Mukhang matutupad ang planong overnight dito sa katapat na isla ng resort ng pamilya Carson. Tulong-tulong ang lahat sa paghahanda kaya siguradong wala nang makapipigil sa plano. May mga itinayong tent ang mga lalaking Carson. Kalimitan sa mga sumama ay iyong mga pinsan lang din nina Rusca at Migoh. Iyong mga may asawa ay piniling manatili sa resort. Ang triplets ang pasimuno ng lahat at kahit mas bata pa ang mga ito kumpara sa mga pinsan nilang narito ay nakikita kong maayos nilang nagampanan lahat. Nakakatuwa na hinati-hati na nila kaming lahat , mayroong nakatalaga para sa pangunguha ng panggatong para sa bonfire at iyong iba ay naghahanda ng mga pagkain. Meron din iyong nag-aayos ng mga tutulugan na tent. Napasama ako sa grupo nina Rusca at Migoh na mangunguha ng mga panggatong. Si