MOIRA: NALULUHA kong marahang hinahaplos sa pisngi si Akhiro habang nahihimbing na ito. Mabuti na lamang at hindi naapektuhan ang ulo nito sa pagkakaalog nito. 'Yon nga lang ay hindi pa ito makalakad ng maayos dala ng pagkakaipit ng mga binti nito. Umuwi na rin ang pamilya nito dala si Mikmik para mas mapangalagaan ko si Akhiro. "Sweetie?" Nagpahid ako ng luha at pilit ngumiti ng napapasilip ito ng mga matang inaantok pa rin dala ng gamot na nakasaksak dito. "I'm here, sweetie." "Come here," anito sa mahinang boses na pinapahiga ako katabi nito. Maghahating-gabi na rin at ramdam ko na ang antok at pagod ko sa maghapon. Maingat akong sumampa ng kama na tumabi dito. "Did I make my kutonglupa worried?" Marahan kong kinurot ito sa tagiliran na ikinatawa nito. "Tukmol ka nga talag