KRIS “Good morning, Kris!” Natigilan ako sa nakita kong naghihintay na babae sa office ko kinabukasan. Si Talia. “Sino’ng nagpapasok sa ‘yo rito?” Nagulumihanan ako. “Aww… Ibig bang sabihin niyan ay hindi ako welcome dito sa office ng future husband ko?” Napalabi siya at lumapit sa akin samantalang napaubo ako sa narinig mula sa kanya. Nandilat pa ang mga mata ko. “W-what the hell are you talking about? Ano’ng future husband?” Niyakap na lang niya ako bigla sa leeg. Magkalapit na magkalapit ang mukha namin at nasamyo ko ang bango niya. Hindi na siya amoy tequila like the other night. She wore a sexy spaghetti strapped sundress na light yellow with geometric prints na pinaresan ng gold stilet