Chapter 7 - Promise

1600 Words
Natuwa si Shalanie nang dumating sa MWSI si Don Roberto. Nagbakasyon ito sa U.S. nitong nakaraan lang at ngayon naman ay dito sa Toronto. Sa tuwing naririto ito ay siya agad ang hinahanap nito. Nang ipinatawag siya nito sa opisina nito ay kaagad din siyang nagtungo doon. Magiliw niya itong binati nang makapasok siya sa loob ng opisina. Masaya rin naman ang matanda ng makita siya nito. Umupo sila sa couch at inaya siyang magkape. "Kumusta po kayo?" "Mabuti naman, hija." Nagulat siya na walang masyadong kinalaman sa trabaho ang pinag-usapan nila. The old man did most of the talking. Tungkol sa biyahe nito sa U.S. ang ikinuwento nito. Ang mga lugar na pinuntahan niya at ang mga kinainan niya na talagang nagustuhan niya. Bakas sa mukha nito ang saya habang nagkukwento at halatang nag-enjoy ito nang labis sa pagbabakasyon niya roon. “Mukhang nag-enjoy kayo sa bakasyon n’yo, Sir. At mukhang nakatulong sa inyo ang pagbabakasyon,” masayang wika niya. May edad na rin kasi ito at kailangan din nito ng bakasyon lalo't mag-isa na lang siya sa buhay. “That’s true. How about you? How are you? You look better than the last time we meet,” puna naman sa kanya ni Don Roberto. Ngumiti ang matanda. Halatang gusto nito ang anyo ng mukha ni Shalanie sa ngayon. Kung dati rati kasi ay laging mabigat ang anyo niya. Ngayon ay parang gumagaan na. Ngumiti rin siya rito. “I follow a healthy diet these days,” sagot naman niya rito. Nakatulong sa kanya ang complete bed rest na ipinayo ng doctor. At ganoon din ang healthy diet na itinuro sa kanya ng kanyang dietician para mabalik sa normal ang kanyang katawan. Importante kay Shalanie ang trabaho niya kaya wala siyang oras para magpahinga pero ginawa niya iyon dahil na rin sa pamimilit ni Samuel kanya. Sa tingin naman niya ay nakatulong iyon ng labis sa kanya. “Sa makalawa na pala ang farm visit mo. Ikaw talaga ang gusto kong pumunta doon.” Natawa ito. “So I’ll be seeing you again and this time not in a business suit.” “Yes, Sir.” Nakangiti niyang tugon. Humigop siya ng kape. “Pupunta ka roon kasama ang assistant mo, ‘di ba?” tanong ng matanda. Tumango siya. “Baka kailanganin ko ang serbisyo niya kaya isasama ko siya. That guy is totally helpful. Makatagal pa sana siya sa akin.” Hindi lingid kay Don Roberto ang hindi nila pagkakasundo ng mga dating assistant niya. Lagi niyang sinisisante kahit kaunting mali o may hindi siya nagustuhan sa mga ito. Si Samuel lang talaga ang tumagal sa kanya. “You seem to like him a lot.” Hindi kaagad siya nakapagsalita. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang pisngi at nakaramdam siya ng kakaibang kaba lalo na nang bigyan siya ng makahulugang tingin ni Don Roberto. Hindi niya alam ang isasagot niya rito. “You must admit guwapo ang assistant mo, hija,” wika pa nito. Ngumiti siya. “Totoo naman ‘yan, Sir. But I like him in a strictly professional way,” pag-amin niya ngunit kaagad din siyang dumipensa. May parte ng isip niya na nagpoprotesta dahil sa sinabi niyang iyon. Napaisip tuloy siya kung gusto na ba niya si Samuel. Hindi naman siguro. Nginitian siya ni Don Roberto na tila nauunawan siya nito. Sinabi niya sa kanyang sarili na huwag seryosohin ang panunukso ng matanda. Imposible naman na may iba pang ibig sabihin ang ngiti nitong iyon. Pero bakit hindi niya magawang kumbinsihin ang sarili? “Nasaan nga pala siya?” tanong pa ni Don Roberto. Hindi pa kasi nito nakikita si Samuel buhat ng dumating siya. Pinapunta niya si Samuel sa isang business event. Sinabi niya ito kay Don Roberto at sinabi rin niya na para daw masanay na si Samuel na makihalubilo sa mga kapwa negosyante na nakakahalubilo ng MWSI. “Kung gano'n, mahusay ang ginagawa mong pagsasanay sa kanya,” papuri ng matanda. “It’s because I feel there are bigger things in store for him. Alam ko at nararamdaman ko na malayo pa ang mararating niya kapag umalis na siya rito. O kapag sinesante ko na siya,” sagot niya. Biro lang sana iyon ngunit lumabas na mukhang seryoso. Bigla ay nalungkot siya sa isiping aalis ito ng kompanya. Bakit ba kasi niya naisip ang bagay na iyo? “Gusto mo ba talaga siyang paalisin?” seryosong tanong ni Don Roberto sa kanya. Hindi pa siya nakasasagot nang magsalita itong muli. “Sa tingin ko ay mas bagay sa ’yo ang lalaking assistant. Look at Samuel. He can keep up so well with your pace. Besides, I think he also enjoys chasing after your strict standards.” Nagsalubong ang mga kilay ni Shalanie. Sa tono kasi nang pananalita ng matanda ay parang nakakausap nito ang assistant niya. Nakakapagtaka din na interesado ito sa pakikitungo niya sa assistant niyang si Samuel. Gusto niya tuloy itanong kung ano ba ang nais nitong ipakahulugan sa mga sinabi nito? Ano bang may roon ang assistant niya at nakukuha nito ang atensiyon ng lahat na yata ng tao sa MWSI? It was annoying to her. “Hindi ko naman hawak ang isip ni Samuel. P’wede siyang umalis kahit kailan man niya gustuhin. Hindi ako makikialam sa bagay na iyon.” Nagkaroon ng kaseryosohan sa mukha at tinig niya. May kung ano sa damdamin niya na kumukontra sa mga nais niyang sabihin patungkol sa pag-alis ni Samuel. Inubos na niya ang kanyang kape bago nagpaalam na sa matanda. "Kailangan ko na pong umalis, marami pa po akong tatapusing trabaho." "Sige, hija." Kaagad na siyang tumayo at nagbigay galang. Hindi na niya kaya pang magtagal sa usapan nilang iyon. Nagdahilan na lamang ito na may tatapusin pang trabaho. Nagmadali na siya sa paglalakad palabas ng opisina nito. Nakahinga siya ng maluwag nang makalabas siya. Pakiramdam niya kanina ay may mga bumara sa kanyang lalamunan na hindi niya maintindihan. Hindi niya yata kaya ang isiping aalis si Samuel. Kung aalis man ito. Nagtungo siya sa elevator. Ilang minuto siyang nakatayo roon. Puno ito nang bumukas ang pinto kaya nagpasya siyang maghagdan na lamang. Nagulat naman siya nang may biglang tumawag sa kanya habang bumababa na siya. Paglingon niya ay nasa likod na niya si Samuel. Napasapo siya sa kanyang dibdib sa gulat. Biglang bumilis ang t***k ng kanyang puso. Hindi niya inaasahan na makikita siya nito rito. “Sabay na tayo, Boss,” sabi nito. Pinakalma niya ang sarili. Binagalan niya ang paghakbang pagbaba para makasabay ito sa kanya. Sinabi ni Samuel sa kanya na kanina pa ito nakabalik mula sa business event na dinaluhan nito. “So, saan ka galing niyan?” tanong niya. Baka nagbulakbol na naman ito at namasyal sa ibang floor. “May inihatid lang akong mga papeles sa opisina ni Don Roberto. Nagmamadali kayo kaya hindi n’yo ako napansin,” paliwanag nito. Sinabi rin nito kung anong mga papeles ang dinala nito sa opisina ni Don Roberto kahit hindi naman niya tinatanong. “S’ya nga pala, Boss. Mamayang gabi na ang lakad natin,” masayang ani ni Samuel kay Shalanie. “Natin?” napakunot ang noo niya dahil sa narinig. Wala siyang matandaan na may lakad sila. Ngumisi naman si Samuel nang humarap siya dito. “Nakalimutan mo na ba iyong ipinangako mo sa akin?” Saglit na napaisip si Shalanie. Hindi niya maalala ang sinasabi ni Samuel. Wala talaga siyang natatandaan na may ipinangako siya rito. Napamaang siya. “Ano’ng ipinangako ko sa iyo?” takang tanong niya. “Nakalimutan na nga talaga. Katapusan ngayon ng buwan, Boss. Ililibre mo ako ng dinner sa Artist’s studio ngayon, hindi ba?” Napatango naman siya nang malala iyon. Nakalimutan na nga talaga niya iyon. Hindi niya kasi naisip na siseryosohin iyon ni Samuel. “Seryoso ba ‘yon?” Tumango ito. “Parang ang boring naman ng restaurant na iyon. P’wede bang sa ibang restaurant na lang tayo pumunta? Sa isang grill restaurant kaya. Parang masarap ngayon mag-grilled steak,” suhestiyon niya rito. “Hindi pa ako nakakakain sa Artist’s studio. Balita ko doon kumakain ang mga negosyante. Gusto ko lang sanang i-try doon. Sa susunod sa lingo na lang tau mag-grill restaurant,” sagot naman nito. Mukhang doon talaga nito gustong kumain at wala siyang magagawa. Ayaw sana niya doon dahil madalas na niya iyong pinupuntahan at gusto niya ay sa ibang lugar naman. “At talagang may next time pa?” Umismid siya. Ayaw man niya pero hindi niya mapigilang matawa. “Oo, naman, Boss.” Nakangisi na naman ito. Napailing siya. “Talagang hindi mo nakakalimutan ang pangako ko, a.” “Syempre naman, Boss. Kailangan tinutupad ang mga pangako. Masama kapag sumisira tayo. Hindi lang tayo basta trabahador kundi negosyante na din tayo.” Totoo ang sinabi nito. Hindi lang sila basta empleyado ng kompanya dahil isa rin silang negosyante. Mas may paki pa nga ata sila sa kompanya kaysa sa may mas mataas na posisyon kaysa sa kanya. Siya na halos ang pumupunta sa mga business meetings at kung ano-ano pa. Sa makalawa nga ay farm visit naman ang pupuntahan niya. Sa totoo lang, trabaho talaga iyon ng Chief Operating Oficer ngunit napupunta sa kanya ang lahat ng trabaho nito na hindi naman niya magawang magreklamo. Finance department ang hawak niya kaya dapat ay kaperahan lang ng kumapanya ang tinatrabaho niya. Iyon na talaga siguro ang tadhana niya at kailangan na niyang tanggapin iyon dahil napamahal na rin talaga sa kanya ang kumpanya. Inismiran uli niya ito. “Oo na. ililibre na kita ng dinner sa restaurant na gusto mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD