Kabanata 17 Buong biyahe ay wala akong ibang inisip kundi si Uno. Hindi ko mapigilang mapaisip kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya at bakit siya nagkagano’n. “Don’t think too much about it, Ligaya,” sabi ni Ma’am Antonette. Nasa backseat kami ng kotse—ako, si Uno, at siya. Tiningnan ko siya at tipid siyang ngumiti sa akin. “You’ll know once we get there.” Tumango lang ako bago napatingin sa bata na abala sa paglalaro ng dala niyang laruang robot. “We’re almost there,” sabi ni Ma’am Antonette. At ilang sandali nga lang ay huminto na ang sasakyan. “We’re here. Let’s go,” aniya at nauna nang lumabas Sumunod naman ako at dinala si Uno. Bumungad sa amin ang isang malaking commercial building. “Nasa third floor ang sadya natin. Come on,” sabi ni Ma’am Antonette at naunang pumasok.