MOIRA: NANGINGITI ako habang ninanamnam ang sandaling nakayakap sa akin si Akhiro at nakasakay kami sa kalabaw. Mabuti na lang at nakakuntsaba ko si Marlon at Nanay para nakakalapit ako ng patago kay Akhiro. "Wow!" Bulalas nito ng marating namin ang ilog na siyang pagpapastulan nila ng mga kalabaw. At para na rin makaligo na sila dahil mahirap ang tubig sa bahay. Kailangan mo pang mag-igib sa poso. Nauna na itong bumaba na inalalayan ako. May malawak na bahagi dito sa ilog na maaaring paglanguyan lalo't may kalaliman din naman. Ipinastol na muna namin ang dalawang kalabaw bago magkayakap kami ni Akhiro na nagtungo ng ilog dahil nandoon na si Dos at Marlon na nagtatawanang nagsasabuyan. "Dito muna tayo, sweetie." Pigil nito ng nasa batuhan na kami dito sa gilid ng ilog. Naupo ako s