Dumating ang araw ng eighteenth birthday ko. Naging busy ang lahat ng mga tao sa mansyon. May nag-aayos ng mga palamuting bulaklak at nagse-set up naman ng mga speakers para gagamitin mamayang gabi.
Sa kusina naman ay maingay ang mga kusinera dahil panay ang tadtad nila at hiwa ng mga rekado. May naggigisa at may naghahalo naman ng kung ano sa mga kaldero.
Nakakatuwa silang pagmasdan na natataranta sa paghahanda sa birthday ko. Habang ako ay relax lang naman na lumilibot habang nakahawak sa braso ng Daddy ko.
"Nagustuhan mo ba ang disensyo na inaayos nila, my princess?" my Dad asked me softly. Pareho kaming nakatingala habang nakatingin sa magagarang mga bulaklak na nakaarko.
"Yes, Daddy! I love it!" I exclaimed in so much happiness.
Natupad kasi ang gusto ko dahil napakaganda ng pagkakaayos ng mga bulaklak. Idagdag pa na mga paborito kong bulaklak iyon at puro sariwa.
"Mabuti naman at nagustuhan mo, hija. Papalitan ko agad iyan kapag hindi pumasa sa panlasa mo ang pagkakaayos nila."
Natuwa ako sa sinabi ni Daddy. Talagang ang nagpapasaya sa akin ang talagang una niyang iniisip. Hindi niya iniisip kung magkano ang magagastos niya basta mapasaya niya lang ako.
Dagsaan din ang mga regalo na pinapadala sa akin at hindi ko alam kung paano bubuksan ang lahat ng mga ito sa dami.
Paano pa kaya mamaya kapag celebration na ng birthday ko? I know uulanin ako ng regalo at nag-iisip na ako kung paano ko bubuksan ang mga ito kinabukasan.
"Which one do you prefer to wear first, Charmel?" My Mom asked me while she was pointing at the four gowns that were worn by the manikin.
"The blue one, Mommy. Tapos sunod na po 'yong pink, and then red one and lastly the gold gown."
Napapalakpak si Mommy sa sinabi ko. "Nice choice, anak. Magandang pang-finale ang gold sa celebration ng birthday mo mamaya," excited niyang sabi.
"Ang make-up artist ko po ang nag-suggest niyan, Mom." Hinaplos ko ang detalye ng gown at masayang pinasadahan ito ng tingin.
This gown is perfect. Kakaiba ang design nito at mukhang pinag-isipang mabuti ang mga detalye.
"I will give her a big bonus because of that," ani Mommy na ikinangiti ko lang.
Napakagalante lang talaga ng mga magulang ko. Wala silang pakialam sa pera basta makita lang nilang masaya ako.
Naging mabilis lang ang program. Masaya ang bawat isa sa party.
Nang eighteen roses na ang susunod sa program ay panay na ang kantiyaw sa akin. Lahat ng nagsasayaw sa akin ay kinakantiyawan nila na pwede na nila akong ligawan na kinabukasan dahil halos classmates ko ang kinuha kong eighteen roses. Legal na ako bukas at pumayag na si Daddy na paligawan ako.
Ang prinoproblema ko lang ay ang pang-eighteen na magbibigay ng bulaklak sa akin. Seventeen lang kasi ang alam kong pupunta at alanganin ang isa.
Sabi naman ni Mommy ay may nakuha na raw silang substitute kaya excited akong malaman kung sino ito.
Nang maabot sa akin ang pang-seventeenth roses ay kinabahan na ako. Hindi ko mawari kung bakit ako kinakabahan lalo na ng patapos na ang pagsasayaw namin ng seventeenth roses ko.
Naging romantic ang tugtugin na pumailanlang sa paligid. Pina-dim nila ang ilaw at saka inanunsiyo na ng emcee ang huling magbibigay sa akin ng pulang rosas.
Halos lumabas sa loob ng dibdib ko ang puso ko nang makita kong sumusungaw paakyat ng entabladong kinaroroonan ko ang isang lalaking nakasuot ng tuxedo.
Sa tindig at porma niya ay alam ko na kung sino ang substitute na kinuha nina Mommy.
Nawala ang excitement na nadarama ko lalo na nang magtama ang aming mga paningin. Kaagad na napasimangot ako ng palihim habang inaabangan ang kanyang paglapit sa akin.
Hiyawan ang eighteen candles ko nang lumiwanag ang paligid at makita nila kung gaano kagwapo si Uncle Vince.
Ako naman ay mas lalong napasimangot at nawalan ng gana dahil tinatanong ko ang sarili ko kung bakit siya pa ang napili nila. Ang dami namang pinsan kong lalaki bakit ang nakakatakot na pinsan pa ni Daddy ang kinuha nila.
"Happy eighteenth birthday, baby girl," masuyo niyang sabi pagkaabot ng bulaklak sa akin. Kinuha niya ang palad ko at inilagay ito sa kanyang balikat. Sumunod naman na ginawa niya ay hinawakan niya ako sa aking baywang at nagsimula kaming magsayaw.
