Habang nagtatawanan silang magkaibigan ay hindi nila namalayaan ang paglapit ng babaeng paksa nila. "Hi!" tipid na bati nito sa kanila. "Can I talk to you for a bit," anito. Tumingin pa ito kay Warren na tila humihingi ng paumanhin sa pagkakaantala ng kanilang usapan. "Okay! See you later bro," taas pa nito ng kamay saka nakihalubilo sa ilang naroroon na nagkakasayahan. "Four years was long para sayangin lang natin," bungad ng babae sa kanya. Alam din naman niya iyon pero ayaw niya itong umasa pa na maaayos pa nila dahil hindi na niya mahal ito. Halos isang taon din niyang kinumbinsi ang sariling mahal pa niya ito ngunit hindi na niya masabing mahal pa niya ito. "I'm sorry," mahinang wika. "But like I told you last time. Ayokong lokohin ka. It's better this way," dagdag pa. "No, I me