Chapter 4 - Bottle of perfume

1819 Words
“Cleared na ang sales report na ito.” Kinuha ni Shalanie ang folder kay Arah. Apat na oras na silang nasa loob ng library nang unit ni Shalanie. Nasa ikalawang palapag ito at katabi lang ng kuwarto niya. Batid niyang pagod na rin ang mga kasama niya mula sa maghapong trabaho at ngayon nga ay apat na oras na silang nag-o-overtime. Dahil wala na silang time pa na magluto ay nagpadeliver na lamang siya ng pagkain para sa hapunan. Sandali lang din silang kumain at muling bumalik sa trabaho. Sinulyapan niya si Samuel na nakaupo sa couch at abala sa pagtitipa sa laptop. Inutusan niya itong review-hin ang financial report ng kompanya. Nagpatay malisya siya at hindi pinansin ang pagbubulungan ni Samuel at Arah na kung bakit ito lang ang pinag-OT niya. Nagkukunwari siyang walang ano mang naririnig. Itinuon niya ang sa sarili sa ginagawa. Ang mga ito lang kasi ang pinagkakatiwalaan niya at alam niyang magagawa ng mga ito ang trabaho nila ng maayos kumpara sa iba. Hindi naman na niya iyon kailangang ipaliwanag pa sa dalawa. Habang abala silang lahat ay may biglang tumawag kay Samuel. Nagpasintabi ito at sinagot ang tawag na iyon. Bahagya itong lumayo ng kaunti. “Hello, Ma. I’m sorry po, Ma. Hindi talaga ako pinayagan. Promise, Ma, bukas bago magtanghali ay nasa bahay na ako. Kumusta kayo d’yan nila aunti? Talaga? Sila ang nagluto?” masayang pakikipag-usap ni Samuel sa kanyang ina. Pasimpleng tumingin si Shalanie sa gawi ni Samuel. Nakita niya itong nakangiti. Sobrang ganda ng mga ngiti nito. Parang gusto rin tuloy niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili. Nagkunwari na lamang siyang hindi aware sa pakikipag-usap nito sa cellphone. Nagkunwari din siyang hindi niya napansin na lalo itong gumaguwapo kapag nakangiti ito. Kailan pa ba niya napansin na guwapo si Samuel? Nababaliw na naman siya. Ipiniling niya ang kanyang ulo at bumaling siya kay Arah na kasalukuyang nakaupo sa couch at abala naman sa harap ng mga paper works. Bigla naman niyang narinig ang pagtawa ni Samuel. “Huwang ninyong kalimutang tirhan ako ng paburito ko. Sure ako, Ma, na magugustuhan mo ang regalo ko sa iyo. Happy birthday, Ma. Naku, imposible yan. Napaka-busy n’ya, kaya wala iyong time kahit na imbitahin pa natin siya. Hindi s’ya pupunta, sure ako d’yan. Masungit nga siya parang isang tigre pero baliwala iyon sa akin, kayang-kaya ko iyon.” Tumawa na naman si Samuel. Hindi ata siya aware na napapalakas ang boses niya at rinig na rinig iyon ni Shalanie. Pakiramdam naman ni Shalanie ay nananadya ito. Naisip din niya kong siya ba ng pinag-uusapan ng mga ito. “Hoy, Sam! Kung makatawa ka naman diyan wagas, parang wala ng bukas,” sabad ni Arah. Lumingon naman si Samuel at ngumiti kay Arah. “Ma, may ipapakausap ako sa iyo. Kasama ko nganyon mag-overtine. Babati rin siya sa inyo.” Kaagad na niyang ipinasa ang cellphone kay Arah. Pagkatapos ay naupo ito sa couch na malapit kay Arah. “Hello, mother po ba ito ni Sam? Happy birthday po. Ako po si Arah ang magandang officemate ni Sam at soon to be daughter in law po ninyo.” Tumawa si Sam sa sinabi ni Arah. Eksakto naman na napatingin ito kay Shalanie. Nagtama ang mga mata nila. Biglang naging abnormal ang t***k ng puso ni Shalanie. May kung ano siyang naramdaman na hindi niya mawari. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin kay Samuel. Hindi niya alam kong ano ang nangyayari sa kanya. “Pasensiya na po kayo. Hindi po kasi alam ng boss namin na naririto kayo ngayon sa Toronto. Hindi po ata sinabi ni Sam. Hindi tuloy siya pinayagan. Don’t worry po. I’ll take of Papa Sam, Ma, and you takecare of my pa-sharon. Okay, Ma,” malambing na sabi ni Arah sa ina ni Samuel. Bahagya naman yung ikinagulat ni Shalanie. Hindi niya inaasahan ang mga narinig sa pakikipag-usap ni Arah sa ina ni Samuel. Bakit hindi sinabi sa kanya ni Samuel na naririto sa Toronto ang mother niya? Buong akala kasi ni Shalanie ay nasa Pilipinas ang ina nito kaya wala namang dahilan para umuwi ito ng maaga para sa birthday ng ina nito. Tumayo siya at lumabas ng silid. Hindi niya maintindihan ang sarili. Hindi niya alam kung sundot ng konsensiya o iggit ang bumalot sa pagkatao niya ngayon. Nagtungo siya sa kanyang kuwarto. Pagpasok sa kuwarto niya ay naupo siya sa kama at sumandal sa headboard nito. Naisip niya na hindi alinman sa dalawa ang sagot kundi pareho siyang nakokonsensiya at naiinggit sa pamilya ni Samuel. Bigla niyang namis ang mga magulang niya na matagal ng namaalam sa mundo. Pati na rin ang nag-iisa niyang kapatid na babae na nasa Pilipinas. Matagal pa siguro bago sila magkitang muli ng kapatid niyang iyon. Palagi naman niya itong tinatawagan at kinukumusta. Muling nabakik ang isip niya kay Samuel. Bakit ba kasi hindi sinabi nito sa kanya na narito ang kanyang ina. Mabuti pa si Arah alam ang tungkol sa bagay na iyon. Bakit naman sasabihin sa kanya iyon ni samuel kung sakali? Ano ka ba naman Shalanie? Ano ba yang pinag-iisip mo? Saway niya sa sarili. Dahil sa pag-iisip ay nakaramdam siya ng antok. Naisip niya na maidlip muna at mamaya na niya babalikan si Samuel at Arah sa library niya. Malamang ay busy pa ang mga ito sa pakikipag-usap sa ina ni Samuel. Ayaw naman na niyang marinig pa ang pag-uusapan ng mga ito dahil baka lalo siyang usigin ng kanyang konseniya. Iidlip lang muna siya ng kaunti. BIGLANG napabalikwas ng bangon sa kama si Shalanie. Nakatulog pala siya. Sinulyapan niya ang relo na nakasabit sa dingding. Napamulagat siya ng makitang mag-aalas-sais na pala ng umaga. Napahaba pala ang tulog niya. Mabilis siyang nagtungo sa library. Naabutan niya roon si Arah na nakayukyok sa timbon ng mga papel sa mesa. Nakatulog na ito roon sa tindi nang antok nito. Iginala niya ang paningin sa buong silid. Wala roon si Samuel. Hinanap niya si Samuel. Nasaan na kaya ito? She went downstairs. Nakita niya ang hinahanap na si Samuel na naka-upo sa sofa at inaayos ang dala nitong bag. Napansin niya ang isang malaking paper bag na alam niyang galing sa isang sikat na boutique. Iyon marahil ang regalo nito sa kaarawan ng kanyang ina. “Good morning,Boss,” kaagad na bati ni Samuel ng makita niya si Shalanie. Tumayo din ito mula sa pagkakaupo nito sa sofa. “Good morning,” balik na bati naman ni Shalanie at napatitig ito kay Samuel. “Natapos ko na lahat ng ipinapagawa mo. Plantsado na lahat maliban sa suot ko. P’wede mo na siguro akong i-dismiss.” Bahagyang natawa si Shalanie sa sinabi nito. Nagtakip siya ng bibig para hindi iyon makita ni Samuel. “Wow, mukhang nagising ka on the right side of the bed, Boss. Marunong ka naman pa lang tumawa, e. Masmaganda ka kapag tumatawa o kapag nakangiti ka,” kumento ni Samuel. Nakangiti rin ito nang malapad at halatang nasiyahan sa nakita mula sa boss niya. Kahit sino siguro ang makakita kay Samuel nang mga sandaling iyon ay mapapangiti at kikiligin. Mahahalatang puyat at pagod ito pero hindi man lang nabawasan ang kaguwapuhan nito. Sa halip na makabawas ay tila mas nakadagdag pa sa appeal nito ang malalaking eyebags nito. Teka, sinabi ba talaga nitong mas maganda siya kapag nakangiti siya? Biglang napa-isip si Shalanie. And wait, kailan pa nagkaroon ng appeal sa kanya ang assistant niya? Dumadalas yata ang pamumuri niya rito. “P’wede na ba akong umalis, Boss?” tanong ni Samuel. Nagmamadali na kasi talaga itong umuwi. Bukod sa wala pa itong tulog ay gusto na nitong mabati ang ina ng personal kahit late na ito sa kaarawan nito. “S-Sandali lang,” pigil ni Shalanie. Mabilis na umakyat ng hagdan si Shalanie at pumasok sa kanyang silid. Mabilis siyang kumuha ng Bulgari perfume mula sa lagayan niya ng mga pabango. Bigay iyon sa kanya ng kanyang kaibigan na Clarice at hindi pa niya iyon nagagamit. Pagkakuha roon ay dagli siyang bumama at binalikan si Samuel sa sala. “Here, give it to your mother. Alam ko na walang babaeng tatanggi sa pabango,” sabi ni Shalanie kay Samuel habang iniabot at bote ng pabango. Ngumiti din siya pagkatapos. “Mukhang mamahalin naman iyan masyado, Boss,” sabi naman ni Samuel at nag-aalangang tanggapin ang ibinibigay ni Shalanie. “Why not? This is for your mother.” Inabot niya ang kamay ni Samuel at inilagay roon ang bote ng pabango. Pero isang malaking pagkakamali iyon dahil pakiramdam niya ay may tumulay na boltahe ng kuryente sa nagkadikit nilang mga balat. Dahil do’n ay dagli niyang binitawan ang kamay nito at umatras siya para magkaroon ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. Masyado rin kasi siyang malapit dito at naging alanganin siya roon. “Maraming salamat, Boss. Sigurado ako na magugustuhan ito ni Mama.” Kaagad na nitong ipinasok sa bag ang pabango. Nakangiting tumango-tango siya. “Batiin mo na lang siya para sa akin. P-Pasensya na, hindi ko kasi alam na naririto pala siya.” “Naku, wala iyon, Boss. Trabaho naman ito kaya ayos lang iyon,” nahihiyang sagot ni Samuel. Napaisip din ito dahil sa tagal nitong katrabaho si Shalanie ay ngayon lang ito humingi dito ng pasensiya. Totoo ba ang mga narinig nito mula sa Boss nito? Pinagmasdan pa nito si Shalanie. “Parang iba talaga ang awra mo ngayon, Boss.” Pagtataka pa rin ni Samuel ngunit nasisiyahan din ito sa nakikita mula sa boss nito. Hindi na pinansin pa ni shalanie ang kumento ni Samuel dahil baka asarin lang siya nito. “Sige na, makakaalis ka na.” “Boss, kapag may nakita kang mali sa ginawa ko, tawagan mo lang ako,” bilin ni Samuel. “Kapag may nakita akong mali, ipasusundo kita.” “Sige, Boss. Si Arah pala tulog pa yata,” bilin pa ni Samuel. Iniwan niya kasing natutulog pa si Arah. Hindi na din siya nakapagpaalam pa rito. “Ako nang bahala sa kanya.” Tumalikod na si Samuel pero dagli ring humarap sa kanya, nagkakamot sa ulo. “May dumadaan bang cab dito?” “Wala. Sige ihahatid na kita sa sakayan.” Hindi na siya nag-abala pa na magsuklay o maghilamos man lang. Hindi na niya naisip iyon. Maganda pa rin naman siya kahit walang suklay at hilamos. Si Shalanie ang nagmaneho ng sasakyan. Parang si Samuel tuloy ngayon ang amo. Habang nasa byahe sila ay sinabi ni Samuel na babalik ito sa MWSI upang kunin ang sasakyan nito. Nagulat naman si Shalanie nang malamang may sasakyan pala ito. “Sa kaibigan ko iyon, Boss. Hiniram ko muna, hindi naman kasi niya ginagamit,” paliwanag ni Samuel. Ipinahiram kasi ni Ethan ang isa sa mga sasakyan nito. Nasabi kasi ni Samuel na nahihirapan siyang sumakay papuntang trabaho kaya nale-late ito. “Ibig sabihin wala nang dahilan para ma-late ka.” “Sana.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD