Buti na lamang at natapos din ang ensayo nilang iyon dahil labis labis na ang kaba sa kanyang dibdib. Kaba dahil sa damdaming nararamdaman sa bawat pagdikit ng balat nila ng lalaki. Napapitlag pa siya nang bigla siya nitong gawaran ng halik sa huling rampa nila. Naghiyawan tuloy ang mga taong nanunood sa kanilang ensayo. Matapos siyang halikan nito ay walang sabi-sabing iniwan siya nitong natitigilan. Naiwan na lang siyang napahawak sa labi niyang dinampihan nito nang halik at natinig na lang ang isang tinig na nagpabalik sa kanyang ulirat. "Masarap ba?" Uyam na boses ng babae. Kilala niya kung kanino iyon. Kay Melissa. "Ganyan ka na ba kadisperadang babae ka. Opppssss sorry tomboy na naging babae," tuya pa nito. Nagpigil lang siyang salubungin ang galit nito. Kaya tinalikuran niya ito