Vala’s POV Nakatitig ako sa harap ng kisame ng kuwarto ko. Napangiti ako nang maramdaman kong okay na ako. Tapos, sinabi pa ni Alaric na huwag muna akong pumasok ngayong araw para hindi ako mabinat, kaya ang saya ko. Ang bait-bait nga ng bundol dahil hinatid pa niya ako kahapon ng hapon, pero dahil ayokong magkita sila ni mama, doon na lang ako bumaba sa may kanto namin. Sinabi ko na lang sa kaniya na may dadaanan akong gamot para sa lagnat ko. Nami-miss ko na ang mga kaibigan ko kaya maaga akong naligo at gumayak para supresahin na puntahan sila. Unang kong pinuntahan si Hendrix para hilahin siya sa bahay nila Nadia. Holiday kasi ngayon at walang pasok ang lahat kaya sure akong nasa bahay silang lahat. Pagdating ko sa parlor ni Hendrix, napanganga ako nang makitang may kausap siyang lal