Prologue

1485 Words
"ISA lang ah!" Pasigaw na sagot ni Maria Trina Ignacio David o mas kilala bilang Rina. Malakas ang music kung kaya't kinakailangan niya pang isigaw ang sasabihin upang marinig ng mga kasama. Weekend at wala silang pasok sa pinagtatrabahohan na BPO company. Nais niya sanang manatili na lamang sa kanilang bahay at magpahinga ngunit pinilit siya ng mga katrabaho niya na sumamang magwalwal. Hindi niya ugaling uminom o maglakwatsa ngunit ayaw niyang masabihan na isang kill joy lalo pa't makailang beses na siya ng mga itong inaaya na lumabas ngunit lagi siyang tumatanggi at nagdadahilan na kesyo may masakit sa kaniya. Naubusan na siya ng sakit na idadahilan kung kaya't pumayag na lamang siya. "Oo naman. Isa lang!" Pasigaw na sagot sa kaniya ng kasamang si Bryle. Inabot nito sa kaniya ang isang basong may laman na kalahating alak. Nag-aalinlangan man ay inabot niya pa rin ang inumin. Napalunok siya ng ilang beses at mapait na tiningnan ang basong hawak. Mas lalo ring nalukot sa pait ang mukha niya nang maamoy ang aroma ng alak. Nagdalawang-isip siya kung ipagpapatuloy na inumin iyon. "Go, Rina! Kaya mo 'yan girl!" Panghihikayat pa ng ilang kasamahan. Nasa sampu silang magkakasama at pawang mga katrabaho niya ito. Naroon naman ang dalawa niyang kaibigan kung kaya't panatag siya at hindi gaano naiilang. "Isa lang talaga ah." Paninigurado niya bago ilapit sa may bibig ang basong may laman na alak. Ang lingid sa kaalaman niya'y ang basong kaniyang hawak na may laman na alak ay palihim na nilagyan ng gamot ng kalalakihan. Ang nilagay na gamot roon ay ang pampa-init sa katawan at pang-intense sa pang-romansa. Ang sinumang makakainom niyon ay agad na mag-iinit ang katawan at makakaranas ng kakaibang pakiramdam. "It's just a one taste, Rina. Sure na magugustuhan mo 'yan." Wikang muli ng kasamahan niyang si Bryle na siya ring pasimuno sa paglalagay ng gamot sa inumin ni Rina. Hindi lingid sa mga kasamahan na may pagtingin ito sa kaniya. Tumango siya at saka dahan-dahan na inilapat sa mga labi ang basong may alak. Hindi na rin siya nagdalawang-isip pa at agad na iyong ininom kahit pa napapaitan siya. Nagsipalakpakan ang mga kasamahan niya at panay-cheer sa kaniya. Samantala, may pilyong ngiti naman sa mga labi ang ilang kalalakihan na nakakaalam sa gamot na nakalagay sa ininom ni Rina. Pa-simpli pang nag-apir sina Bryle at ang katabi nitong lalaki. "Tara sa dance floor!" Aya ng kaibigan niyang si Suzzete. Hinawakan pa siya nito sa braso upang hilahin papunta sa mga nagsasayawan. Hinila niya pabalik ang kamay. "Kayo nalang. Medyo nahihilo ako." Sagot niya saka naupong muli. "Isang shot lang ang ininom mo tapos hilo kana? Come on! Paano tayo makakabingwit ng papa niyan?!" Umiling siya. "Kayo nalang. Goodluck nalang sa inyo." Sagot niyang muli saka napabuntong-hininga bago sandaling pumikit. "Ikaw ang bahala." Kibit-balikat na sabi nito saka nagtungo sa dance floor kasama ang ilang katrabaho. Naiwan na lamang siya roon sa table nila kasama si Bryle at ang tatlo pang lalaki na kasamahan nila. "Punta lang din kami sa dance floor. Kayo ng bahala diyan." May kakaiba sa tinig na wika ng kasamahan nila na sinabayan pa ng kindat kay Bryle. Nagsialisan na ito at naiwan na lamang silang dalawa ng lalaki. Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas ngunit hindi na niya maintindihan ang sarili. Para siyang hinihingal at init na init sa katawan. Dahil sa nakasuot lamang siya ng long sleeve na puti ay inalis niya sa pagkakabutones ang dalawang butones sa itaas upang kahit papaano ay mapagaan ang nararamdaman niyang init. Kumuha rin siya ng tubig sa dalang tray ng waiter upang ibsan ang kakaibang pakiramdam ngunit tila wala rin iyong epekto sa kaniya. Mas lalo pang nag-iinit ang katawan niya. May kung ano'ng nagtutulak sa kaniya na alisin ang suot na kasuotan upang labanan ang init. "Are you okay?" Maang-maangan na tanong ni Bryle na pakunwaring tinititigan ang parte ng dibdib niya na umalpas dahil sa pagkabukas ng butones. "O-oo. Mainit lang." Sagot niya saka muling uminom ng tubig. Umusog palapit sa kaniya si Bryle saka siya inakbayan. Ikina-gulat niya iyon ngunit tila may kung ano'ng pakiramdam ang naidulot niyon sa katawan niya. Ang init na nararamdaman niya'y ibang-iba na sa pisikal na init lamang. "Inom pa tayo." Ayang muli nito sa kaniya habang panay lapit ng mukha malapit sa may tainga at leeg niya. "B-Bryle...a-ano kasi..." Pigil niya sa lalaki nang magsimulang maglikot ang kamay nito sa may hita niya paakyat sa sensitibong parte ng katawan niya. Sinusubukan na rin nitong halikan siya sa may pisnge at sa may leeg kung kaya't kahit nahihilo man ay nagawa niya pa ring tumayo. "What? Aren't you want this?" May inis sa tinig ng lalaki. Inabot pa nito ang kamay niya ngunit agad niya itong iniwas. "Ayoko," madiin na sabi niya bago lisanin ang lalaki. Kahit tila may kakaiba siyang nararamdaman sa sarili dahil sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam ay hindi niya pa rin gugustuhin na makasama ang lalaki. Noon pa man ay hindi na niya gusto ang personalidad nito. May pagkamayabang kasi ito at bali-balitang babaero. Guwapo naman ito ngunit kahit kailan ay hindi siya nagkagusto rito. Nagmamadali siyang naglalakad patungo sa banyo nang hindi niya inaasahang mabangga ang lalaki na nasa gilid niya. "F*ck!" Rinig niyang malutong na mura ng nabangga niya kaya naman nag-aalala siyang napakagat sa labi niya. "I'm sorry." Mahinang turan niya. Humarap sa kaniya ang lalaki na nabangga niya. Nagkasalubong sila ng titig. Halos matunaw siya sa paraan ng pagtitig nito sa kaniya. Hindi niya lubos mabatid kung ano ang ipinapahiwatig niyon. Nangangamba basta siya na baka galit ito dahil sa pagkabangga niya. "Look what you've done!" Malalim na tinig na sabi nito. Pinakatitigan niya ang ibig nitong sabihin at doon ay natukoy niya na nabuhos pala ang alak sa damit nito. "H-hindi ko sinasadya. Sorry talaga." Aniya saka nagmadaling humingi ng tissue sa waiter na nasa counter at walang anong agad na pinunasan ang basang damit ng lalaki. "Hey! What are you doing? Get off me!" Maarting pagtataboy nito sa kaniya. "Pinupunasan ko lang. Basa 'yang damit mo dahil sa 'kin eh." Sagot niya at muling pinunasan ang damit nito mula sa may dibdib at pababa. "Sh*t!" Rinig niyang muling mura nito dahilan para mapatingala siya. "Sorry hindi ko naman talaga sinasadya eh." Sagot niya at muling pinunasan ang laylayan ng damit nito at ang pagitan ng dalawang hita nito. "Stop!" Pigil ng lalaki saka marahas na hinawakan ang kamay niya na may hawak na tissue. Nagulat pa siya dahil hinila pa siya nito palapit sa kaniya kung kaya't malaya niyang natitigan ang mala-goddess nitong mukha. Naghurumintado ang kaniyang dibdib at mas lalong nadagdagan ng kakaibang pakiramdam ang buong pagkatao niya. Mainit ngunit tila gusto niyang yumapos sa lalaki na nasa harapan niya. Hindi niya maipaliwanag ngunit may kung ano'ng bumubuhay sa p********e niya. Titig na titig sila sa isa't isa na animo'y kinakabisado ng kanilang mga mata ang bawat angulo ng kanilang mukha. Amoy na amoy niya rin ang napakabangong pabango na gamit nito. Sigurado siyang hindi iyon pipitsuging pabango lang. Ilang dangkal lamang ang pagitan ng kanilang mga mukha at kahit hindi man ganoong katingkad ang ilaw sa kinaroroonan nila'y nasisigurado niyang walang ni-kahit isang tigyawat o sugat o pangit na skin problem sa mukha ng lalaki. Naiinggit siya dahil dinaig pa siya nito sa kakinisan ng mukha. Gumalaw ang adams apple nito kung kaya't napasunod doon ang mga titig niya. Napaka-sexy niyon sa paningin niya at para bang inaakit din siya ng mga labi nito na kasabay din sa paggalaw ng adam's apple nito. Nagbaba siya ng tingin at mariing napapikit dahil sa pumapaimbabaw na pagnanasa niya sa lalaki. Hindi siya ganoon.ngunit ibang-iba ang pakiramdam niya lalo na sa lalaking nasa harapan. Gusto niyang labanan ang init ng kaniyang katawan kung kaya't kinuha niya pabalik ang kamay at aatras sana palayo rito ngunit agad na inagap nito ang baywang niya at walang sabi na hinalikan siya sa mga labi. Dahil sa gulat ay nanatiling nakadilat ang mga mata niya habang pilit na inoorganisa sa isipan ang nangyayari. Nais niya itong itulak palayo at sampalin dahil sa mapangahas na paghalik nito sa kaniya ngunit tila may sariling isip ang katawan at lalo na ang mga labi niya nang magsimula siyang tumugon sa mga halik nito. Mapusok ang mga halik nito na para bang sabik na sabik ito sa mga labi niya. Sinusubukan niyang makisabay sa halik nito at hindi naman siya nabigo. Eksperto masiyado ito sa paghalik. Hindi niya ugaling makipaghalikan sa publikong lugar ngunit tila wala na siya sa matinong pag-iisip. She don't want to end what was happening on both of them. She knows that it wasn't right but her body reacts so bad and she wants more. Hindi niya batid na magkakaganito siya lalo pa sa isang estrangero na hindi niya kilala. She's f*ck up because of a one sinful kiss from a stranger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD