Teka, nasaan ako?
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at bumungad sa akin ang nag-aapoy na lugar na kinalalagyan ko ngayon. Sinubukan kong bumangon ngunit parang may kung anong mahika ang bumabalot sa katawan ko na syang pumipigil sa akin para makakilos.
Anong nangyayari?
Iginala ko ang tingin sa paligid.
Puro apoy. Napaliligiran ako ng nagbabagang apoy. Walang kahit ano sa lugar na ito kundi ang nababagan apoy na nakapaligid. Nasaan ako?
Sa paglibot ng aking paningin, nahagip ng mata ko ang isang binata.
Nakaupo ito at nakayuko. Nagtataas-baba ang balikat tanda ng kanyang pag-iyak pero wala akong naririnig na hikbi.
Sino sya? Bakit sya umiiyak?
Pinilit kong igalaw ang mga kamay ko hanggang sa unti-unti akong nagtatagumpay. At sa'king paggalaw ay natigilan ang binata sa pag-iyak.
Dahan-dahan itong bumaling sa kinalalagayan ko at magagawa ko nang makita ang kanyang mukha.
Pero—
Malabo.
Hindi ko maaninang ang mukha nito sa hindi malamang dahilan. Bakit?
Itinaas ko ang aking kamay at pilit syang inaabot. Gusto ko syang malapitan. Gusto ko syang mahawakan at makilala.
Pero bakit hindi ko magawa? At bakit wala syang ginagawa?
Nakaupo lang sya habang nakatingin sa akin.
Pero may sinasabi sya.
Bakit? Bakit hindi ko marinig?
Ano?
Teka!
Huwag!
_________
Idinilat ko ang mga mata at dahan-dahang bumangon pagkuwa'y malalim na bumuntong hininga.
Panaginip. Panaginip na naman.
Ilang buwan ko na bang napapanaginipan iyon?
Halos kabisado ko na ang bawat pangyayari sa tuwing dadalawin ako nito sa aking pagtulog pero hindi pa din nawawala sa pakiramdam ko na para bang totoo ang lahat ng iyon.
Na para bang naganap o magaganap talaga iyon sa akin. Na parang bahagi ng aking nakaraan o ng hinaharap.
Pero isa iyong malaking kalokohan. Dahil buong buhay ko, hindi ako umalis sa lugar na ito na kinagisnan ko at wala din akong balak umalis.
Umiling-iling ako pagkuwa'y ginulo ang aking buhok. Mas mabuti pang bumangon na ako. Masyado pa akong maraming gagawin sa maghapong ito at hindi makakatulong doon ang pag-iisip sa isang panaginip.
Ako nga pala si Chrylei Criox, 19 taong gulang at isang simpleng mamamayan na naninirahan sa liblib na baryo sa mundo ng Attila.
Attila, isang kakaibang mundo na puno ng nilalang na may kakaibang kakayahan at kapangyarihan. Dito naninirahan ang mga nilalang na tinatawag na Knight na may nagtataglay ng matinding enerhiya sa kanilang mga katawan kaya nagagawa nilang makontrol ang anumang elementong binabagayan ng kanilang katawan. Mga nilalang na bihasa sa paggamit ng espada na maaari gamitan ng kanilang kapangyarihan.
Pero hindi ko masasabi kung kabilang nga ba ako sa mga Knights.
Dahil una sa lahat, wala akong kakaibang kakayahan o kahit na anong kapangyarihan. Mag-isa nalang din ako sa buhay. Ang buong pamilya ko ay pumanaw dahil sa epidemyang kumalat sa syudad na ito, walong taon na ang nakakaraan. Idagdag pa ang kahinaan ng aking katawan. Masyado akong lampa at walang maitutulong upang maipagtanggol ang sinuman.
Nag-inat ako nang tuluyang makabangon at isa-isang binuksan ang mga bintana ng aking munting tahanan.
Masyadong malayo sa kabihasnan ang baryong kinalalagyan ko pero mas malayo ang tahanan ko sa mga taong nakatira sa baryo. Nasa tuktok ito ng burol at iniiwasang puntahan dahil hindi nila gustong mapalapit sa isang tulad ko na naiiba para mabuhay sa mundong ito.
Hindi kasi normal dito ang magkaroon ng nilalang na walang kahit anong kapangyarihan. Maituturing akong kakaiba pero dahil sa markang nasa batok ko, pinapatunayan pa din nitong isa nga akong Knight.
Lahat ng nilalang dito sa Attila, may maliit na markang espada sa batok. At dala-dala na namin ito mula pagkapanganak hanggang sa kami ay mamatay kaya wala pa ding duda na kabilang nga ako sa mundong ito.
Kumunot ang noo ko nang makita ang karwaheng tumigil sa harap ng kahoy na gate ng bahay. At isang lalaking nababakasan ng karangyaan sa buhay ang bumaba mula dito.
At mas lalong kumunot ang noo ko nang walang sabi itong pumasok sa gate ng bahay at dire-diretso lang ang paglalakad palapit dito.
Agad ako nagpunta sa pintuan at eksaktong pagbukas ko noon ay syang tuluyang paglapit ng lalaking ito.
Doon ko napansin ang isang royal crest na nakaukit sa pulang espadang nakasukbit sa likuran nya.
"You're Chrylei Criox, right?" Mataman itong tumingin sa akin at para bang pinag-aaralan nya ang kabuuan ko.
Agad akong tumango pero bakas sa akin ang matinding pagkalito. Anong kailangan sa'kin ng isang Knight na nabibilang sa mga Royals? At galing pa ito sa Brann, ang pamilyang nangangalaga ng kapangyarihan ng apoy.
"I'm Zeal Brann. At nandito ako upang ibigay sayo ito." May kinuha sya sa maliit na bag at iniabot sa'kin. "Imbitasyon at utos ng Hari."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig kaya agad kong kinuha ang puting sobre at inilabas ang laman nito.
Galing ito sa mismong hari ng Attila at gusto nitong pumunta ako sa kabisera para makilala. At iniuutos din nito ang paninirahan ko doon.
"H-hindi ko maintindihan. Bakit kailangan akong makita ng hari at bakit ako maninirahan sa kabisera?"
"I don't know the reason of His Majesty but you don't have any choice. Kailangan mong sundin ang utos."
Naguguluhan pa din talaga ako pero tulad ng sinabi nya ay kailangan kong sumunod. Hari mismo ang nagpadala ng sulat na ito at malaking kaparusahan ang hindi pagsunod dito.
Nilakihan ko ang awang ng pintuan. "Pasok ka muna. Aayusin ko lang ang mga gamit ko."
Pumasok naman sya at tumingin sa kabuuan ng bahay.
"Ahm, may gusto ka bang inumin o kainin?"
Bumaling sya sa akin at umiling. "I can handle myself. Ayusin mo nalang ang mga gamit mo."
Tumango ako at tumalikod sa kanya tsaka muling pumasok sa kwarto. Napasandal pa ako sa pintuan nang isara ko ito at bumuntong hininga.
Hindi ko naisip na kilala ako ng hari at ipapatawag pa sa kabisera. At lalong hindi ko kailanman naisip na darating ang araw na aalis ako dito sa bahay na tanging iniwan sa akin ng pamilya ko. Akala ko, mananatili lang ako dito habang ako ay nabubuhay. Pero heto, nangyari ang bagay na hindi ko inaasahan at wala ibang pagpipilian kundi ang sumunod.
Muli akong bumuntong hininga at nagsimula nang ayusin ang mga gamit na dadalhin ko. Sana lang ay maging maganda ang kapalarang naghihintay sa akin sa kabisera.
________
Halos dalawang araw ang itinagal ng byahe namin papunta ng kabisera ng Attila at nag-uumapaw ang paghangang nararamdaman ko ngayong nakarating na kami.
Ang Antlers.
Dito naninirahan ang karamihan sa mayayamang knights. Dito nakabase ang palasyo ng Attila kung saan nakatira ang hari at reyna ng aming mundo, kasama ang labing dalawang pamilyang bumubuo sa konseho ng palasyo na nagsisilbing taga-payo ng aming pinuno.
Ibang-iba ang Antlers sa lugar na kinalakhan ko. Nag-uumapaw kasi ang karangyaan sa buong lugar.
Nagtataasang gusali na gawa sabato. Iba't-ibang establisyemento kung saan nabibili ang mga bagay na wala sa'ming lugar. Mga magagandang pasyalan at naggagandahang tirahan.
Hindi ko akalain na iyong mga bagay na nababasa ko lamang sa libro ay kasalukuyan ko nang nakikita ng harapan.
Tumingin ako kay Zeal. "Hindi ba't sinabi ng hari na dito na ako titira?"
Tumango sya.
"Kung ganoon, kakapalan ko na ang aking mukha." Kumunot ang noo nya na ikinahinga ko ng malalim. Nahihiya man ako pero kailangan kong gawin ito. Hindi ako maaaring maging pabigat sa kahit na sino. "Maaari mo ba akong bigyan ng trabaho? Kahit ano ay makakayanan ko naman."
"Huh?"
"Alam ko ang kaibahan ng buhay sa kinalakihan kong lugar kumpara sa kabisera at hindi ako mabubuhay kung hindi ako magta-trabaho." Minsan nang nanirahan ang magulang ko dito noong kabataan nila at naikwento nila sa amin iyon kaya kahit minsan ay hindi ko inisip na pumunta dito.
"You don't need to work here. Hindi ka pababayaan ng hari dahil sya mismo ang nagpapunta sayo dito." aniya na agad kong inilingan kaya lalong kumunot ang noo nya.
"Hindi ko gustong umasa sa kahit sino gayong may kakayahan akong maghanap buhay. At kahit ang hari ang nagpapunta sa'kin dito, hindi ako makakapayag na saluhin nya ang pangangailangan ko."
