When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Mabuti na lamang at mabilis ang reflex ni Jeremy at agad na sinalo ang ka-partner nang nakitang natapilok ito. Alam na niyang masakit na ang paa nito sanhi ng pagkakatapilok kaya minabuting pangkuin na lamang ito. Masigabong hiyawan ang narinig nila sa ginawa sa kanya ng lalaki. Kasabay ng mga tilihan ng mga kababaihang kinikilig sa kanila ni Jeremy. Kahit namimilipit siya sa sakit sa paa ay naging pilya pa rin siya. Nang pangkuin siya ng lalaki ay agad na pinulupot ang magkabilaang kamay sa leeg nito saka ngumiti ng ubod tamis dito. "Ayyyy!!! Winner ka doon girl," tili ng baklang make-up artist ng ibaba siya ni Jeremy. "Thank you," simpleng wika sa lalaking walang emosyon lumayo sa kanya. Nang muli ay agawin ng bakla ang kanyang atensyon. "Bilis bakla. Suot na this," anito sa terno n