Chapter 8 - Wine

1614 Words
Si Samuel ang nagmaneho ng sasakyan ni Shalanie patungo sa Artist’s Studio Restaurant. Excited at masayang-masaya si Samuel dahil makakapasok na siya sa naturang restaurant. Noon pa niya gustong kumain doon pero gusto niya ay may kasama siya. Pagdating nila roon ay sinalubong sila ng manager ng restaurant. Nag-usap si Shalanie at ang manager. Base sa pag-uusap nila ay mukhang matagal nang magkakilala ang mga ito. Habang nag-uusap ang mga ito ay nawili siyang pagmasdan ang buong restaurant. Ngayon ay napagtanto niya kung bakit sikat ang restaurant na iyon. “Boss, kilala n’yo pala ang manager dito?” tanong niya nang makaalis ang manager. “Oo. tara, sa second floor tayo,” tipid na sagot nito at nauna ng maglakad at umakyat patungo sa second floor. Sumunod siya rito at inalalayan ito sa pag-akyat. Medyo may kataasan ang suot nitong heels pero mukhang sanay na sanay ito at hindi man lang nahirapan. Muli siyang nagpalinga-linga sa buong lugar. Talagang napakaganda ng restaurant na ito. Namangha siya sa interior sa ground floor pa lamang at nang makaakyat siya ng second floor ay mas humanga siya sa interiors ng second floor. Pakiramdam niya ay nasa Art gallery siya. May mga painting ng mga sikat na pintor. Mahilig siya sa art kaya gusto niyang mapuntahan ang lugar na ito. At ang maganda pa doon ay kasama niya si Shalanie. Lumarawan ang magandang ngiti sa mga labi niya. Sa mesang malapit sa masterpiece ng Italian mannerist painter from Florence na si Angolo Bronzino ang An Allegory with Venus and Cupid sila pumuwesto. “Para ganahan kang kumain,” sabi ni Shalanie matapos nilang maupo. Bahagya rin itong ngumiti. “Gustong-gusto ko ang painting na iyan,” sabi naman niya kay Shalanie. Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na ikuwento ang nalalaman niya tungkol sa mga painting ni Angolo Bronzino. Hindi inaasahan ni Shalanie na mahilig pala sa art si Samuel. Hindi naman kasi ito halata sa kanya. Kaya pala mapilit ito na doon sila kumain. “Ikaw, Boss. Kilala mo rin ba si Angolo Bronzino?” “Oo,” tipid na sagot nito. “Ang ibig sabihin mahilig ka rin sa Art.” “Medyo.” bahagya itong ngumiti. Tumango-tango naman siya. “May Ex-boyfriend was very devoted to Bronzino’s works,” kuwento nito. “Wow, that’s news.” Nagulat si Samuel dahil hindi niya inaasahan iyon. “Six years ago na rin pala ang nakalipas.” “Kung gano’n, six years ago pa ang huling pakikipagrelasyon mo, Boss. Matagal ka na palang single and available.” Nagkibit balikat siya. May kung anong saya naman sa damdamin ni Samuel. “Masyado akong naging busy para pagtuunan ng panahon ang love life. May mga nakaka-date rin naman ako pero masyado atang mataas ang standards ko. Minsan naman ang iba ay umaatras na kapag nalalaman nila ang reputasyon ko. I don’t know if that’s a good or bad thing. Sometimes, being an achiever has its own disadvantages especially with the kind of society we have,” mahabang paliwanag nito. Dumating ang waiter at hiningi ang order nila. Ang waiter na ang kinausap nito. Sinabi nito ang order nito ng hindi na tumitingin pa sa menu book. Kabisado na kasi nito ang mga pagkain dito. “How about you, Sir?” tanong naman ng waiter kay Samuel na hindi pa nakakapili ng kakainin niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang masarap na kainin sa lugar na iyon. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang menu book bago lumipat ng tingin sa waiter. Ngumiti siya rito at sinabi ang order niya. “Give me, pasta, and spicy chicken, please.” Tumango ang waiter. Nilingon niya si Shalanie at nahuli niya itong nakangiti habang nakatingin sa kanya. Bigla naman nitong sinupil ang ngiti nang makitang nakatingin siya at muling bumaling sa waiter. “Please also add cheesy potatoes,” sabi niya sa waiter. Tumango naman ang waiter at yumukod bago tumalikod na sa kanila. Habang hinihintay nila ang order nila ay nilagyan sila ng waiter ng tubig at lemon tart sa kanilang lamesa. Hindi niya maiwasang pagmasdan si Shalanie habang kumakain ito ng lemon tart. There was something sexy about the way she bite the pastry. Ngayon ay alam na niya na sa likod ng tough exterior na ipinapakita nito ay nagtatago ang isang vulnerable na babae. Bukod doon ay malambot din ang puso nito sa mga nangangailangan. Nalaman niya noong isang lingo na palagi itong nagtutungo sa isang orphanage kapag may libreng oras ito. Shalanie may be intimidating judging from her looks, intelligence, and accomplishments, pero sa tagal ng pagsasama nila sa trabaho ay unti-unti niyang natutuklasang hindi ito kasing sama ng inaakala ng karamihan. Lahat kasi ng mga empleyado sa MWSI ay tinatawag itong terror. Dahil iyon ang tingin dito ng mga ito. “Excuse me, magre-restroom lang ako,” paalam ni Shalanie kay Samuel. Nang tumayo ito ay napatingin sa kanya ang lahat ng tao na naroroon. Kapansin-pansin kasi ang tangkad nito. Hindi pangkaraniwan sa isang Pilipina ang may taas na six feet. Nakadagdag pa suot niyang heels. Siya man noong makaharap ito sa job interview ay nagulat siya sa tangkad nito. At talaga namang angat ang ganda nito. Nang makabalik si Shalanie mula sa restroom ay ilang minuto pa silang naghintay bago isinilbi ang mga in-order nilang pagkain. Magana silang kumain. Panay ang puri ni Samuel sa mga pagkain dahil masarap daw ang lasa ng mga ito. Pati na rin ang ambiance ng lugar ay pinakapuri-puri niya. Talagang nagustuhan niya roon. “Next time, ikaw naman ang ililibre ko, Boss.” “Tatandaan ko rin iyan. Sa isang Grilled restaurant.” “Sure.” Itinaas ni Shalanie ang baso at nakipag-toast ito kay Samuel. Nagulat siya pero hindi niya ipinahalata dahil ito pa mismo ang nag-alok ng toast. Um-order ito ng isang bote ng red wine at iyon ang kanilang iniinom habang kumakain sila. “May gusto ka pa bang kainin? Gusto mo pa akong um-order?” maya-maya ay tanong ni Shalanie. “Wala na, Boss.” Tumangi na siya dahil sobrang busog na siya. Pakiramdam niya nga ay maiimpatso na siya sa dami na ng nakain niya. Napakasarap kasi talaga ng mga pagkain. Lahat ng putahi ay panalo. Nakadalawang order nga sila. “Boss, hinay-hinay lang sa pag-inom. Magda-drive ka pa pauwi. Saka may pasok pa tayo bukas kaya bawal tayong malasing,” pag-awat ni Samuel kay Shalanie. Nakalahati na kasi nito ang bote ng red wine. “Di ‘wag tayong pumasok,” dipensa naman nito kaagad kay Samuel. Sinalinan pa nito ng wine ang baso ni Samuel. “You know what, Samuel, this is the first time I’ve ever felt so light and unburdened during dinner. Because this isn’t a business dinner nor a dinner date. I really enjoy your company, Samuel. Bihira kong maubos ang pagkain ko tuwing dinner dahil parati akong walang gana. Siguro dahil na rin sa pagod at stress. Pero ngayon, isang himala yata. Ang sarap mo pa lang kasabay sa pagkain. Alam mo, hindi ako sanay sa tension-free pero gusto kung maulit ang ganito,” nakangiting ani ni Shalanie habang nakatitig kay Samuel. Halata sa mukha nito na masaya ito. Ngunit ramdam din ni Samiel na may tama na ito ng wine na iniinom nito. Tinunga nito ang wine na laman ng baso nito at nagsalin muli ng panibago. Talagang balak nitong ubusin ang wine na iyon. “S’yempre naman mauulit pa ito, Boss. Sa ngayon tama na muna yang pag-inom.” Inagaw na niya ang bote kay Shalanie ng muli na naman itong magsalin sa baso nito. Kaagad nitong ininom iyon. “Okay na? Magbabayad na ako.” Sinenyasan na nito ang waiter para ibigay ang bill nila. Hindi man lang iyon sinulyapan ni Shalanie o tiningnan man lang ang bill nila. Iniabot kaagad nito sa waiter ang credit card nito. Ilang sandal silang naghintay bago bumalik ang waiter at ibinalik ang credit card nito. Pagkatapos itabi sa bag ang credit card ay tumayo na si Shalanie. Naalarma naman si Samuel ng bigla itong gumewang. Mabilis pa sa alas-kwatro na tumabi siya rito at inalalayan ito. “Ihahatid na kita, Boss. Hindi ka p’weding mag-drive sa lagay mo,” alok niya dahil sa pag-aalala dito. Hindi niya maaring pabayaan itong umuwi mag-isa sa ganoong sitwasyon. “Okay,” sagot naman nito kaagad. Inakay niya ito sa pagbaba ng hagdan. Pagbaba nila ng restaurant ay may babaeng Canadian ang sumalubong sa kanila. “You’ve got a hot date, friend.” “Of course. You know my taste. Only the best for me.” Hindi alam ni Samuel kung seseryosohin o hindi ang sinabe ni Shalanie. Hindi rin niya alam kung ikatutuwa niya iyon o hindi. Minabuti niyang huwag na lang pansinin ang mga sinabi nito. Nagpaalam na siya sa babaeng Canadian na hindi niya nalaman pa ang pangalan at inalalayan na niya si Shalanie na makalabas ng restaurant. Siya na rin ang nagsukbit ng shoulder bag na dala nito. Pagdating nila sa sasakyan ay hiningi niya ang susi nito kay Shalanie. Inalalayan niyang makasakay si Shalanie sa loob ng sasakyan bago siya naman ang sumakay. Mabuti na lang din at hindi niya dala ang sasakyan niya. Saglit niya itong sinulyapan. Ganito pala ang boss niya kapag nakakainom. Pinaandar na niya ang kotse pero pinigilan siya nito. Pinindot nito ang GPS screen. “Para hindi tayo maligaw. Thank you for being a gentleman tonight. You know what, I can take care of myself. It’t just that---” naputol ang sinasabi niya. Nang tingnan ito ni Samuel ay nakapikit na ito habang nakasandal ang ulo sa bintana ng sasakyan. Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang sandalan ng upuan upang maging komportable ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD