata sa kaniyang sinabi. Uminit bigla ang aking noo sa narinig mula sa kanya.
"What the hell!" hindi ko mapigilang mapamura sa pagkabigla.
"I'm not the o-only one, marami ring mga babae ang n-na b-biktima niya."
"Marami kaming tumakas, p-pero ako lang ang nakaligtas." Nagsimula na namang manubig ang kaniyang mga mata. Naawa akong tumingin sa kaniya.
"What's your name?"
"It's Freya..."
"Do you have any place you can stay? Or should we call your parents?" mahina kong tanong sa kaniya. Umiling ito.
"My parents are already gone, mag-isa nalang ako kaya wala ring naghahanap." Mas lalo akong naawa sa kaniya. Marahan kong hinagod ang kaniyang likod.
"Then, you can stay at my place. You're safe in there," marahan kong sabi sa kanya. Nanlaki ang kaniyang mga mata.
"T-thank you so much! I really owe you big time," she said crying. Napangiti nalang ako at pinakalma siya.
-
"Here, to help yourself calm down," mabait na sabi ni Lexie sabay abot kay Freya ng tubig. Inabot niya ito at kaagad na inimom.
Umupo kami paharap sa kaniya. We're on the living room right now. Umupo si Lexie katabi ko at tinignan namin ang namumulang si Freya.
After I text Lexie about what happened ay mabilis siyang tumawag ng security guards pero wala raw ang mga itong makitang dalawang lalaki na kahina-hinala ang mga kilos, kaya napagdesisyonan naming umuwi muna at magpahinga.
And before we got here, Freya decided to tell us what happened.
"Are you sure you're fine? I think you should rest first," nag-aalala kong sabi sa kaniya. Umiling lang ito.
"I'm fine..." mahina ang boses nito at maputla ang mukha. Kanina pa namin siya sinasabihan na magpahinga pero ayaw niya, sasabihin daw muna niya sa amin kung ano ang nangyari.
"So? Who's your ex?" Mahinang tanong ni Lexie. Napalunok si Freya at napahigpit ang kaniyang kapit sa baso.
"It's Liam, Liam Galvez." My whole body froze when I heard that very familiar name.
It's the secretary of Colt Alonzo! One of the accomplices of the man who destroyed our family.