Chapter 1.a

1645 Words
Chrylei Criox's Pov Ang lakas ng kabog ng dibdib ko nang makalapit na kami sa hari at reyna na nakaupo sa kanilang trono. Idagdag pa ang babaeng nakatayo sa gilid ng reyna na kung tama ako ay iyong sinasabi nilang si Princess Faero. Agad yumuko si Zeal sa harap ng mga ito. "We're glad that you're back, Zeal." nakangiting ang reyna at tumingin sya sa gawi ko na nagpayuko sa'kin. "At nagawa mo nga syang isama." "Buti, napasama mo sya agad." Boses iyon ni Princess Faero kaya dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko para sana tingnan sya pero agad akong napaatras at nanlaki ang mata nang mabugaran ko sya sa harap ko. "Hi, I'm Faero Initia, 19 years old at ang kasalukuyang Knight of Element." Nakangiti nyang inilahad ang kamay sa harap ko. Nagdadalawang isip man ay nakipagkamay na ako sa kanya. "C-Chrylei Criox. I-ikinagagalak ko kayong m-makilala, Mahal na prinsesa." Muli sana akong yuyuko pero agad nyang idinikit ang hintuturo sa aking noo. "Ayaw kong niyuyukuan ako ng kahit sino kahit ako ang prinsesa. Ayaw ko din ng special treatment kaya sanayin mo ang sarili mong itrato akong kapantay mo lang." Nakanguso nyang sabi tsaka ako binitiwan. "P-pero—" "Oopps." Sa bibig ko naman nya inilapat ang hintuturo nya. "No buts. Ayaw kong minamaliit ng sinuman ang sarili nila dahil lang hindi sila kabilang sa Royals. The fact na nasa batok mo ang marka ng isang Knight, masasabi kong magkapantay tayo. Ano man ang kapangyarihan mo o anong pamilya man ang pinanggalingan mo." "Just do what she said, dear." Napalingon ako sa reynang natatawa sa amin. "Hindi ka kasi nya titigilan hanggat nakukuha ang gusto." "Ah." Napakamot ako ng ulo at ibinalik ang tingin sa prinsesa. "O-okay." Lumapad ang kanyang ngiti at bakas ang kasiyahan sa mata. "Good. And from now on call me, Faero." Tumango nalang ako. Mukha kasi hindi nya ako titigilan hangga't hindi nasusunod ang gusto nya. Hindi din yata sya magpapatalo eh. "Chrylei." Naibaling ko ang tingin sa hari. Nakangiti ito pero parang may luhang tutulo sa kanyang mga mata. Tumayo ito at nagulat ako nang lumapit sya sa'kin tsaka ako niyakap. Hindi ako nakagalaw at hindi ko alam ang gagawin at iisipin. Bakit bigla akong niyakap ng hari? Anong mayroon? "Mahal, mukhang naguguluhan na si Chrylei." sambit ng reyna na nasa gilid namin. "Ipaliwanag mo kung bakit natin sya pinapunta dito." Kumalas naman agad ng yakap sa'kin ang hari at pinunasan ang kanyang mga luha. "P-pasensya na. Hindi ko lang napigilan." "A-ayos lang po." sagot ko. "P-pero tulad po ng sinabi ng Mahal na Reyna, bakit nyo nga po ba ako gustong makilala at makita?" "Your father, Cholo Criox is actually my bestfriend when he was still here in Antlers. Magkababata kami ng iyong ama." sabi ng Hari. "Po?" Tumango sya. "Sabay kaming lumaki ng iyong ama ngunit tuluyang nagkahiwalay ng landas nang makapag-asawa sya at manirahan sa probinsya habang ako ay nagsimula nang manilbihan bilang hari." "Pero kahit magkalayo ay patuloy ang kanilang pagbabalitaan tungkol sa lagay sa isa't-isa." sabi ng reyna. "Hanggang dumating ang panahong tumigil sa pagsulat ang iyong ama, walong taon ang nakakaraan." Walong taon? "Iyon po yung panahong namatay sya dahil sa epidemyang kumalat sa baryong nilipatan namin noon." Tumango sila. "Ang huling balita nya sa'kin ay lumipat kayo ng tirahan pero hindi nabanggit kung saan at ang ipinagtataka ko ay ang pagbibilin nyang protektahan kita kung sakaling may mangyari sa kanya." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Po?" Tumangu-tango sya tsaka may kinuhang isang papel at iniabot sa'kin. "That was his last letter." Kinuha ko iyon tsaka binasa at tulad nga ng sinasabi dito ay inihahabilin ako sa hari, na kaibigan ng aking ama kung sakaling may mangyari. Anong ibig sabihin nito? Inaasahan ng aking ama ang mga nangyari sa kanya? Sa buong pamilya ko? "I think, your father is expecting what happen to him. At siguro, alam nyang ikaw lang ang makakaligtas sa inyong mag-anak kaya inihabilin ka na nya sa'kin. Ngunit patawarin mo ako kung ngayon kita napasundo. Hindi ka agad namin nahanap." sabi pa ng hari na tinanguan ko lang. Hindi ko alam ang iisipin dahil sa mga nalaman ko. Kung alam pala ni Ama ang mangyayari, bakit hindi man lang nya sinabi sa akin nang sa gayon ay napaghandaan ko ang lahat. "Hija." Napatingin ako sa reyna nang hawakan nya ang aking kamay. "Alam kong nabibigla ka sa mga nangyayari. You didn't expect anything kaya hindi kita masisisi kung bakit ganyan ang reaksyon mo." "Nabigla po ako. Hindi po kasi nya nabanggit na kaibigan nya ang hari." sabi ko ."Kaya po pala ganoon nya ito ipagmalaki at ipagtanggol sa ka-baryo namin noong hindi tanggap ang pamumuno nyo." Dati, naiinis ako kay Ama dahil nakikipag-away sya kapag nakaririnig ng salitang hindi maganda patungkol sa hari.Ngayon ay naiintindihan ko na dahil matalik pala silang magkaibigan. "Pero aaminin ko po sa inyong hindi lang iyon ang pumapasok sa isip ko." "Ano ang iniisip mo, Chrylei?" tanong ni Faero. "Tungkol ba iyan sa pagkamatay ng pamilya mo?" Mabilis akong tumango. "Iniisip ko pong hindi nagkataon ang pagkalat ng epidemya sa aming baryo." Pare-pareho silang napaseryoso pagkuwa'y nagkatinginan. Parang nag-uusap ang kanilang mga mata kaya't hinala kong may nalalaman pa sila na ayaw nilang sabihin sa akin. "Mas makakabuti kung magpapahinga muna kayo." sambit ng reyna. "Malayo din ang inyong nilakbay." Alam kong paraan lang nila ito upang makaiwas sa usapan pero tumango nalang ako. Hindi ko sila mapipilit sabihin sa'kin ang mga nalalaman nila dahil sila ang pinuno ng aming mundo. Maaaring ang problemang iyon ay may isang lihim dahil libo-libong taga-Allura din ang namatay doon. "Zeal, ikaw na ang bahala kay Chrylei." bilin ng hari na agad tinanguan ni Zeal tsaka muling bumaling sa'kin. "Alam kong marami kang gustong malaman pero hindi pa ito ang tamang oras para doon." "Naiintindihan ko po." sabi ko. "Alam kong hindi kayo pwedeng basta magbigay ng impormasyong wala pang sapat na katibayan dahil posible po kayong malagay sa alanganing sitwasyon." Ngumiti sya tsaka hinaplos ang buhok ko. "You're really his daughter. Namana mo ang pagiging maintindihin nya." "At namana nya ang katalasan ng isip ni Leara." sambit ng reyna. "Dad, hindi ba't papasok din sya sa university." tanong ni Faero sa ama na ikinalaki ng mga mata ko. "Po?" Tumangu-tango ang hari. "Maayos na ang mga papeles na kailangan nya sa university kaya papasok na sya doon next week." "T-teka po." Napalingon sila sa akin. "W-wala po akong pambayad sa kahit na anong eskwelahan. Isa pa po, kailangan ko pong magtrabaho dahil wala