Vala’s POV Pagkagising ko, text message ni Alaric ang unang bumungad sa cellphone ko nang umagang ‘yon. Sinabi niya na alas diyes kami ng umaga magsa-shopping. Kahit alas nuebe na raw niya ako daanan sa may kanto ulit ng street namin. Pumayag naman ako para hindi na rin ako magdadala pa ng sasakyan at magmamaneho papunta sa condo niya. Kaya lang, kapag nalaman ni mama na hatid-sundo ako ni Alaric dito sa street namin ay tiyak na magagalit na naman ‘yon. Lumabas na ako sa kuwarto para mag-almusal. Paglabas ko, pupunta na dapat ako sa kusina nang tawagin ako bigla ni mama sa sala. Nakaupo siya sa sofa na para bang kanina pa ako hinihintay na lumabas sa kuwarto ko. Paglapit ko sa kaniya, seryoso ang tingin niya sa akin. Mukhang may awarding na namang na magaganap. “Si Alaric ba ay nililiga