Bumuntong hininga sya. "Ang hari ang kausapin mo dyan."
Napakamot ako ng ulo. Kaya nga sa kanya ako nagsabi dahil alam kong hindi ko kakayaning magsalita sa harap ng hari. Iyon ang pinakamataas na nilalang dito sa aming mundo kaya alam kong walang karapatan ang isang tulad kong mababa na kausapin ang isang tulad nya.
Bumuntong hininga nalang din ako at ibinalik ang tingin sa labas ng karwahe. Kailangan ko nga sigurong mag-ipon ng lakas ng loob para magsalita sa harap ng hari. Hayss.
*********
Zeal Brann's Pov
Hindi ko maintindihan kung bakit ginusto ng hari at reyna na makilala ang babaeng ito. Ni wala akong nakikitang espesyal sa kanya, idagdag pa na wala syang kahit anong kapangyarihan.
At sa dalawang araw na nakasama ko sya sa paglalakbay pabalik dito sa kabisera ay nakita ko kung gaano sya kahina at kalampa, though, ibinibigay nya ang makakaya nya upang hindi maging pabigat sa amin.
I am Zeal Brann, 19 years old, nabibilang sa angkan ng mga Brann na syang nangangalaga sa kapangyarihan ng apoy. Ikalawa sa pinakamataas na pamilya sa loob ng palasyo. At ako ang kasalukuyang Knight of Fire.
Nakapasok na ang karwaheng sinasakyan namin sa palasyo nang maalala ang bilin ng hari kaya hinablot ang babaeng katabi ko palayo sa bintana.
Gulat syang napatingin sa akin at akmang magsasalita nang iabot ko sa kanya ang isang pulang cloak.
"Suotin mo. Hindi ka pwedeng makilala ng sinuman sa loob ng palasyo." Sabi ko. "Ang hari at reyna lang ang haharapin mo pagpasok sa loob."
"Ba-bakit naman?"
Nagkibit balikat ako at ibinaling ang tingin sa labas upang magmasid.
Tulad ng bilin ng hari, kailangang manatiling lihim ang pagkikita nila ng babaeng ito dahil posibleng pagmulan ito ng malaking problema. Hindi ko alam kung anong problema pero masasabi kong ikapapahamak ng marami iyon kapag nagkataon dahil bakas ang matinding kaseryosohan sa mukha ng hari nang sabihin nya iyon sa akin.
Isa pa, ito ang unang pagkakataong nagpatawag ang hari ng Knight na walang koneksyon sa labing tatlong pamilyang naninrahan sa palasyo kaya posible itong gawing big deal ng iba. Posible din silang magka-interes sa babaeng ito at baka iyon pa ang ikapahamak nito.
Huminto na ang karwahe kaya muli akong nagmasid sa labas. Nang masigurong walang kahit sinong kabilang sa Royals ang nasa paligid ay agad akong bumaba pagkuwa'y inalalayan kong makababa ang babaeng kasama ko tsaka bumaling sa kawal. "Take care of her things."
Tumango ito pagkuwa'y nagbow tsaka muling sumakay ng karwahe.
Bumaling ako sa babaeng ito na mukhang mas namangha sa paligid kaya't hinawakan ko sya sa kamay at hinila papasok sa palasyo ng hari.
"Hindi ko naisip na makakarating ako dito." sabi nya. "Ang ganda pala. Pero bakit ganun ang pakiramdam?"
Tumingin ako sa kanya. "Bakit? Anong nararamdaman mo dito?"
"Malungkot." Tumingin sya sa'kin. "Parang hindi nakararamdam ng saya ang mga taong nandito o iyong mga pumupunta dito."
Hindi ako sumagot at tumingin sa dinadaanan. Pero tama sya, puno ng kalungkutan ang lugar na ito dahil sa kumpetisyong namamagitan sa labing tatlong pamilyang lihim na nag-aagawan sa trono na kahit ang nasa henerasyon namin ay hindi nakakaligtas.
Dito sa loob ng palasyo, walang matatawag na kaibigan. Magkakalaban ang tingin ng lahat sa isa't-isa. Nagkakasundo lang sila kapag kapakanan na ng mamamayan ang pinag-uusapan. Pero uso din ang plastikan dito.
Nang marating ang bulwagan kung nasaan ang hari at reyna ay agad kong sinabihan ang kawal na nagbabantay kung ano ang sadya ko.
Agad syang pumasok sa loob pagkuwa'y muling lumabas at nilakihan ang pagkakabukas ng pintuan. "Maaari na kayong pumasok. Nasa loob ang Hari at Reyna kasama si Princess Faero."
Tumango ako at hinila na papasok ang babaeng ito.
"Akala ko ba, hari at reyna lang ang haharapin ko?" bulong nito sa akin.
"Baka gusto kang makilala ni Faero." Hindi ako nababahala sa Prinsesa dahil bestfriend ko ang isang iyon. Malaki ang tiwala ko dito at sigurado din namang hindi sya gagawa ng ikapapahamak ng mga magulang nya.