Chapter 12.c

1230 Words
Chrylei Criox’s Pov   “Kasalanan ko ito.” mahina kong sabi habang nakakuyom ang aking mga kamao. Dahil sa pambabalewala ko sa mga sinasabi ni Faero ay maaari pa siyang mapahamak.   “It is not your fault so stop blaming yourself.” ani Red. “Isa pa, hindi mo din kailangang mag-alala masyado dahil hangga’t walang nakakaalam kung sino ang may hawak ng mga kapangyarihang iyon ay mananatiling ligtas ang kaibigan mo.”   “Pero hindi imposibleng malaman nila kung sino ang nagtataglay nito.”   Umiling siya. “Ang kapangyarihan ng shield ang pinakamahirap mahanap dahil hindi ito basta nakikita ng mga mata. At posibleng kahit ang nilalang na may hawak nito ay hindi din aware na nasa kanya pala ang pinakamalas na kapangyarihan dahil wala itong senyales na ipinapakita.”   “Kung ganoon ay paano mo nalaman na muli nang nagising ang kapangyarihan na iyon?”   Ngumiti siya. “I already told you, nabuhay ako noong panahong nabubuhay din si Snow White. At ang kapangyarihan ng mga Thrylos na tulad ko ay may koneksyon sa isa’t-isa kaya nalalaman namin kung sino pa sa amin ang nananatiling buhay hanggang sa panahong ito.”   “Eh?”   Tumangu-tango siya. “Isa iyon sa iniwan ni Snow sa amin.”   “Si Snow White pa din?”   “Higit siyang maraming nagawa para sa mundong ito na hindi alam ng nakakarami.” aniya. “Bago siya tuluyang maglago sa mundong ito ay siniguro niya na hindi basta-basta masisira ang kapayapang kanyang pinagbuwisan ng buhay.”   Tila nadagdagan ang nararamdaman kong paghanga kay Snow White dahil sa mga dagdag kaalaman na aking nakukuha.   Ngunit kasabay noon ay nakakaramdam na din ako ng matinding kalungkutan.   Tila buong buhay niya ay ibinigay niya para sa kaligtasan at kapayapaan ng Attila ngunit pilit na siyang binubura sa kasaysayan.   Muli akong napatingin kay Red. “Paano ka nga pala nakapasok dito?”   “Ah, hindi ba nasabi ni Decia sayo na isa ako sa tumulong sa kanya upang makakuha ng impormasyon tungkol sa Kiseki Univeristy?”   Nanlaki ang aking mga mata. “Eh?”   “Red!”   Napalingon kami sa pintuan at nakita si Decia na palapit sa amin.   “Kanina pa kita hinahanap.” sambit nito nang tuluyang makalapit pagkuwa’y bumaling sa akin. “Nagkita na pala kayo.”   “M-magkakilala kayo?” tanong ko na pareho nilang tinanguan.   “Si Red ang nagbibigay ng impormasyon tungkol sa Kiseki University na hindi nababanggit sa mga libro.” ani Decia. “Siya din ang nagbibigay ng mga libro at listahan na iyong makikita sa kabuuan ng pasilidad dahil may mga ilan siyang naitabi noon bago tuluyang mawasan ang isla.”   “She is also the grandchild of Thrylos.”   Hindi ko alam kung ilang beses akong mabibigla sa mga impormasyong aking nalalaman.   Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi lang ako ang nag-iisang nagulat Dahil maging si Decia ay nanlaki din ang mga mata matapos marinig ang sinabi ni Red.   “A-anong ibig mong sabihin?” tanong ni Decia at hinawakan ang balikat ni Red. “Bakit ngayon mo lang nabanggit ang tungkol doon?”   “Ah!” Napakamot ng ulo si Red at nag-iwas ng tingin. “Ngayon ko lang ba nabanggit?”   “Red!”   Tumawa lang si Red at ginulo ang buhok ni Decia. “Your grandfather said not to tell you anything as long as he is alive so I kept quiet about it. And I mention it now because he is no longer here.”   “Pero wala sa kahit anong libro ang pangalan ni Lolo.” sabi nito.   “He used a different name to hide his true identity because if the Elders knew about him, they will surely do everything to use him in every possible way.”   “Kung ganoon, ano ang tunay niyang ngalan?” singit ko.   Bumaling siya sa akin. “Knight Santillan.”   “Oh my god!” Hindi makapaniwala si Decia sa narinig. Napabitaw ito kay Red at napaupo sa sahig. “I am actually related to Knight Santillan? The knight who fought alongside Snow White. The man who fought for the peace of Attila. The knight loves the Heartless Snow White with all his heart.”   “Hindi ba’t naging kasintahan ni Snow White si Knight?” sabi ko. “At sinabi mo noon sa akin na namatay din ito noon.”   “I did say that he died but not physically.” sabi ni Red. “He is alive physically but the Knight that I know is long gone together with Snow White.”   “So that is the reason why he is cold and couldn't express any emotion.” sambit ni Decia. “And he really never showed his love to my grandmother.”   “They just got married and had a child for the sake of the Luft clan.” dagdag ni Red. “They both really don’t love each other.”   Hindi ko inakala na ganito pala kakumplikado ang naging buhay ng isa sa Kiseki Nine.   “Kung ganoon, may miyembro pa ba ng Scared Cross ang nabubuhay sa panahong ito?” tanong ni Decia. “Kung mayroon, sino-sino?”   “Laira, Dream, Nightmare and Flame.” ani Red. “But just like Knight, they also became cold and they chose not to socialize with others. They live in secluded places where no one will ever find them.”   “And the rest? Do they also have any connection with the royal family?”   “Aside from the Luft clan, Jord, Natur and Vanne clan all originated with the members of Sacred Cross.”   Ang apat na angkang iyon ay nananatiling nasa panig ng mga Initia. Hindi kaya dahil alam nilang kabilang sa Kiseki Nine ang kanilang pinagmulan?   “Akala ko ay namatay ang lahat ng miyembro ng Sacred Cross.” ani Decia. “They are just dead figuratively. But they still live with different identities to make sure that the peace and quiet word that Snow White created will never destroy.” ani Decia at sinimulang isulat ang kanyang nalaman ngayon.   “Well, iyon nalang naman kasi ang magagawa namin bilang kapalit ng hinaharap na ibinigay sa amin ni Snow.” Kita ko ang matinding kalungkutan sa mga mata ni Red ngunit agad din akong napakunot noo nang aking mapansin ang huli niyang sinabi.   “Namin?”   Napatingin sila sa akin.   “Isinama mo ang iyong sarili, ibig sabihin ay--”   “Nope.” Mabilis niyang sabi at agad nag-iwas ng tingin sa akin. “Kung anuman ang tumatakbo sa isip mo, mali iyon. Mali ka lamang ng intindi.”   “Pero--”   “Quit it, Chrylei.” madiin niyang sabi. “I said you are wrong.” Tinalikuran niya ako at naglakad palabas ng silid.   “Alam mo ba…” Bumaling ako kay Decia na ngayon ay nakatingin na din sa akin. “Inisip ko din na kabilang siya sa Kiseki Nine ngunit lagi niyang sinasabi na hindi at mali ang aking iniisip. Pero pansin mo din naman na sa tuwing mababanggit ang sinuman sa kanila ay labis ang lungkot na makikita sa mga mata niya.”   Tumango ako. “Pero higit kong nakikita ang lungkot na iyon sa tuwing mapag-uusapan namin si Snow White.”   “Tingin mo ba ay siya si Flame Red?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD