Vala’s POV Nang tignan ko sina Ayie at Onse ay napailing na lang sila. Kitang-kita ko ang pagkadismaya nila nang masira ang suot kong gown dahil ang ibig sabihin lang nito ay game over na agad. Wala na ang isang milyong piso na inaasahan ko. Tinignan ko ang bruhang fan ni Alaric. Nakangisi pa ito dahil nagtagumpay siyang masira ang suot ko. “Gaga ka rin eh, ‘no!” galit kong sabi sa kaniya. Gusto ko siyang sapakin, nagtitimpi lang ako dahil ayokong magkagulo sa birthday party ng papa ni Alaric. “Why are you blaming me? You’re the foolish and incompetent one there,” sagot pa niya. Ang sarap talagang pasabugin ang mukha. “Totoo naman eh, miss. Nakita ko rin ang ginawa mo. Pasadya mong tinulak si Miss Vala para masira ang gown niya,” pagtatanggol sa akin ni Bombie. “Oo nga, nakita ko rin