AKHIRO: PARANG lulukso ang puso ko palabas sa ribcage nito sa mga natuklasan ko ngayong araw! Fvck! Mabuti na lamang at si Moi pala ang babaeng nakaniig ko noon sa Boracay at ngayo'y nandito na siya. Nahanap niya ako ng hindi sinasadya. Kaya naman pala napakagaan ng loob ko dito mula umpisa dahil may koneksyon na pala kami. At ngayo'y may anak na kaming bunga ng one night stand namin. Iniisip ko palang ang maamong mukha ng supling namin ay parang malulunod na ang puso ko sa sobrang tuwang nararamdaman ko! Ganto pala kasaya ang maging ama lalo na't biglaan. Hindi ko mailarawan ang ligayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Mapagkakamalhan na nga akong may saltik na napakalapad ng ngiti kahit mag-isa! Pasipol-sipol akong muling bumalik ng opisina para tapusin ang trabaho kong nai