MOIRA: NANGINGITI kong palihim na kinukunan ng video ang mag-ama kong napakahimbing habang nakakulong si Mikmik sa bisig ng ama nito. Napapailing na lamang ako na nakatulog na ako ay hindi pa makaisa-isa ito dahil nagising ulit si Mikmik na nakipaglaro na sa kanya. Hindi ko na nga namalayan kung anong oras na sila nakatulog. Naramdaman ko pa kaninang madaling araw ang panay na paghalik ni Akhiro sa buong mukha ko na ginigising ako pero nagtulog-tulugan na ako dala ng matinding antok. "Good morning, sa dalawang gwapong tukmol," napapahagikhik kong bulong. Hinagkan ko na muna sila sa pisngi at inayos ang comforter. Ang sarap lang sa pakiramdam na sila ang unang bubungad sa araw ko. Ang mag-ama ko. Bumangon na ako at nagtungo ng kusina nito matapos gawin ang morning routine ko. Mabuti n