Vala’s POV Nagising ako na may basang bimpo sa noo ko. Babangon na sana ako pero naramdaman ko ang sakit ng katawan ko, init sa buong mata at pati na rin ang panghihina ng katawan. Tumingin ako sa buong paligid at doon ko lang napagtantong kuwarto ito ni Alaric. Bakit ba ako napunta rito? Bumukas bigla ang pinto. Niluwa nito si Alaric na may dala-dalang tray. Nahiya ako kaya pinilit kong maupo sa kama kahit sobrang latang-lata ng katawan ko. “Sorry, Alaric. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito,” agad kong sabi sa kaniya. Aalis na dapat ako sa kama nang magsalita siya. “You just stay in bed. Your fever is very high, and you lost consciousness earlier, so I brought you here for you to rest.” Nilapag niya ang tray sa harap ko dito sa kama. Tinignan ko kung ano ang laman ng tray. May