Inaalog ko ang laman ng baso ko habang nakatanaw kay Charmel na sinasamyo ang hangin sa dagat. Sinasayaw ng hangin ang kanyang buhok habang nakahawak siya sa barandilya ng barko habang siya ay nakapikit. Napakagandang tanawin, hindi ko na naman tuloy mapigilang tumibok ang puso ko ng malakas. I'm so in love with her. Habang tumatagal, mas lalo ko siyang minamahal. Sumimsim ako sa aking baso at ininda ang pait ng alak sa aking lalamunan. Nakaupo ako paharap sa kanya habang katabi ko naman si Devin na may tig-isa kaming hawak na baso sa kamay. Bumuntonghininga ako nang tumingin si Charmel sa akin. Mas trumiple ang t***k ng puso ko lalo na nang iipit niya sa kanyang tainga ang tumakas na buhok. I find that sexy, pakiramdam ko inaakit niya ako ng 'di niya namamalayan. Naramdaman ko ang p