10 YEARS LATER AKHIRO:
KABADO AKONG paglakad-lakad habang matamang naghihintay sa bride ko dito sa harapan ng cathedral na pinili naming pagdadausan ng kasal namin.
Si Aliyah Atayde. Ang 10 years long time girlfriend ko since first year college. Nandidito na rin lahat ng malalaking tao na invited sa much awaited wedding ng taon dahil kilala ang angkan namin sa publiko dito sa bansa maging abroad. Ang Montereal family na mistulang royal family ng bansa. Nagkalat na rin ang media dahil naka-live broadcast ang kasal naming inaabangan din ng publiko.
"Relax, Kuya. Hindi na maipinta ang mukha mo. Baka lalong mag-back-out si Ate Aliyah na makitang nalulukot na ang gwapong mukha mo sa araw ng kasal niyo," natatawang bulong ng nakababatang kakambal kong si Danica.
"You're not helping," inis kong sikmat.
Napahagikhik lang naman itong napa -piece-sign sa akin na lumapit na sa kumpulan ng mga abay na mga pinsan din namin. Napairap ako dito na iiling-iling.
Panay ang sulyap ko sa wristwatch ko dahil nasa 15 minutes ng late si Aliyah. Lalo tuloy akong kinakabahan sa bawat paglipas ng oras.
Napalingon ang lahat nang dumating din aa wakas ang bridal car nito. Nakahinga ako ng maluwag na napahaplos pa sa dibdib. Iginiya na kami ng wedding coordinator namin sa loob dahil panghuling tatawagin ang bride ko.
Nangilid ang luha ko ng sumalansang ang malamyos na musika dito sa loob ng cathedral sa kantang 'BEAUTIFUL IN WHITE by westlife' na kinakanta ng pinsan kong si Kuya Kieanne Montereal.
Napapapahid ako ng luha habang matamang tinititigan ang tila anghel kong bride na dahan-dahang naglalakad sa kalagitnaan ng red aisle palapit sa akin. Kakaibang kaba ang lumulukob sa akin sa mga oras na 'to. Panay ang buga ko ng hangin dahil parang hindi na ako makahinga habang papalapit ito. Pakiramdam ko'y nasasakal ako sa necktie ko kahit maayos at maluwag naman ito.
"Hon," mahinang bigkas ko at naglahad ng kamay ng sa wakas ay nasa harapan ko na ito.
Napailing-iling itong ikinasinghap at bulungan ng paligid. Napalis ang matamis kong ngiti sa mga labi na napalunok. Lalong nagkarambulan ang pagtibok ng puso ko at nag-iinit ang mukha sa pag-iling-iling nito. Itinaas nito ang nakatakip sa mukhang puting belo at namumugto ang mga luhaang mata na nakatitig sa akin.
"Hon, is there a problem?" kabadong tanong ko.
"I can't marry you, hindi ako magpapakasal. . . sa mamamatay taong katulad mo," mahinang sagot nitong ikinanigas at tulo ng luha ko.
"I'm sorry, I'm breaking up with you, Akhiro, I can't. . . I can't marry someone like you," mga katagang lumabas sa kanyang bibig.
Natulala ako at napasunod na lamang ng tingin ditong parang nag-slow-motion na pumihit patalikod sa akin at tinakbo ang aisle palabas ng simbahan!
Natulala ako. Hindi ko alam kung paano ba kumilos. Nakamata ang lahat sa akin na naiwan dito sa harapan ng simbahan.
"Let's go, son."
Akay sa akin ni Daddy palabas ng simbahan dahil nakatutok sa akin ang camera na naka-live broadcast nationwide at pinagpipyestanan na akong kunan na tinakbuhan lang naman ng kanyang bride sa araw mismo ng kasal nila!
PANAY ANG TUNGGA ko ng baso habang nakakulong ng condo. Dito ako tumuloy sa kahihiyang inabot ko. Pagak akong natawa na panay ang tungga sa whiskey na iniinom ko. Nagkalat din ang mga sira-sirang gamit sa buong unit na pinagbuhusan ko ng galit!
"Why!? How could you do this to me!?" muling sigaw ko at ibinato sa pader ang hawak kong bote na sumabog ang bubog!
Mapakla akong natawa na naiiling habang panay ang tulo ng luha. Panay ang tunog ng cellphone kong hindi ko sinasagot o kahit tignan manlang ang caller. Napahagulhol akong napayakap ng tuhod na parang batang talunang nakasuksok sa sulok.
"Bakit sa araw ng kasal natin. . . ? bakit hindi mo na lang ako kinausap ng masinsinan. . . ? bakit kailangan mo akong ipahiya sa lahat?" para akong nahihibang na umiiyak na kausap ang sarili.
Duguan na rin ang mga kamao ko sa pagsususuntok ko sa pader na nananahimik. Hindi ko kayang tanggapin ang nangyari. Paano niya nagawa sa akin ito? Sa loob ng sampung taon naming magkarelasyon ay ibinigay ko lahat sa kanya. Lahat ng pangarap at pagsusumikap ko ay para sa kanya. Lahat ng gustong bagay o lugar na puntahan ay buong puso kong ipinagkakaloob dito.
Pero bakit nagawa niya pa ring hiwalayan ako sa harapan ng lahat? Sana hindi na lang siya dumating. Kaysa ang takbuhan ako sa araw mismo ng kasal namin gayong alam nitong naka-broadcast ang kasal namin. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa lahat? Sa mga supporters ko? Sa mga empleyado ko? Malamang pinagtatawanan na ako ng buong bansa.
"What a nice news headlines! Isang tanyag na heredero ng pamilya Montereal. . . Tinakbuhan ng longtime girlfriend nito sa araw mismo ng kasal nila. Thanks to you, Aliyah Atayde!" napasabunot ako sa ulo.
Muling napahagulhol kahit napakahapdi na ng mga mata kong halos hindi ko na maimulat sa sobrang pamumugto ng mga ito.
"Hindi ko kaya. . . nakakahiya," pagkausap ko sa sarili.
Napalingon ako sa mga nagkalat na bubog sa sahig. Parang may nag-uudyok sa aking pinulot ang kalahati ng boteng hinagis ko kanina. Pinulot ko iyon at napapalunok. Tumulo ang luha kong mahigpit na nakahawak sa bubog ng bote.
"Mabuti pang mawala na lang ako. Kaysa harapin ang lahat sa kahihiyang dinulot mo."
Pikitmata kong inilaslas ng ilang beses sa palapulsuhan ko na kaagad bumulyak ang dugo! Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang kamay kong masaganang umaagos ang dugo.
Nanghina ako at namanhid ang buong katawan. Napasandal ako ng pader na may mapait na ngiti sa mga labi. Umiikot at nandidilim na rin ang paningin ko.
"Sana maging masaya ka. . . sa pagsira mo sa buhay, pangalan. . . at pangarap ko," napapikit ako at nagpatangay sa dilim.
Narinig ko pa ang tila binabaklas nilang pinto ko mula sa labas pero hindi ko na kayang magdilat ng mga mata.
"Akhiro!? Oh God! Son!"
Dinig kong sigaw ni Daddy Khiro at ang mga yabag nito na palapit sa gawi ko.
"Son! C'mon! Why do you have to do this, huh?!" tarantang bulalas nito pero nanatili akong nakapikit.
Nanghihina maging talukap ng mga mata ko para magmulat. Ramdam ko namang kinarga ako at itinakbo palabas.
"Khiro, Alanong nangyari sa anak ko!?" dinig kong sigaw ni Mommy Danaya na niyakap ako habang gumagalaw na ang sinakyan namin.
"He attempt to suicide, sweetheart." Napahagulhol si Mommy na niyakap ako.
"Anak, bakit naman kailangan umabot sa ganito? Hindi siya worth it para kitilin mo ang buhay mo. Nandito pa kami, anak. Lumaban ka, huh? Hwag mo namang iwan si Mommy. Hindi ko kayang mawala ka. Maawa ka kay Mommy, anak ko. Ikababaliw kong mawala ka dahil lang sa babaeng 'yon." Humahagulhol nitong pagkausap sa akin habang mahigpit akong yakap.
"I'm sorry, Mommy, Daddy. . . but I can't live my life without her."
Mga katagang nanatili sa isip ko bago tuluyang natangay ng dilim ang diwa ko.
"Hold on, Akhiro. Malapit na tayo sa hospital, son."
Mapait akong napangiti na tumulo ang luha ko. Mas nanaisin ko pang mawala na lamang sa mundong ito. Kaysa ang pinagtatawanan ako ng lahat. Dahil sa pang-iiwan sa akin ng babaeng pinakamamahal ko.