Chapter 8 Closer

1575 Words
AKHIRO: MATAPOS ang ilang oras naming paglilibot sa garden nitong mansion ay nagtungo na kami sa loob na iginiya ito sa silid ko. Kumpleto kasi dito na pinasadya ko ang design. May kusina, sala at kahit nga ang theater room, bilyaran, darts at mini bar ay nandidito sa loob ng master's bedroom. "Wow." namamanghang bulalas nito na iginagala ang paningin sa paligid nitong silid. "Would you mine?" Napalingon ito sa aking nagtatanong ang mga mata. Kimi akong ngumiti na iniangat ang isang champagne. Pilit itong ngumiti na tumango. Binuksan ko ito na kumuha ng dalawang wine glass at pinagsalinan ito. "Thank you, Sir." "Stop calling me, Sir. We're not in the office," aniko. Natigilan itong nagtatanong ang mga matang napatingala sa akin. Ang liit niyang babae na kay sarap yakapin. "You don't have to be formal to me today, Moi. Nasa labas naman tayo," kindat ko. Napalapat ito ng labi na pinamulaan ng pisngi. "O-okay po," mahinang sagot nitong napasimsim sa kanyang baso. "Do you know how to play this?" nguso ko sa billiards at dumampot ng billiard cue stick. Lumapit naman itong ipinatong sa gilid ng katabing lamesa ang iniiunom at dumampot din ng tako. "Subukan natin, Sir- Ahm. . . I mean, Pt." Nangunot noo ako sa muling pagtawag sa akin nito ng Pt lalo na't napapahagikhik ito sa tuwing tinatawag niya ako ng ganon. "Ano bang ibig sabihin niyan, hmm?" usisa ko dahil naiintriga na ako sa ibinabansag nito sa akin. "Wala. Akin-akin na lang 'yon. Simulan na natin, Pt. Teka. . . may price ba ako kung matalo kita?" anito na naghahanda ng asintahin ang bola. Napakibit-balikat ako na sumimsim sa champagne ko. Mukhang palaban ito pagdating sa larong ito sa uri pa lang ng kanyang paghawak sa takong at pagtayo para makapwesto. "Ang tanong eh. . . kaya mo ba akong sabayan, sweetie? Baka naman umiyak ka kapag. . . natalo kita," paanas ko. Napailing itong naglagay ng tisa sa tako na may ngisi sa mga labi. Napakagat ako ng ibabang labi. Pero hindi ko manlang siya makitaan ng paglamlam ng mga mata. Mukhang hindi talaga umuubra ang charm ko sa babaeng ito. Fvck. "Try me." "Okay, let's see. Young lady," saad ko na pinauna na itong tumira. "Sigurado ka?" anito na buong kumpyansa ang tono. "Aha. Gentleman ako ngayon kaya ladies first," naglahad pa ako ng kamay na ikinangisi nito. "Sana araw-araw na lang na gentleman ka, Pt. Mas komportable kang kausap pag wala kang sumpong," anito na inaasinta na ang white ball na agad kaya nagsabog ang mga bola na magkasunod-sunod pumasok ang 1 2 3 ball. Napataas kilay akong napatango-tango at ininom ang champagne ko. Natigilan ako nang sunod-sunod na nitong inaasinta ang mga bola at. . . naipasok lahat ng walang mintis! Napapalakpak akong ikinangiti at bow nito na napahawak pa sa tapat ng dibdib na animo'y feel na feel ang paglampaso sa akin. Damn. Ang galing naman niya. "I told you, Pt. So. . . anong premyo ko?" anito na dinampot na rin ang baso at inisang lagok ang champagne nito kaya lumapit na ako at muling sinalinan ito. "Bakit, ano bang gusto mong premyo? Tell me, baka kaya kong ibigay ngayon. . . mismo," paanas ko na sa mga labi nito nakatingin. "Ouch! Boss mo pa rin ako," daing ko ng ituktok nito sa akin ang tako nito at sa ulo ko pa talaga kaya napakamot ako. Natatawa naman itong naupo sa harapan ng theater ko at inginuso ang malaking screen na kaharap. "Anong gusto mong panoorin?" tanong ko habang naghahanap ng magandang palabas. "Horror, Pt. Gusto ko 'yong mga wrong turn ba," kindat nito. Napapilig ako ng ulo at naghanap sa netflix ng sinabi nito. Dahan-dahan akong napaatras at naupo katabi ito nang magsimula na ang palabas. Pina-off pa nito ang lahat ng ilaw kaya dumilim dito at tanging ang liwanag mula sa screen ang nagsisilbing liwanag sa amin. Kagat ang ibabang labi na pinapakiramdaman ko itong katabi ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at nagsisimula na ring lumukob ang kakaibang bugso ng damdamin sa akin. Pasimple akong napainat ng braso na iniakbay sa likuran nito ang kamay. Hindi naman ito nakahalata na lihim kong ikinangisi. "Ayt!" "Fvck!" Sabay kaming napatili sa pagkakatutok sa pinapanood nang may kumatok sa pinto. Tumayo na akong pinagbuksan ang ilang maids kong may dalang snacks na pinahanda ko. "Enjoy, Sir." "Thank you," nakangiting saad ko na kinindatan ang mga itong pinamulaan. Isinara kong muli ang pinto at nagtungo sa kinaroroonan ni Moi na tutok na tutok sa pinapanood naming horror. Ibang klase talaga ang babae 'to. Imbes na romantic movies sana ang hilingin ay ang takutan pa at wakwakan ang gusto. "Try this, Moi." Alok ko na inilapag sa pinagigitnaan naming armrest ng upuan ang isang bowl ng iba't-ibang prutas na na-slice. Dumampot naman ito na sa screen pa rin nakatingin kaya 'di napapansing sa kanya ako nakatitig at hindi sa pinapanood nitong nakakaduwal dahil katayan naman ng mga zombie na naghahabol ng mga bibiktimain ang palabas. "Try mo din, Pt." Anito na iniumang sa harap ko ang pinulot nitong slice ng apple. Hinawakan ko ang kamay nitong isinubo ang hawak nito at parang nakuryente sa pagkakalapat ng balat namin. Mukhang maging ito ay naramdaman ang naramdaman kong pagdaloy ng kuryente sa mga palad namin kaya unti-unting napalingon na ikinabilis ng pagtibok ng puso ko sa pagsasalubong ng mga mata namin. "Moi," paanas ko na 'di mapigilang ilapit ang mukha dito. Napalunok naman ito at biglang. . . napatili na biglang nahuli ng killer sa palabas ang bida kasabay ng malakas na sounds effect kaya maging ako'y muntik mapatalon sa gulat! Umayos ako ng upo at sa screen na lamang ibinaling ang paningin. Mahirap ng madala akong muli sa nakakahipnotismo nitong mga titig! Nandidito pa naman kami sa silid at baka 'di ako makapagpigil ay mapaglabasan ko ito sa init ng katawan kong unti-unting bumabaga! Sabay kaming napapahiyaw sa tuwing biglang magpapakita sa screen ang killer sa palabas na sinasabayan ng paglakas ng sounds effect na ikinagugulat namin pareho! Nagkalat na tuloy lahat ng snacks namin na aksidente naming natatabing kapag nagkakagulatan na! "Fvck!" Napahagikhik ito sa mulutong kong pagmura na natapos din ang palabas dahil naubos na ng killer lahat ng taong nagawi sa territory nilang mga hunter. Napapailing na lamang akong nagkalat ang pagkain at inumin sa sahig. Tinawagan ko na ang ilang maid kong linisin ang kwarto at iginiya itong lumabas. Napapalinga pa rin itong puno ang mga mata ng kamanghaan sa mga nakikita. Lihim akong napapangiti na sinasabayan ang marahan nitong paghakbang. Maya pa'y nag-vibrate ang phone nitong sinagot nito kaya tahimik lang akong sinasabayan itong naglalakad dito sa gilid ng pool. "Hello, Nay?" Napatikom ako ng bibig at nakahingang maluwag na ina nito ang caller. "Sige po kausapin ko," anito na natigilan kaya napatigil din ako sa paglakad. "Hello, baby? Okay ka lang ba dyan?" malambing pagkausap nito sa kabilang linya na ikinalunok ko. Parang kinurot ang puso kong mapag-alamang may kasintahan na pala ito at baby pa ang endearment nila. "Miss mo na ba ako? Pasensiya ka na, baby ko. Sinamahan ko kasi ang boss ko eh. Pauwi na ako, hmm? I love you so much, baby. Muuwwaah!" Mapait akong napangiti na marinig iyon sa kanya at humalik pa sa phone nito. Mukhang mahal na mahal nga niya ang kasintahang nakausap. "Ahm. . . Pt? Mauuna na ako, huh? Salamat sa pag-tour," baling nito matapos ibaba ang tawag. Pilit akong ngumiti at umarteng walang narinig na ikinalungkot ng masayang araw ko. "Ihatid na kita. Pauwi na rin ako. Mahirap ang sakayan dito." Napatango-tango naman itong matamis na ngumiti at nagpatiuna nang lumabas ng pool area. Mukhang excited ng makita ang baby niya, tsk. Hindi niya ba na-apreciate ang pagdala ko sa kanya dito? Tsk. Ang manhid naman niya. NATAHIMIK kaming muli sa kahabaan ng byahe namin pabalik. Biglang kumulimlim tuloy ang araw ko na mapag-alamang may boyfriend na ito. Kung sabagay. . . napakaganda nga naman niya at matalino pa kaya sinong lalake ang hindi siya liligawan. Idagdag pang napakamasayahin at friendly niyang babae kaya lahat ng empleyado sa kumpanya ko ay kasundo nito. Kahit nga mga guard at janitress doon ay binabati at kakilala niya. "Sigurado ka? Pwede naman kitang ihatid sa bahay niyo," aniko ng nakarating na kami sa tapat ng company ko. Umiling itong matamis na ngumiti at nagtanggal ng seatbelt. "Hindi na, Pt. Salamat na lang. Kita kits sa monday," masiglang sagot nito na tinapik pa ako sa balikat bago lumabas. Napa-wave pa ito sa akin nang ipasok ko na sa parking dito sa ground floor ang kotse ko. Mapait akong napangiti at iling sa sarili. "Damn, Akhiro. What's happening to you man? Hindi ka naman siguro tinamaan sa bubbly mong secretary? Tsk. Bata pa kasi siya kaya napaka-energetic! Natutuwa lang ako sa personality niya. Tama. . . gano'n lang 'yon. Imposibleng may makakapagpaibig pa sa puso kong matagal ko ng kinandado," parang hibang pagkausap ko sa sarili. Umakyat akong muli ng opisina ko gamit ang private elevator ko at patamad na nagtungo ng silid. Parang pagod na pagod akong isa-isang hinubad lahat ng saplot at nagtungo ng banyo para makapag-shower. Nag-brief lang akong lumabas at bamagsak nahiga sa malambot kong kama. Napasapo ako ng noo at mariing pumikit. "Moira. . . Moira. . ." Napabalikwas ako ng ma-realize na sinasambit-sambit na ang pangalan nito na. . . nangingiti!? "No way! Damn, Akhiro!! Wake-up man!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD