PROLOGUE
Why was he here? I didn't expect to. see him again after how many days. Matapos ang isang buwan na lumipas, hindi ka ako umasa pa na makikita ulit ang lalaki. Simula noong umalis ako sa piling nito ay binaon ko na ang mga ala-ala na kasama ko pa ang lalaki.
What's the use of remembering it again? Sinasaktan ko lang ang aking sarili at kung gusto ko talagang mag move on sa lalaki, ang una at dapat kong gawin ay kalimutan ang mga ala-ala noong magkasama pa kami.
"Let's end our deal," mahina kong sabi habang matapang na sinalubong ang kaniyang nagbabagang mga mata. Nakita kong gumalaw ang panga nito dahil sa aking sinabi pero wala na akong pake doon. Ang kaninang nagbabaga nitong mga mata ay nagsimulang lumamig. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan lalo na parte ng aking batok. Napalunok na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Tama lang naman na makipaghiwalay ako sa kaniya at tapusin ang deal naming dalawa. Nakapaghiganti na ako sa sumira sa aking pamilya. Nakuha ko na rin ang hustisya sa pagkamatay ni mom, nakalaya si dad at higit sa lahat ay nakuha ko pabalik ang mga ari-arian namin. Wala ng rason pa para ipagpatuloy ko ang deal na ito.
After all, ako lang naman ang nakikinabang sa inalok ko sa kaniya. Ginamit ko ang lalaki para sa aking kapakanan at alam ko na alam iyon ni Alexander pero hindi lang ito nagsasalita.
Napakagat na lang ako ng aking labi at hindi mapigilang maging emosyonal. Sa mga araw na kasama ko siya para maghiganti, hindi ko man lang namalayan na nahulog na pala ako sa kaniya. Ever since we lost everything, my heart turned stone. Simula noon, hindi ko na magawang ibukas pa ulit ang aking puso sa iba. But I guess, he's an exception. I freely let him in, in my heart. And now, I'm going to break the only thing that ties me with him. Nasasaktan ako syempre, pero anong magagawa ko? He doesn't love me, our feeling isn't mutual.
Mahal na mahal ko ang lalaki sa punto na hindi ko mapigilang masaktan. Hindi ko inaakala na ganito pala kasakit ang magmahal ng tao na hindi para sa iyo.
"What... what did you say?" hindi makapaniwalang tanong nito. His voice was full of surprise and pain. Parang pinipiga ang aking puso nang marinig ang sakit sa boses nito. I closed my eyes tightly and didn't say anything.
"Answer me Narine," mariin nitong sabi sa akin at mabilis na tinawid ang pagitan namin. His eyes glistened dangerously as held my chin and made me look at him. Sumalubong sa akin ang kaniyang malamig at madilim na mga mata. His hazel brown eyes are looking at me intensely.
"L-let's end our d-deal now," I said stuttering. He gasped after hearing my words. Mas lalong humigpit ang kapit niya sa aking baba. Napaigik ako nang makaramdam ng sakit. Pero parang bingi ang lalaki at hindi man lang niluwagan ang pagkakahawak sa aking baba.
"No." Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito.I looked at him surprised. Nagtiim ang kanyang bagang.
"W-what?! Why? Nababaliw ka na ba?" I asked , surprised. His eyes became colder. Napalunok na lang ako. This man is really scary. Why did I fall for him anyway? Inipon ko ang lahat ng aking lakas loob at nagsalita ulit.
"Let's end it now. There's no reason for us to continue this," I muttered in a cold voice. He became speechless. I bit my tongue and looked away. Sa totoo lang ay hindi naman madali para sa akin ang sabihin ang mga katagang iyon.
If I'm going to be honest with myself, gustong-gusto kong manatili sa piling ng lalaki. He's the only man who made me feel happy and all. Hindi na ata ako makakahanap pa ng ibang lalaki na mamahalin. Alexander is my first and would be my last. Just thinking about another man makes me feel sick.
Matapos ang ilang minuto ay hindi nagsalita si Alexander. I sighed when my heart hurts. Of course, he would gladly end our deal. Wala naman kasi siyang nakukuha sa deal na ito. Ako lang naman ang nakikinabang.
He doesn't love me, there's no reason for him to say no. Unless he has a plan of using me. This man in my front is a cold, cunning, and heartless beast. He always appears in public as a kind business tycoon who always smiles kindly. But little did they know, this man wears a mask.
Behind the curtains, he is a man who's crueler than the devil himself. Wala itong sinasangga. Kapag may huramang sa mga plano nito, ay wala itong awa sa kanila. He is a very powerful and influential business tycoon. He is the perfect guy for my revenge.
"So please... let's end this." I closed my eyes tightly. I can feel my heart being stabbed as I said those words.
"No," malamig na sabi nito. Nanlaki ang aking mga mata at napatingin sa kaniya.
"After using me to your heart's content, you're just going to toss me away?" he uttered coldly. Napalunok ako.
"I never asked you to pay for using me. Should I get it now?" he whispered ruthlessly. Sweats started to form on my forehead as my heart keeps beating faster and faster.
"You made me feel this way, isn't it right for you to take responsibility?" malamig nitong tanong.
"W-wait–" he cut me off. His arms wrapped around my tiny waist and pull me closer to his body. Napalunok ako nang maramdaman ko ang mainit nitong katawan kahit na may damit naman na nakaharang.
"My hunger can't be filled by anyone, but you. You should take responsibility for this, Alkina Narine." After he said those words, he kissed me hungrily.
Wala akong nagawa kung hindi suklian ang mga mainit na halik ng lalaki. Ramdam na ramdam ko ang nararamdaman nito base lamang sa kaniyang paghalik sa akin. The rhythm of his kisses were different and full of emotions.
I guess this devil also fell for me.