"Wow, you look happy,’ nakangising sabi sa akin ni Lexie. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Tumaas ang kaniyang kilay nang makita ang aking ngiti at umupo sa aking tabi. "Am I?" nakangiti kong tanong sa kaniya. Napailing-iling na lang ito at tiningnan din kung ano ang tinitignan ko sa screen ng aking laptop. "You are,” napatawa nalang ako nang mahina at napatingin sa kaniya. Binasa nito ang article na nakita ko ngayong umaga. It's all about me and Alexander. As expected, we're really trending nationally. Halos nga maduling ako sa daming nag retweet sa article na'to. I never expected na ang dami palang ma intriga sa relasyon ni Alexander. Iba talaga pag gwapo tapos mayaman, my gosh. Pictures of us are now trending everywhere. Especially on tv news Napatingin ako sa headline ng articl