Unang buwan ng pagbubuntis ni Genesis, kita na ang umbok ng kanyang tiyan. Binabantayan ko talaga ang lahat ng ginagawa niya kapag sabado at linggo dahil wala naman akong pasok pero mas matagal ang pagbabantay ni Manang Hilda sa kanya. Minsan ay nagkukulong na siya sa kwarto para lang malayo sa akin kahit dalawang araw na lang sa isang linggo ko siya nakakasama ng matagal. Tuwing umaga bago ako pumasok ay mahimbing pa ang tulog niya. Tanghali na siya nagigising at pagsisilbihan na lang siya ni Manang. Madalas niyang hanap kainin ay mais at mangga. Palagi kasi siyang moody, madaming hinahanap kung minsan ay walang kawenta kwentang bagay na ang pinaghahanap niya ultimo punda ng unan, gusto niya ay may sea shells. Pero nung isang beses ay muntikan na siyang madulas pagpasok niya ng cr k