HE Chapter 2

3000 Words
Chapter 2 Bella's POV Maganda naman talaga si Ma'am Jellie kaso baku-bako ang mukha niya. Tinitiris niya siguro ang mga pimples niya noon kaya nagkaganoon ang mukha niya. Napalunok ako sabay ngiti sa kaniya. "Hi po, Ma'am. May kailangan po kayo?" magalang kong tanong. Mas nakatataas pa rin siya sa akin kaya nirerespeto ko pa rin siya sa kabila nang magaspang niyang pakikitungo sa akin. "Mabuti naman at sumusunod ka sa utos," masungit niyang ani. Ang hindi paggamit ng make up ang tinutukoy niya. Iyon ang kauna-unahang rule na ibinigay niya sa akin na dapat kong sundin. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa mukha ko. Wala namang problema sa rule na iyon. Allergic din kasi ako sa mga make ups. Wala lang talaga akong ideya kasi ako lang ang hindi nagme-makeup sa amin. Lahat ng mga salesladies dito ay nakapantapal sa mukha. Tint lipstick at face powder nga lang ang ginagamit ko sa trabaho. "Oo naman po, Ma'am," nakangiting ani ko. Lumayo na siya sa akin. "Pakidala sa bodega ang mga kahon na iyon." Itinuro niya ang mga kahon sa malapit. "Mag-break ka na tapos bumalik ka agad," mataray niyang utos bago niya ako tuluyang tinalikuran. "Bruha talaga 'yan," narinig kong sambit ni Cassie. Pinanlakihan ko naman siya ng mga mata. Mabuti na lang dahil hindi siya narinig nito. "Pakshet talaga 'yang pusit na 'yan." "Shhh!" sita ko naman sa kaniya. "Baka mamaya mapanood ka niya sa CCTV. Mahuhuli niya 'yang masama mong tingin sa kaniya," nakangiting babala ko sa kaniya. "Alam mo, friend, inggit lang 'yan sa 'yo kasi maganda ka. Palibhasa, dinaanan ng araro 'yong mukha niya!" inis niyang sambit habang nakapamewang. "Magtrabaho ka na lang diyan. Sige, dadalhin ko lang 'yong mga kahon sa bodega." Tinalikuran ko na siya. Agad kong pinuntahan ang mga kahon. "Tutulungan na kita." Nagulat ako sa biglang nagsalita. Natulala ako sa lalaking nakatayo ngayon sa harapan ko. Nakayuko kasi ako kaya hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon. "Huwag na po, Sir. Kaya ko na po," nahihiyang wika ko. Hindi ko alam kung sino siya. Mukha siyang mayaman dahil na rin sa suot niyang pang-business suit. "Hindi mo 'yan kakayanin," nakangiting sabi niya habang nakapamulsa. Iniangat ko ang mga kahong dala-dala ko. "Kaya ko na..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil totoo ngang mabigat ang mga ito. "See? I told you," nakangising ani niya. Inilapag ko ulit ang mga ito sa sahig. Iisa-isahin ko na lang na dadalhin ang mga ito sa bodega. "Ako na po ang bahala, Sir. Costumer ka po rito. Hindi n'yo po trabaho ito," naiilang kong wika. "Good morning, Sir Dylan." Natigilan ako dahil biglang sumulpot ulit si Ma'am Assistant Manager. "Ano ang ginagawa n'yo po rito, Sir?" magalang niyang tanong sa lalaki. Pasimple rin siyang napatingin dito sa gawi ko. Lagot na naman ako sa kaniya! "Tutulungan ko lang sana siya. Mukhang mabigat kasi ang mga kahon," nakangiting sagot naman ng lalaki sa kaniya. "Nako, Sir, kaya niya po 'yan. Huwag n'yo po siyang problemahin. Sanay na po ang mga empleyado namin dito sa mga ganiyang trabaho." Nakita kong inirapan niya ako. Yumuko na lang ako para hindi ko makita ang pamatay niyang mga sulyap. Kinuha ko ang isang kahon at dinala sa mga braso ko. "Sir and Ma'am, excuse me po," magalang kong paalam bago ko sila tuluyang tinalikuran. "Ipadala mo na lang sa mga bodyguards 'yong dalawang natitirang kahon. Dapat sa lalaki mo iniutos 'yan. Hindi sa kaniya dahil babae siya," narinig kong sabi ng lalaki sa kaniya. Ako kaya 'yong tinutukoy niya? "Sorry, Sir Dylan. Nagkataon kasi na siya lang ang nakatunganga kanina at walang ginagawa," narinig kong katwiran naman ni Ma'am. Sinungaling talaga siya. Nagtatrabaho kaya ako kanina. Lagi na lang niya akong ginaganito! "No problem. Sana 'wag na itong maulit." Naririnig ko pa rin sila. Lumingon ako sa kanila nang sa tingin ko'y nakalayo na ako. Laking gulat ko nang malaman kong nakasunod pala sila sa akin. Mabilis akong humarap bago pa nila ako mahuling nakatingin sa kanila. "Of course, Sir. Pasensiya na ulit... Ano po pala ang ipinunta mo rito, Sir? Bakit hindi n'yo kasama si Sir Anton?" Si Sir Anton ang pinaka-boss namin dito. Kaano-ano kaya siya ni Boss? "Gusto kong makita ang bodega," tipid naman nitong sagot. Nakarating na kami rito sa bodega. Abala ako sa pagsisilid ng mga stocks na galing sa mga kahon. Tahimik lang akong nakamasid kay Ma'am at sa lalaking kasama niya. Sa totoo lang, may itsura din si Sir. Matangkad siya at chinito. Ngayon ko lang siya nakita rito. Bago lang naman kasi ako sa kompanya itong kaya hindi ko pa kabisado ang mga tao rito. Si Sir Anton lang ang kilala ko kasi siya ang Boss namin. "I heard Kael came here," ani ng lalaki habang inililibot niya ang kaniyang paningin sa paligid. "Yes, Sir. Kasama niya po si Ma'am Solenn," nakangiting sagot naman ni Ma'am. "Good! Mabuti naman at naisipan niya ang bumisita rito." Natawa naman si Ma'am. "Kaya nga po, Sir. Siya pala ang anak ni Sir Anton. Grabe, sobrang guwapo tuloy ng bagong endorser natin! Nakatutuwa dahil napapayag mo ang pamangkin mong gawin iyon. I heard, he doesn't want exposure." Napailing lang 'yong lalaki habang may naglalarong ngiti sa kaniyang mga labi. "We never gave him a choice. That's the easiest favor that he gave to his Dad. If not, the Company Demerceds will not be given to him," relax naman nitong tugon. kumurap ako nang magtama ang aming mga mata. "Siya na ang bagong mamamahala roon," pagpapatuloy niyang wika habang nakatingin siya sa akin. Nag-iwas ako agad ng tingin saka ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Nakaramdam ako ng inis sa nalaman ko. Sa Company Demerceds kasi ako nagtatrabaho rati. Ang Kael pala na iyon ang bumili niyon. Siya ang dahilan kaya kami naghihirap ngayon! Hindi ko lubos maisip na anak pala ni Sir Anton ang Kael na iyon. "Ibig sabihin, nagpahawak sa leeg si Mr. Kael Palma Calvin sa kauna-unahang pagkakataon," natatawa na komento ni Ma'am Jellie. Kael Palma Calvin... "Actually, the favor was so easy. Magpo-pose lang siya sa camera tapos wala na. Magkakaroon pa siya ng benefits dahil gagamitin ng Dad niya ang Demerceds sa pagpa-publish ng mga magazines na mukha rin mismo ni Kael ang laman. Nabayaran siya as a model at kumita pa siya dahil company niya ang magiging publisher," mahabang sabi ni Sir Dylan. "Pero nakita mo naman ang itsura niya kanina, Sir Dylan. Mukha siyang nabagsakan ng langit." "You're right. He really doesn't want exposure. Ayaw niyang pinagkakaguluhan siya ng mga tao. The important thing is, he managed to come. Ganoon naman talaga ang batang 'yon. Gusto niyang makilala siya silently and being the new owner of Demerceds. His goal is, malagpasan ang mga achievements ng dating nagmamay-ari ng Demerceds." May goal pala ang Kael na iyon. Magaling at mabait ang dating Boss namin noon. Maayos naman ang Demerceds noong nagtatrabaho pa lang ako roon. Ni wala akong nababalitaang aberya sa loob nito. Siguro ay may ginawa lang ang Kael na iyon kaya bigla itong nawala sa Boss namin. Kung ano man 'yon, ang sama niya! "Nagtataka nga ako sa reaksiyon niya kanina, Sir. Dati naman na siyang nagmo-model, 'di ba? Bakit parang nandidiri na siya ngayon na gawin iyon? I read from his article before that modelling is his life." "Something happened and the public doesn't need to know. Five years na rin siyang wala sa modelling industry kaya siguro nasanay na siya sa bagong environment niya ngayon. Nagbabago naman talaga ang hilig ng isang tao," matalinong rason naman ni Sir sa kaniya. "Is that so, Sir? Kung sabagay, tama ka sa sinabi mo, Sir. How about his girl? I'm talking about Ma'am Solenn." "What about her?" "Napapabalita kasi na mas gumaganda ang career niya ngayon as a model. Ang chismis nga raw ay dahil daw iyon kay Sir Kael." Natawa siya nang mapakla. Sa ginawa niyang iyon ay tila sinang-ayunan niya ang chismis. "Some said, Solenn is a user and a b***h at the same time." Sobrang intense naman ng mga salitang iyon para ilarawan ang isang babae. Babae rin ako at hinding-hindi ko maaatim na sabihin sa akin 'yon ng kahit na sino. Baka mabasag ko pa ang mukha kapag nagkataon! Tiningnan ko Sir at nabatid kong maging siya ay tila napaso sa sinabi ni Ma'am. Sumeryoso kasi ang ekspresyon ng mukha niya. "I don't know everything about them, Jellie. Ang alam ko lang ay matagal na silang wala ni Kael but still seeing each other. Hindi ko na pinaghihimasukan ang personal na buhay ni Kael. It's up to him... Buhay niya iyon. Maybe sila ulit kasi magkasama sila kanina kagaya ng sabi mo. Kael is a player, we'll never know how he plays. Kilala naman siya bilang cassanova noong nasa modelling industry pa siya." Marahan siyang tumawa. Parang may naalala siya bigla na nakatatawa. "Nabalitaan ko nga iyan, Sir. 'Yong mga panahong iyon ay hindi ko pa alam na anak siya ni Sir Anton... Parang nag-uumpisa pa lang siya sa karera niya sa modelling noon. Naagaw niya naman agad ang atensiyon ng marami kahit baguhan pa lang siya dahil sa taglay niyang karisma at kaguwapuhan." Hindi maikakaila ang paghanga sa tinig ni Ma'am. Ang tamis ng ngiti niya! Sana ganiyan din katamis at kagiliw ang ngiti niya kapag ako ang kausap niya! Asa naman ako, isang alila kaya ang tingin niya sa akin. Gusto ko pa sana'ng makinig sa usapan nila pero naisilid ko na lahat ng mga laman ng karton. Nang matapos ko na ang ginagawa ko ay lumabas na ako agad. Babaero din pala ang anak ni Sir Anton. Gaano ba ito kaguwapo sa akala nila? Basta galit ako sa ginawa niya sa amin! "Ang yaman-yaman na nga nila. Bakit kailangan pa nila kaming patalsikin?" inis kong tanong sa sarili. "Kailangan ko siyang makausap!" Hindi tamang pinatalsik na lang nila kami roon na para bang walang nangyari. Kailangan kong lakasan ang loob ko para sa mga kapatid ko. Hindi man lang kasi kami nabayaran nang tama bago nila kami pinalayas doon. Gusto kong umapela noon pero wala akong kasama. Hindi porke't mayaman sila ay aapakan na lang nila kami. Pupunta ako roon at maghahain ng reklamo, kahit mag-isa ko lang. Humanda sa akin ang Kael na iyon. "Aalis ka na agad?" tanong sa akin ni Cassie nang makita niya ako. "Oo. May trabaho pa kasi ako," sagot ko naman habang abala ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bag. Katatapos kasi ng three hours duty ko. May isang oras akong bakante bago ang susunod kong trabaho sa computer Shop. Napaismid naman siya sa akin. "Magmeryenda muna tayo," aya niya sa akin. "Huwag na. 'Yong kakainin ko, ibibigay ko na lang sa mga kapatid ko," tugon ko naman. "Ang huwarang ate," nakangiting asar naman niya sa akin. "Kumain ka naman paminsan-minsan, friend. Mas lalala ang problema mo kapag ikaw ang nagkasakit." Natahimik naman ako sa sinabi niya. Tama siya. Napilitan tuloy akong umupo muna. "Sige na nga," pagpayag ko. "Good! Tara sa labas." Naglakad na kaming sabay palabas ng Mall. Mas mura at sulit kasi ang kumain sa labas kaysa sa loob. Napadpad kami rito sa carinderia ni Aling Puring. Nasa tapat lang ito ng Mall. Madalas kami rito ni Cassie kapag break time. Nakatatak na sa akin ang puwesto na ito dahil dito naganap ang unang break up namin ng first boyfriend ko. Naalala ko na naman siya. Bumalik sa akin 'yong mga katagang binitiwan niya nang araw na iyon. Ayaw sa akin ng pamilya niya dahil mahirap lang ako. Hindi lang siguro siya para sa akin dahil kung mahal niya talaga ako, ipaglalaban niya ako. Iyon ang dahilan kaya hindi ako masyadong naglalalapit sa mga mayayaman. Mahirap kapag ipinamukha nila sa iyo ang salitang diskriminasyon. Mayamaya pa ay dumating na ang mga orders namin. "Ang dami mo namang in-order," manghang sabi ko habang nakatingin sa tray niya na punung-puno ng mga pagkain. "Sinadya ko 'yan. Alam ko namang magtitiyaga ka naman sa biscuit at tubig. Para sa iyo 'yong iba. Sige na, friend. Masanay ka na sa akin." Ngumiti siya sa akin kalaunan. Hindi naman talaga mahirap sila Cassie. Nurse ang mama niya sa abroad at pulis ang papa niya. Naglayas lang siya sa bahay nila dahil ayaw niya'ng mag-aral. Pinapadalhan pa rin naman siya ng mga magulang niya pero hindi kalakihan. Hindi ko rin siya maintindihan kung bakit mas gusto niya ng ganitong buhay samantalang puwedeng-puwede naman niyang pagandahin pa ang buhay niya kapag pumayag siyang mag-aral. "Salamat, Cassie." Nahihiyang inabot ko ang burger na bigay niya. "Wala 'yon." Tahimik lang kaming kumakain nang magsalita ulit siya. "Ang guwapo rin ni Sir Dylan, 'no!" ngiting-asong aniya bago kumagat sa humburger niya. "Iyong lalaki kanina?" maang kong tanong. "Oo! 'Yong nagalit kay Ma'am Pusit. Buti nga sa kaniya 'yon. Tama ba'ng ipabuhat niya sa 'yo 'yong sobrang bibigat na mga kahon kanina?" natatawang tanong niya habang punung-puno ng pagkain 'yong loob ng bibig niya. "Sino pala siya?" kunot-noo na tanong ko. "Ay, oo nga pala. Bago ka lang pala. Siya si Sir Dylan. Siya ang namamahala sa amin kapag wala si Sir Anton. Kapatid siya ni Sir Anton," paliwanag niya. "May chika ako tungkol sa kanila." Ininom ko muna ang tubig ko bago ako nagsalita, "Ano iyon?" "Ang sabi kasi sa akin ng mga matagal na sa kompanya ay maaga raw nabuntis 'yong asawa ni Sir Anton. Fifteen years old lang yata siya noon... Basta, sobrang bata. Si Sir Anton iyong ama. Si Papa Kael 'yong bunga. Sabay na nagbuntis 'yong asawa ni Sir at ang Nanay niya. Magkaedad lang sina Sir Dylan at Kael. Buwan lang yata ang pagitan nila pero mag-tito sila. 'Di ba, ang cool?" Manghang-mangha siya habang nagkukuwento. Tumango na lang ako sa kaniya habang ngumunguya. "Alam mo bang 'yong Kael Calvin pala na iyon ang bagong may-ari ng Demerceds?" seryosong balita ko sa kaniya. Napanganga naman siya sa sinabi ko. "Ibig sabihin siya ang dahilan kaya ka nawalan ng trabaho? Talaga? Sigurado ka?" sunud-sunod niyang tanong. Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon. "Siya nga. Narinig kong nag-uusap sina Sir Dylan at Ma'am Jellie kanina sa bodega." Naikuyom ko ang mga kamay ko. "Ano ang plano mo? Hindi ka pa rin nakamo-move on sa pagpapatalsik sa inyo roon, 'no? Halla! Ano ang gagawin mo?" nababahala niyang tanong. "Mag-isip ka nang mabuti, Bella," may babala sa tinig niya na tila pader ang babanggain ko at hindi tao. "Sa totoo lang ay wala na sa akin iyon. Ang kaso lang..." Napakagat ng labi ako. "Ang laki ng pangangailangan ko ngayon, Cassie, 'yong tuition ni Iza at pambili ng mga gamot ni Abby. Mababaliw na ako kung saan ko kukunin lahat 'yon. Natatakot ako para kay Abby. Matagal na kasi niyang itinigil ang pag-inom ng gamot niya. Paano kung bumalik ang sakit niya? Paano kung..." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. "Paano kung mawala siya sa amin?" paos kong tanong sa kaniya at higit sa lahat sa sarili ko. "Friend..." Medyo lumapit siya sa akin para hagurin ako sa likod ko. "Kaya mo 'yan... Naniniwala ako sa tatag mo! Puro problema ang kinakaharap mo pero kita mo naman, buhay na buhay ka pa rin." Nakita kong may hinugot siya mula sa bulsa niya. Napatingin ako sa kaniya nang may ilagay siya sa palad ko. "Five hundred lang 'yan. Pagpasensiyahan mo na. Alam mo namang naglayas lang ako sa amin, 'di ba?" Kinabig ko na lang siya palapit saka siya niyakap nang mahigpit. "Salamat, Cassie," umiiyak kong pasasalamat. "Sobrang hinang-hina na talaga ako. Ayaw ko lang ipakita sa mga kapatid ko dahil ayaw kong panghinaan din sila ng loob. Gusto ko'ng magmukhang matatag para sa kanila... Nagkanda-letche-letche lang talaga ang buhay ko simula noong matanggal ako sa dati kong trabaho," mahabang sabi ko habang lumuluha. "Si Sir Kael 'yon. Kilala mo ba siya? Anak siya ni Sir Anton Calvin, ang Boss natin," seryosong wika niya na parang pinapaalalahanan ako. "Hindi ko pa siya nakikita." Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. "Ang alam ko lang ay dapat makausap ko siya." "Para saan? Para ibalik ka sa trabaho?" tanong niyang habang pinupunasan niya ang mga luha ko. "O may iba ka pang gustong mangyari?" "Hindi naman para sa trabaho. Ang gusto ko lang naman ay bayaran niya kami nang tama. Sobrang liit kasi ng huling ibinigay niya sa amin. Saka isa pa, hindi man lang nila kami hinanapan nang magandang trabaho na sasalo sa amin. Sa tingin mo makatarungan iyon?" "Mali talaga siya, friend, pero paano kung mawalan ka ng trabaho dahil sa gusto mong mangyari? Mababait din naman sila, lalong-lalo na si Sir Anton. Anak niya ang haharapin mo. Hindi natin alam kung ano ang ugali niya. Ang alam ko lang ay guwapo siya at perfect. Pakiramdam ko, hindi siya mabait. Napipilitan nga lang siyang ngumiti kanina, eh... Idagdag mo na rin ang girlfriend niyang mas magaling pa sa mga bodyguards kung makabantay kay Sir Kael." Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Talagang iba ang impresyon niya sa babaeng tinutukoy niya. "Hindi naman ako makikipag-away. Makikiusap lang ako," mahinang saad ko. End of Bella's POV
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD