Iyong 'I love you' ni Rusca ay parang sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig sa isip ko kahit saan ako magpunta kaya tuloy hindi matapos-tapos iyong nararamdaman kong kilig. Kahit nasa klase ako ay bigla na lang akong napapangiti nang walang dahilan sabay pangingisay tuwing naalala ko ang sinabi niyang iyon. Talo ko pa ang sinasapian habang parang kinikiliti! Iba pala talaga kapag ako na ang recipient nang gano'ng mga pahayag dahil nakakapanghina pala iyon ng mga tuhod at mapapalupasay ka na lang sa pinaghalong mga emosyon na hindi ko na nga maipapaliwanag ay wala pang paglalagyan. Kahit nga nasa CR ako ay biglang nag-iiba ang paligid na parang may flowers-flowers katulad no'ng sa mga anime na nakikita ko sa TV. Magpopopo na nga lang ako pero kinilig pa! Ilang beses na akong nabat