Act 4

2870 Words
"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya matapos kong asikasuhin ang iilang paperworks. Sabado ngayon at alam kong nasa bahay lang siya pero baka abala rin siya sa pag - aaral. "Wala po. Nasa bahay lang ako at binabantayan ko ang kapatid ko," sagot niya sa akin at naisip kong puntahan na ang siya doon. "Okay. See you,” sabi ko uli sa kanya at agad na akong nag asikaso. Abalang abala ako sa kung ano ang isusuot ko kahit si Genesis lang naman ang pupuntahan ko at sa bahay lang naman niya kami mag - stay. "Anong see you? Pupunta ka ba sa bahay?" Binasa kong muling ang text ni Genesis. Alam kong naiintindihan nya naman ang ibig kong sabihin. Ngayon pa lang ako majakatungyong ng bahay nila. Gusto kong iparamdam sa kanya kung paano mangligaw ang isang lalaki. Bumili ako ng iilang mga pagkain para sa kanilang magkapatid at naisip kong doon magtagal at magpalipas ng oras. Sana ay wala sila Fernan doon. Ang alam niya ay ampon ako nila Don Jaime. Nang makita ko siyang nasa labas na ng gate nila, kinuha ko ang atensyon niya sa pag busina ng sasakyan ko at tumakbo na papalapit sa akin si Genesis. Tiningnan ko pa siya mula ulo hanggang paa ang itsura niya. Sa pagsunod sunod ko sa kanya, nasubaybayan ko ang pagbabago ng itsura niya. Nabawasan ng kaunti ang kanyang buhok at mas lumaki ang kanyang hinaharap. “Ang ganda mo," sabi ko kay Genesis at binuksan ko ang sasakyan saka ko iniabot ang flowers sa kanya. Lumabas na din ako bitbit ang mga pagkain. "Salamat sa compliment?” sabi niya sa akin ng nakangiti. Na fall na ba siya? Hindi ko na mapigilan ang ngiti ko kaya at naka ngiti lang ako kay Genesis. Naging pagtataka naman ang bumalot sa mukha niya at hindi ko alam kung bakit. Akala ko ay masaya siya sa bulaklak na iyon? "Mahilig ka sa sweets diba?" tanong ko kay Genesis at mas lalong lumaki ang ngiti sa kanyang labi. Masaya akong napapasaya ko siya at sana mas matagal pa. Hirap talaga hulaan kung anong iniisip niya. Naglakad kami papunta sa bahay niya dahil hindi siya pwedeng lumabas talaga. Umalis lang siya saglit para salubungin ako. Hiniling ko rin kasi na sana makapunta ako sa bahay nila. May iilang mga kapitbahay ang nakatingin sa amin dahil bitbit ni Genesis ang bulaklak na para bang isang contestant sa pageant. Pagkadating namin ay agad niya inilapag ang bulaklak sa lamesa at kinuha ang dala kong pagkain. “Upo ka, Aero. Gusto mo ba ng tubig?“ tanong niya sakin habang tinatapat ang electric fan sa akin dahil tirik rin ang araw. “Rion, doon ka muna sa kwarto. May bisita ako,” utos niya sa kapatid niya at agad naman sumunod ito sa kanya pero tinitigan na muna ako ng matagal bago siya umaakyat. Matatalino silang bata. "Magpapalit lang muna ako ng damit, sandali lang ito. Sobrang init kasi," pagpapaalam niya sa akin at mabilis siyang umakyat. Ilang minuto lang ay bumaba na siya. Nakablack top ito at blue na shorts. Mas kita ko ang hubog ng katawan ni Genesis dahil dito kaya mas nakadagdag iyon ng s*x appeal ni Genesis. I have my urge but not right now. Tumikhim na lang ako dahil kung ano ano ang pumapasok sa isip ko kaoag nakikita ko ang sexy niyang katawan. Pinagkekwentuhan lang namin ang tungkol sa school works niya ng dumating na ang kanyang mga magulang. Kung kailangan niya ba ng tulong. Parehas kaming napatinin ng bumukas ang pinto. “Magandang tanghali po,” bati ko sa magulang niya at nagmano. “Nay, Tay. Si Aero po,“ pakilala saken ni Genesis at agad ako kinamayan ng mga magulang niya. “oh, Aero. Magandang tanghali naman. May pogi palang bisita ang anak ko. Magluluto na ako agad ng makakain na bisita mo,” sabi sa amin ni Anna at ngumiti. Alam kong natatandaan nila ako. Hindi ako pwedeng magkamali. Ilang beses na sila ipinakilala sa akin ni Don Jaime noon. Kuhang kuha ni Genesis ang itsura ng kanyang ina. Pati ang buhok nito. Walang nakuha ng kahit ano sa manyang ama kahit na sa ugali ay hindi nito nakuha iyon. Lahat ay galing kay Anna. “Tawagin mo ang kapatid mo Genesis,” utos sa kanya ni Fernam, ang kamyang ama at agad naman siyang sumunod. Pumunta lang siya sa ibaba ng hagdan at pasigaw na tinawag ang kanyang kapatid. “Ilang taon ka na, Aero?” tanong sakin ni Fernan. Umayos ako ng pagkakaupo at humarap sa kanya. Kailangan maging magalang ako aa kanyang mga magulang. “25 na po ako, sir,” sagot ko sa kanyang ama at tingnan ako mula ulo hanggang paa. Kung ako ba naman magkaanak na kagaya ni Genesis, paghihigpitin ko talaga to. “Saan mo nakilala ang anak ko?” tanong niya uli sa akin na tila nag - uusisa talaga sa akin. Batid kong alam niya na apo ako ni Don Jaime pero hindi niya alam kung paano ko nakilala ang kanyang anak. “Pagkakita ko sa kanya sa isang salo salo sa mansion ni Don Jaime ay gusto ko na siyang makilal," sagot ko sa kanya at nagbago ang kanyang aura. “Kamag - anak ka ba ni Don Jaime? Kamusta na ang kaso? Hindi pa rin ba nakikita ang katawan nilang mag anak?“ tanong niya at tumango lang ako. Umigting ang panga ko dahil sa sinabi niya pero binawi ko rin agad ang reaksyon kong iyon. “Pasensya ka na. Galing ba sayo tong flowers, cake at donut? Salamat dito, paboritong paborito ito ng anak ko. Ilalagay ko muna sa ref ha. Papuntahin ko muna si Genesis. Usap muna kayo diyan,“ paalam sa akin ni Fernan at kinuha na ang binili kong pagkain. Nakita kong nagbubulungan sila Anna at Fernan sa kusina pero ibinalik ko kay Genesis ang atensyon ko. Tumabi sakin si Genesis at hindi alam kung ano ang gagawin. Inilabas ko ang cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato ng hindi niya alam. Tinitigan ko ng matagal ang stolen shots ko sa kanya. Nakakabighani. Makita ko lang ang ngiti niya, nalilimutan ko na ang problema ko. “Ano yan?” tanong niya saken atsaka siya tumingin din sa cellphone ko. “Wala. Wag mo na alamin,” sagot ko sa kanya at tinago na ang phone ko. Tumahimik ulit ang paligid hanggang sa tawagin na kami ni Anna at Fernan para kumain. “Kuhaan muna namin kayo ng kodak,” sabi ni Anna at kitang kita ang tuwa sa kanyang mukha. Umakyat siya saglit at bumaba rin tsaka kinuhaan kami ni Genesis ng litrato. "Magpose na kayo. Iseset ko la g ang timer," sabi sa amin ni Anna at lahat kami ay nagpunta na sa Sala tapos ay isinet na ni Anna ang camera saka bumilang hanggang tatlo. Pagkatapos namin mag picture taking ay nagsimula na kaming kumain. "Aero, anong balita sa imbestigasyon ng pamilya mo?" tanong saken ni Fernan at pinunasan ko ang aking bibig bago magsalita. "Wala pa naman pong bago sa kaso at case closed na dahil hindi pa rin sila nahahanap hanggang ngayon," sagot ko at tumingin lang sa kanya. "Aero, graduation na ni Genesis sa susunod na buwan. Nasabi nya ba sayo? Asahan ka namin don ha," sabi sakin ni Anna at hinawakan niya ang kamay ni Fernan. "Opo, mam. Pupunta po ako. Special na araw para kay Genesis yun at gusto ko icelebrate para sa kanya." Sagot ko at ngumiti lang sakin si Genesis. Tahimik na naman kami pagkatapos nung usapan namin. "Kuya, pahingi pong cake," sabi sa akin ni Rion at agad tumayo si Anna para kunin sa ref ang cake. Inuna niya ng lagyan ang plato ni Rion at sunod naman sa akin, kay Gen at kay Fernan. Iisang plato na lang sila ni Fernan sa cake. "Maraming salamat po sa masarap na tanghalian. Pwede po ba kaming lumabas ni Genesis ngayon?" tanong ko sa kanila ar sandaling nanahimik. "Saan tayo pupunta?" tanong sakin ni Genesis at ngumiti lang ako. "Surprise. Hindi naman po kami magpapagabi at sa Pasay lang po kami pupunta," sagot ko at tumango lang ang mga magulang niya. "Oh sige sige. Basta umuwi kayo sa tamang oras," sabi ni Anna at inutusan ng mag asikaso si Genesis. Nakapants at tshirt lang siya at nagfoundation lang. Naisip kong bilhan siya ng iilang mga damit sa isang mall. "Aalis na po kami," paalam ko sa mga magulang niya at pinagbuksan ko siya ng pinto. Nagdala na din siya ng payong para sa akin pero dahil mas matanggap ako ako ang nagdala ng payong. Ini on ko muna ang aircon ng kotse bago siya papasukin. Agad ako umikot at sumakay na din. Hindi ko muna pinaandar ang sasakyan at tinitigan ko muna siya. "Can I kiss you?" tanong ko sa kanya at tumango lang siya sa akin. Mabilis kong idinikit ang labi ko sa kanya at hinawakan ang kanyang leeg. It. Fuckin' Feel. So. Good. Hinawi ko ang buhok niya ng humarang ito sa kanyang mukha. "Bakit ngayon ka lang?" bulong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin at dumiretso na siya ng upo. Pinaandar ko na din ang sasakyan at baka kung ano pa magawa ko. Magshopping, gumala, nanood ng sine at kumain lang naman kamj sa isang mall sa Pasay at agad din siyang inuwi. Tinitigan ko lang siya habang nasa tapat ako ng sasakyan at nagpapaalam sa kanya. Nasa labas din ang magulang niya pero sa kanya lang atensyon ko. Kung hindi tatanungin ang edad ni Genesis, mapapagkamalan siyang isang babae na lagpas sa tunay nitong edad. Pagkauwi ko at makapagbihis ay agad ko na siyang itinext. "Kelan nga pala graduation mo?" text ko sa kanya habang inaasikaso ko ang iilang papeles. "Sa susunod na buwan pa po," reply niya sakin at tinuon na muli ang atensyon ko sa computer. "Ok. Asikasuhin ko lang ang iilang mga office works. Text or Call kita later," sabi ko sa kanya at hindi na siya nagreply sa akin. "Wag puro cellphone. Magpahinga ka na. Goodnight, baby," text ko ulit at itinabi ko na ang cellphone ko. May kumatok sa pintuan ng kwarto ko kaya agad ako tumayo at pinagbuksan ito. Ngumiti sa akin si Manang Hilda at pinapasok ko siya sa kwarto ko. "Kamusta date niyo ni Genesis, anak?" tanong sakin ni Manang at Ngumiti lang ako sa kanya. Ngumiti pabalik sakin si Manang at hinawakan ang kamay ko. "Basta anak, ang payo ko sayo. Wag ibigay lahat at wag magtitiwala ng buo," bilin niya sa akin at niyakap ako. “Alam ko po iyon. Magdadahan dahan po ako sa kanya. Ayoko din siya madamay sa kasalanan ko,” sagot ko kay Manang at humiwalay siya saken sa pagkakayakap. “Ayoko mapahamak kayo ni Yna. Pinagsisisihan ko na rin ang nagawa natin at ibabaon na lang sa limot,” sagot niya at hinawakan ang pisngi ko saka lumabas na siya ng kwarto. Magpahinga na ako ng gabi ng yon at nanaginip na naman sa kasalanan na ginawa noon. Araw araw ko ng sinusundo si Genesis sa school at kapag weekend ay lumalabas kami kasama ang pamilya niya. Para mapalapit ako sa kanilang lahat. "Gusto mo bang magbakasyon?" tanong ko kay Genesis habang nasa bahay ako at kausap siya sa telepono. May group project sila ngayon kaya hindi siya makakalabas. "Saan naman?" sagot niyang patanong pero nakakaramdam ako ng tuwa dahil sa tono ng boses niya. "Sa isang private beach. After ng Graduation mo," sagot ko sa kanya ng biglang naputol ang linya. Timing an ko pa ang cellphone ko kung nawawalan ng signal pero hindi naman. Biglang nag ring ang phone ko at sinagot ko na ang tawag. "Nawalan ng signal. Sorry. About sa bakasyon na sinasabi mo, baka di ako payagan nila nanay," sagot ni Genesis sa akin at ngumiti lang ako. Alam kong gusto niyang sumama kaya bago ko pa siya niyaya ay inuna ko ng ipag paalam siya sa magulang niya. "Susunduin na lang kita sa inyo pagkatapos ng graduation mo. Ipapagpaalam kita," sagot ko sa kanya at nagcheck na ako ng emails ng marinig ko ang pag tawag ng ka klase niya sa kanya para mag hapunan. "Bye. Kain muna ako ng dinner,” sabi ni Genesis sa akin at pinatay na ang tawag. Tinawagan ko ang House care taker ko ilang araw bago ang Graduation ni Genesis para linisin at asikasuhin ang bahay. Nagbilin din ako na lagyan ng laman ang ref dahil ayoko lalabas pa kami ni Genesis. Gusto ko lang siya masolo kahit isang gabi lang. Pero wala akong balak na galawin siya kapag labag sa loob niya. Araw na ng graduation niya pero hindi ko siya naisipang bati in kahit sa text man lang. Hawak ni Anna ang cellphone at nagtetext ako sa kanya na nasa malayo lang ako at tinatanaw si Genesis. Gusto kong namimiss niya ako. Gumuguhit sa kanyang mukha ang pagka bagot dahil sa speech ng mga politiko na nag sponsor ng graduation nila. Lumipas ang dalawang araw matapos ang graduation niya, tinawagan ko si Anna para ipaalala sa kanya ang bakasyon na regalo ko kay Genesis. Nag doorbell ako sa bahay nila para sorpresahin siya dahil alam kong umalis sila Anna at sila lang ng kapatid niya ang nasa bahay. Kita ko agad ang gulat niya ng makita ako. Gusto ko siyang yakap in at halikan ng oras na yon pero tiniis ko pag masolo ko na siya ay gagawin ko ang lahat ng gusto ko at walang hahadlang. "Bukas na bukas na ang bakasyon natin. Mag impake ka na. Susunduin kita," sabi ko sa kanya at inabot ang binili kong cake saka umalis din ako agad. Huminga na muna ako malalim pbago maglakad papunta sa sakayan ko ng makasalubong ko si Anna at Fernan. Hindi na ako tumuloy sa bahay nila yayain akong sumaglit sa kanila. “Payag na sila nanay, baby! First time ko mag beach!” text sa akin ni Genesis habang nagdadrive ako pauwi. “Kamusta, Aero?” bati sakin ni Yna at amoy na amoy ang alak sa kanya. Hindi ko na lang siya sana papansinin pero sa mga sinabi niya ay nakuha niya ang atensyon ko. “Abala ka na masyado kay Genesis ha. Umattend ka pa ng graduation pero hindi ka makalapit," sabi sa akin ni Yna at tinitigan ko lang siya. Pulang pula na ang mata niya. “Lasing ka na. Itulog mo na yan,” sabi ko sa kanya at nilapitan ko siya saka binuhat papasok sa kwarto niya. “Hinahanap hanap ka ni Genesis nung araw na yon. Sa sobrang inis ko, tinext ko si Anna para takutin. Ano bang meron kasi si Genesis ng wala sakin? Dahil mas bata ba siya? Dahil sa hindi siya nakagawa ng masama? Dahil kapatid ako ni Uno?” sigaw ni Yna habang nasa kwarto na kami at bumangon si Manang para tulungan ako. Iniwan ko na silang mag – ina at nag asikaso na sa gamit na dadalhin ko. Biglang nag ring ang cellphone ko at number ni Anna ang rumehistro. "Aero. Magandang hapon. Tuloy na ba kayo bukas ng anak ko? Ipapaubaya ko siya sayo anak. Sana wag siya mapahamak," bungad sa akin ni Anna at agad kong nilagay palad ko sa noo ko. Alam kong nag a alala na siya dahil sa pagtext sa kanya ni Yna. Kahit wala pa akong idea sa text na yon, alam kong naiisip ni Anna na mapapahamak ang anak niya dahil sa krimen na nagawa namin noon. "Hindi ko po ipapahamak ang anak niyo. Aalagaan ko po ang prinsesa niyo. Wag po kayong mag alala," sagot ko sa kanya at ibinaba niya na ang tawag. Pagkatapos ng tawag niya ay sunod sunod naman ang text na matanggap ko galing sa kanya. "Wag mong hahayaan mawala anak mo sa landas mo." "Isasama ko anak mo kung nasaan ang mga Jaime. Kaya iiwas ko kay Aero yan." Natigil ako sa pagbabasa ko ng ibang text at huminga ng malalim habang ikinukuyom ko ang kamay ko. Nakakaramdam na naman ako ng sobrang galit pero ayokong sugurin at saktan si Yna. Tinawagan ko na lang si Spiel para makapag labas ng sama ng loob. Agad naman siyang nakapunta sa bahay at may dala na rin siyang alak. Nasa garden kami at ako na nag handa ng pulutan namin at hinayaan ko na lang si Manang Hilda na alagaan ang anak niya. "Bro, balita ko nakilala mo na si Genesis. Kamusta? Crush na crush mo yon diba," sabi sa akin ni Spiel pagkatapos kong inilapag ang ininit ko lang na de lata na sisig. "Oo, Brad. Problema nga tong si Yna," sagot ko sa kanya ng mahinang boses lang dahil ayoko marinig ni Manang ang sinasabi ko. Alam ng lahat na matagal ng may gusto sa akin si Yna pero kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya. Ikinuwento ko na lang kay Spiel mga pinuntahan namin ni Genesis at Masayang nag inuman. Binigyan niya din ako ng mga payo kung pano aalagaan si Genesis dahil bata pa rin kahit baliktarin ang mundo. Gusto kong sa akin naranasan ni Genesis kung pa paano ang magkaroon ng totoong pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD