Vala’s POV Nasa stage na ako at ako ang huling umakyat doon na babae nang sabihin ng host na pumunta na muna kaming lahat sa backstage, kaya bumaba lang din ulit kami para pumunta sa likod ng stage. Pagdating namin sa ibaba, tinipon kaming sampung babae roon at saka kami kinausap ni Ma’am Maralica. May edad na siya pero batang-bata pa rin talaga ang itsura niya. Iba talaga kapag mayaman. Naaalagaang mabuti ang istura. Kung titignan ay parang ka-edad lang siya ng mama ko, pero ‘yong mukha niya, wala pa ring kulubot. Makinis at ni tagyawat ata ay hindi manlang siya tinubuan. O kung mayroon man ay siguradong ginawa niya ang lahat para hindi ito mag-iwan ng marka sa mukha niya. “Hello, I am Maralica, a former fashion model,” pagpapakilala niya sa aming mga kinuha niyang magiging model ngayon