Chapter 13

1248 Words
Chrylei Criox’s Pov   Kahit sinabi ni Decia na huwag ko nang intindihin ang kanyang tinanong tungkol sa kung si Red ba ay si Flame Red na kabilang din sa Kiseki Nine at kakambal ni Snow White ay hindi ko pa din maalis sa isip ko ang posibilidad na iyon.   Pero napapaisip din ako.   Kung si Red nga si Flame Red, bakit kailangan niyang itanggi iyon?   Hindi ba’t isang malaking karangalan para sa isang nilalang ang mapabilang sa tanyag na Kiseki Nine? Pero bakit parang hindi siya masaya sa bagay na iyon?   Isang linggo na din mula nang huling magkausap kami ni Red at muli na naman siyang hindi nagpaparamdam sa akin.   “Chrylei?” Sa ikatlong tawag sa akin ni Faero ay doon pa lamang ako tumingin sa kanya. “Okay ka lang ba? Kanina pa mukhang malalim ang iniisip mo.”   “Isang linggo.” sambit ko na ikinakunot ng kanyang noo. “Isang linggo na namang hindi nagpapakita sa akin si Red at nag-aalala na ako.”   “Isang Thrylos si Red kaya hindi mo kailangang mag-alala sa kanya.” aniya. “Hindi ba’t dapat kang mag-alala sa sarili mo dahil sunod-sunod pa din ang pagtatangka sa buhay mo. At hindi na lamang si Honari ang gustong manakit sayo.”   “Tama.” sabat ni Aimur. “At mas delikado pa ngayon dahil hindi natin kilala o nakikita ang mga nagtatangka sa buhay mo.”   Oo, makailang beses na may nagtatangka sa buhay ko ngunit palagi ko iyong natatakasan dahil sa singsing na aking suot.   Magandang balita iyon ngunit may kaakibat din itong masamang balita at iyon ay hindi kami nabibigyan ng pagkakataong makilala kung sinuman ang nagtatangkang manakit sa akin.   Kung hindi sila nakakaalis agad ay nagagawa nilang makahalo sa mga knights na nakiki-intriga sa nangyayari kaya’t agad silang nakakawala sa aming paningin.   Kahit ang mga puno at halaman na nagkalat sa paligid ay wala ding maibigay na impormasyon sa amin.   At kahapon nga ay kinausap ako ni Decia dahil nabanggit na din sa kanya ni Deccan ang mga nangyayari sa akin.   Ayon sa kanya, ang sinumang naghahangad na malaman ang nakaraan ng Attila ay malalagay sa panganib ang buhay. Para daw itong sumpa na sa oras na lumalim ang kaalaman ng isang knights tungkol sa mga nangyari doon ay patuloy silang hahabulin ng panganib mula sa kamay ng mga hindi nakikitang nilalang.   At iyon ang dahilan kung bakit karamihan sa kanila ay nananatili na lamang sa loob ng research facility at iilan lang sa kanila ang lumalabas upang maghanap pa ng karagdagang kaalaman o bumili ng kanilang mga pangangailangan.   At isang paraan lamang ang alam nila upang matigil ang pagtatangka sa aking buhay.   Iyon ay ang tuluyan kong pagtigil sa pag-aaral ng nakaraan at alisin ang alaala ko tungkol dito na mariin kong tinutulan.   Kaya’t hindi na ako nag-abala pang sabihin ang bagay na ito kina Faero dahil nasisiguro kong sila pa mismo ang pipilit sa aking tigilan ang lahat ng aking ginagawa.   “Napangangalagaan naman ako ng singsing na ibinigay ni Zenia kaya huwag na kayong mag-alala masyado.” sambit ko. “At hindi naman ako napag-iisa sa tuwing narito sa loob ng paaralan.”   Isa pa iyon sa aking pinagtataka.   Nangyayari ang pagtatangka sa aking buhay sa tuwing ako ay narito sa paaralan. Kapag nasa labas naman ako ay walang kapahamakang humahabol sa akin at tahimik pa din akong nakapagta-trabaho at namumuhay ng mag-isa sa aking bahay.   “Hindi natin alam kung hanggang kailan ka mapo-protektahan ng singsing na iyan, Chrylei.” ani Cali. “Walang enerhiya na pinagkukunan ang singsing na suot mo dahil wala kang kapangyarihan kaya posibleng anumang oras ay tuluyang mawalan ng silbi iyan.”   “Tapos kung makaasta ka dyan ay para bang wala kang pakialam kung masaktan ka o mamatay.” Bakas ang matinding pagtatampo sa boses ni Aimur na aking ikinabuntong hininga.   Alam kong nag-aalala lamang sila sa akin. Wala nga naman akong kapangyarihan upang protektahan ang aking sarili sa mga nagtatakang manakit at pumatay sa akin.   Ngunit kailanman ay hindi nila ako nakitaan ng pangamba at takot.   Muli akong bumuntong hininga at tumingin sa kanila.   Sa tingin ko ay nararapat na nilang malaman ang isang dahilan kung bakit ganito na lamang ang aking reaksyon sa mga nangyayari sa aking buhay.   “Hindi ako ang unang knights na walang kapangyarihan.” sambit ko na ikinakunot ng noo nila. “Wala ding kapangyarihan ang aking ama at marahil ay sa kanya ko namana ang ganitong sitwasyon.”   “Anong kinalaman niyan sa pinag-uusapan natin?” takang tanong ni Faero.   “Nais kong ipaalam sa inyo na ang mga tulad kong knight na walang kapangyarihan ay may limitadong buhay lamang.”   Nanlaki ang kanilang mga mata.   “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Aimur.   “Nabubuhay kami ng hindi lalagpas ng tatlumpung taong gulang lamang. Iyon ay kung wala kaming panganib na kahaharapin sa buhay namin” sabi ko. “Ang pinakamababang edad na natatamo ng tulad ko ay edad na dalawampu.At isa ito sa dahilan kung bakit hindi ko masyadong pinagtutuunan ng pansin ang mga panganib na aking kinakaharap dahil tanggap kong anumang oras mula ngayon ay maaari na talaga akong mamatay.”   “Chrylei!” sigaw ni Faero.   Malungkot akong ngumiti at yumuko. “Patawad kung ngayon ko lamang sinabi ito sa inyo ngunit ito ang kapalaran ng mga tulad kong knight na walang kapangyarihan. At dahil limitado lamang ang buhay na mayroon ako ay hindi na ako nag-aabala pang isipin ang panganib na nangyayari sa akin ngayon at pinagtutuunan ko na lamang ng pansin ang mga bagay na nais kong gawin para sa mga natitira kong oras sa mundong ito.”   “Alam mo ba ang tungkol sa bagay na ito, Zeal?”   Naiangat ko ang aking ulo at bumaling kay Zeal na nakahiga sa damuhang hindi kalayuan sa amin.   “Zeal!”   Bumangon ito at tumingin sa amin pagkuwa’y tumango. “Nabanggit ng iyong ama ang tungkol sa bagay na iyon kaya’t hiniling niya na protektahan ko si Chrylei ngunit siguraduhin kong hindi ako magiging abala sa mga bagay na nais niyang gawin.”   “Bakit hindi mo sinabi sa akin?” galit na sigaw ni Faero. “I have the right to know that!”   “Yes, you have the right but we all know what you will do if we told you this before.” Inis na ginulo ni Zeal ang kanyang buhok. “You will lock her up para masiguro lang na hindi siya mapapahamak. And you know that it is not going to work this time.”   “And why is that?”   “She will still die when she reaches thirty year old!” sigaw nito. “Are you going to let her die full of regrets because she didn’t get the chance to do what she wanted? Are you that selfish to let her die like that?”   Hindi nakapagsalita si Faero.   “If you are really her friend, you will give her what will make her happy.” Tumayo si Zeal pagkuwa’y ginulo ang kanyang buhok. “Not what you wanted for her.” At tuluyan itong umalis ng garden.   Minsan napapaisip ako.   Ano nga ba talaga ang dahilan kung bakit dinala ako ng aking tadhana sa lugar na ito?   Kung gayong magiging pansamantala lang pala ang aking magiging papel sa buhay ng mga nilalang na ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD