Wala na siyang balak palawigin pa ang pag-uusap nila ng babae. Kung hindi lang ito buntis ay hindi na niya ito kakatagpuin o gustong makita man lang. Nang masettle na nila ang gagawin nila ay nagpaalam na siya sa babae. He needs to think of putting up his engineering firm already kahit hindi pa siya nagti-take ng board exam. Kailangan niyang paghandaang ang kinabukasan ng kaniyang magiging anak. Pasakay na siya ng kanyang sasakyan nang muling mag-ring ang kanyang phone. Agad na sinagot iyon nang makita na ang mama niya ang natawag. "Hello Ma," magalang na wika dito. "Anak, busy ka ba?" "I'm just about to go home in my apartment. Bakit, may problema ba?," tanong niya rito. "Yeah. Can you come home tonight," anito na halata sa boses ang pag-aalala. "Why? Is there something wrong?," ma