po akong pera para sa ikabubuhay ko dito." "Hindi mo kailangang magtrabaho, Chrylei." Sabi ni Faero tsaka ako inakbayan. "Binilin ka ng Dad mo kaya kaming bahala sa kailangan mo." Umiling ako. "Hindi po sa nagmamalaki pero tinuruan ako ni ama na huwag umasa sa kahit sino gayong may kakayahan akong magtrabaho." "You read what your father said. Gusto nyang mag-aral ka." Natigilan ako sa sinabi ng hari. "Kung sinusunod mo ang gusto ng iyong ama, mag-aaral ka at hahayaan mo kaming tuparin ang pangako namin sa kanya at iyon ay ang alagaan ka." Yumuko ako. Si Ama na ang nagsabi. Sya ang humingi ng pabor sa hari para maipagpatuloy ang pag-aaral ko kahit wala akong kapangyarihan. Narinig ko ang pagbuntong hininga nila kaya muli akong nag-angat ng ulo at tumingin sa kanila. "Fine, bibigyan kita ng trabaho pero ilang oras lang huh." Nagliwanag ang aking mukha ng marinig ang sinabi ng hari. "Pero syempre, priority mo pa din ang pag-aaral." "Maraming salamat po." __________ Matapos ang usapan namin sa palasyo ay dinala na ako ni Zeal sa aking titirhan. Isa itong apartment na kumpleto na sa kagamitan. Tanging pagkain at mga pansariling kagamitan na lamang ang aking bibilhin. "Ayos lang ba ito sayo?" tanong sa akin ni Zeal. "Gusto sana ni Faero na sa kanya ka tumira pero hindi pwede dahil magtataka ang mga kawal na nakabantay sa kanya at baka umabot pa sa mga elders ang tungkol sayo." "Naiintindihan ko at hindi nyo naman ako kailangang asikasuhin." sabi ko tsaka tumingin sa kanya. "Salamat nga pala." "It's fine." Aniya. "May kakailanganin ka pa ba dito?" Umiling agad ako. "Ayos na ang lahat. Matutulog na din naman ako para makabawi ng lakas. Kailangan ko ding mag-ipon ng maraming lakas ng loob para sa pagpasok ko sa susunod na linggo." Kumunot ang noo nya. "Bakit?" "Mula ng mamatay ang pamilya ko, wala na akong nakausap na kahit anong nilalang. Ngayon nalang kaya kinakabahan ako lalo na't alam ko kung gaano karami ang knights sa paaralan." Nag-aral din ako noon pero hindi ako nilalapitan ng kahit sino. Tanging pamilya ko ang nakakausap ko tapos tuluyan din akong tumigil sa pag-aaral nang mamatay sila. "You don't have to worry. Kasama mo kami ni Faero at siguradong hindi ka papabayaan noon lalo na't gusto ka nya." Bahagya syang ngumiti. "G-ganun ba talaga si Faero?" tanong ko. "Sya ang prinsesa pero ayaw nyang tinitingala sya?" "Being princess is just a title for her at kung tutuusin daw, wala namang nagagawa ang pagiging prinsesa nya para maging malakas kaya mas gusto nyang itina-trato sya ng kapantay ng iba." kwento nya. "Kaya huwag kang mag-aalangan sa kanya. You can treat her as your friend because I'm sure, kaibigan na din ang turing nya sayo ngayon." Kaibigan? Ano nga ba ang kaibigan? Madalas ko iyang marinig sa mga kapatid ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil wala ako noon. "Ano ba ang kaibigan?" muli kong tanong. "Sila iyong mga mananatili sa tabi mo, for better or worst situation. Sila iyong iintindi at tatanggap sa kahit na anong pagkatao mayroon ka pero sila din iyong mga taong hindi kukunsintihin ang pagkakamaling nagawa mo at tutulungan kang itama ito. Ang pinakamagandang example nito ay ang hari at ang iyong ama." paliwanag nya. Ngumiti ako sa kanya. "Maraming salamat, Zeal."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD