Sunshine LAKAD-TAKBO na ang ginagawa ko makarating lang agad sa sasakyan ni Caden na kanina pa nag-hihintay sa labas ng apartment. Ngayon kami aalis papuntang Hong Kong at ang daming delaying tactics ni Daisy. Kung ano-ano pa ang pinadala niya sa akin para protektahan ang sarili ko laban kay Caden at binilinan pa ako huwag maging marupok. Pitong araw din kami magkasama sa Hong Kong na kami lang at matapos ang nangyari sa bahay niya, naiilang na talaga ako lumapit sa kanya. Marahil sa takot na baka saktan niya ako ulit? Normal lang naman siguro itong response ko lalo na sa mga taong may hatid na panganib sa akin. Kaso ang isa pang problema, pati kahit kanino ay nangingilag na rin ako nagpahawak at kasama na doon si Marco. Saka mo na nga problemahin iyan, Sunshine. Pinaghintay mo na ng mat