"S-Salamat, Uncle," naiilang na wika ko habang pilit kong nilalayo sa kanya ang katawan ko.
I am not comfortable with him. Kinakabahan ako na 'di ko mawari kapag malapit siya sa akin. Tapos ang bango niyang nanunuot sa ilong ko ay nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.
"Relax, baby girl. Ako lang 'to," natatawa niyang anas malapit sa tainga ko. "Why are you sad? May ine-expect ka bang ibang tao sa pwesto ko?" pagkuwa'y natatawa niyang tanong.
"W-Wala naman po, Uncle. Nagulat lang po ako dahil kayo po pala ang sinasabi ni Mommy."
"Oh, I thought you're thinking about another guy. Like boyfriend mo for example."
I shook my head. "I don't have a boyfriend po. Bawal po muna akong mag-boyfriend sabi ni Daddy."
"Kahapon siguro, oo. Pero ngayon pwede na. You're at your legal age. Pwede ka ng biyakin, Charmel. Hmn."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Uncle Vince kaya hindi ko napigilang maitulak ko siya at ilayo ng bahagya ang aking katawan.
I am not comfortable with what he said. I feel like gagawan niya ako ng masama.
Tsaka nakakabastos ang sinabi niya. Tama ba na sabihin niya sa akin ito?
Naging tahimik ako hanggang matapos kaming magsayaw. Hindi na rin siya nagtangkang magsalita dahil nakita niyang bad mood ako. Saka lang nabalik ang sigla ko nang matapos kaming sumayaw at maiwan ako sa entablado. Sumunod ay kainan na at naging busy na ang mga bisita sa kani-kanilang plato.
Umalis ako sa taas ng entablado at nilapitan sina Daddy at Mommy upang magpaalam na magbabanyo ako.
Kanina pa ako ihing-ihi pero tiniis ko hanggang matapos ang program.
Nagtatakbo ako papasok ng mansyon nang matapos akong makapagpaalam sa kanila. Subalit nabangga ako sa isang katawan ng hindi ko tingnan ang dinaraanan ko.
"Easy," malambing na sabi ng isang boses habang nakakapit siya sa aking baywang.
Otomatikong napataas ang mukha ko at kaagad na napaatras nang makita ko na si Uncle Vince pala ang nabangga ko.
"S-Sorry, Uncle. Hindi po ako nakatingin sa dinadaanan ko."
"Yeah. It's alright, baby girl."
"Sige po, maiwan ko na po kayo." Lalampasan ko na sana siya ngunit hinigit niya ako sa aking braso kaya nabalik ako sa dati kong pwesto.
"Not so fast, baby girl."
"B-Bakit po?"
"Ibibigay ko muna ang regalo ko sa 'yo. Here," inabot niya sa akin ang isang maliit na parihabang karton. Nabasa ko sa labas ng karton ang mamahalin na pangalan ng isang sikat na jewelry store sa America.
Manghang nakatingin ako sa hawak ko at pagkatapos ay sa lalaking kaharap ko na nakapamulsa habang nakatingin sa akin.
"Wala ka man lang bang sasabihin, Charmel?"
"T-Thank you po, Uncle," nauutal na sabi ko habang nanginginig na hawak ang regalo niya sa akin.
It cost a million pesos ang alahas na laman nito kung 'di ako nagkakamali.
Why would he give me jewelry that is so expensive?
Hindi naman kami close at alam kong kuripot ang isang 'to.
"You're welcome, baby girl. Where is my thank you kiss?" Tinuro niya ang pisngi niya. Alinlangan naman akong lumapit dahil hindi kami ganoon ka-close para humingi siya ng halik sa akin.
Pero mapipilitan akong gawin ito dahil baka isipin niya na madamot ako.
Naglakad ako palapit sa kanya habang sa dibdib ko ay puno ng kaba. Tumigil lang ako ng halos isang dangkal ang layo na ng aming katawan sa isa't isa.
Humawak ako sa dibdib niya at halos mapapikit ako nang maramdaman ang tigas ng kanyang dibdib. Tapos ay nakakahalina ang pabangong gamit niya na alam kong kasing mahal ng isang sakong bigas.
Tumingkayad ako pagkatapos at saka ko dahan-dahang nilapit ang katawan sa kanya.
Hahalikan ko na sana siya sa kanyang pisngi nang magulat ako nang hawakan niya ako sa aking panga at mapusok na hinalikan ako sa aking labi.
Mabilis lang ang halik niyang iyon ngunit naramdaman ko kaagad ang kuryenteng dumaloy sa aking ugat.
"See you next time, baby girl," anas niya malapit sa aking tainga sabay pisil sa aking baywang at bira ng alis pagkatapos.
Nakangangang napahawak na lang ako sa aking labi habang naglalaro sa aking isip ang maraming katanungan.
Why did he kiss me?
Sa labi pa talaga?