Vala’s POV Halos dalawang oras ang inabot bago kami makarating sa Manila. Ngayon na lang ulit ako nakaluwas sa Manila kaya napapangiti ako habang nakatingin sa mga matataas na building na nakikita namin. “Nagugutom ako, Vala. Kumain muna tayo ng lunch,” sabi ni Alaric. Kaya pala bigla siyang nag-park sa isang mataas na building na pinasok namin. Hindi ako nagsasalita. Panay masid lang ako sa paligid. Hindi ko kasi alam kung saan ako dinala ni Alaric ngayon. Pero hindi naman siguro hotel ito? Kinabahan kasi ako. Baka kung ano na ang pinaplano niya. “Isa itong fine dining restaurant, Vala,” sabi niya pagbaba namin sa kotse. Kaya pala. Ngayon lang ako nakarating sa ganitong lugar kaya hindi ako pamilyar. Habang pumapasok kami sa isang fine dining restaurant para sa aming lunch. Hindi ko