"Yaya, saan daw po ba kami pupunta ni Uncle Vince? Bakit pinagsusuot po niya ako ng maganda?" Panay ang pili ko sa mga damit na naka-hanger sa walk in closet ko. Sabi ni Yaya Selya, simpleng damit lang susuotin ko. 'Yong babagay lang sa lugar na pupuntahan namin. "Aba'y malay ko, hija. Nautusan lang naman ako ng uncle mo na sabihin sa 'yo na maghanda ka na at tulungan kitang gumayak." Namili rin si Yaya Selya sa mga naka-hanger na damit. Panay ang tapat niya sa akin kapag may nahuhugot siya na maganda. "Wala po ba siyang nabanggit?'' tanong ko habang hawak ang isang baby pink dress na simple at 'di bastusin ang design at tabas. "Wala naman. Gumayak ka na lang baka mainip 'yon pagalitan pa ako. May napili ka na bang damit, hija?'' "Ito po, Ya? What do you think of it?" Tinaas ko ang d